Chapter I - Unexpected

5 0 0
                                    


3:30PM - Friday

"Babalik na kayo ng hotel?" Narinig ni Andy na tanong ng Instructor nila sa kasama nilang si Ferdie. Naglalakad na palabas ng classroom si Andy at si Kram.

"Kram, nag mamadali na naman si Jerry, saan pupunta yun?" nakatanaw silang dalawa kay Jerry habang nagmamadaling lumabas nang exit door. Nag hagdan na lang ito sapagkat matagal pa ang elevator.

Apat silang magkakasabay na nagtraining. Iisang kompanya ang pinag tatrabahuhan nila. Kakapasa lamang nila ng exam. Lahat ng kinukuha nilang training ay requirement para sa kanilang trabaho. Last day ng training nila ngayon. Isang lingo din sila sa course na yun. Bago pa nito, marami na din silang nakuhang course sa kasalukuyang training center. Mag iisang buwan na din sila sa Maynila. Pinaghohotel sila kompanya. Malapit lang ang hotel sa opisina nilang pinag tatrabahuhan. Iisang building lang din ang opisina nila at ang training center. Napaka convenient na lokasyon. Nilalakad nalang nila araw araw ang opisina at ang training center.

"May pupuntahan pa daw siya Bok. Syota ata." Kibit balikat sa sagot ni Kram.

"Bok, treat daw tayo ni sir Rommel ng halo-halo sa resto sa gilid ng hotel." Bulong ni Ferdie sa kanilang dalawa. Napatingin silang dalawa ni Kram sa instructor nila na noon ay nakikipag usap sa kasamahan sa loob ng admin room. Halatang nagpapaalam ito.

"Aba, sige ba. Sayang kung tatanggihan." Mabilis na sagot ni Kram. Nakangisi ito.

"Ay sayang, nauna si Jerry." Kunwari ay nadismaya si Andy. "Anung nangyari kay Rommel? Close kayo Ferds?" Baling ni Andy kay Ferdie.

"Eh last day na daw ngayon eh. Wala daw siya gagawin dito. Nakikipag kaibigan lang." pagtatanggol ni Ferdie sa Instructor.

"Tara?" nasa likod na nila ang instructor. Sabay na sabay na sila naglakad papuntang Elevator. Nasa penthouse sila ng building.

Tuloy tuloy ang kwentuhan ni Kram at Andy na magkasabay naglalakad sa kalsada. Samantalang nakasunod naman ni Ferdie kasama ng Instructor nila na si Rommel.

Mabait si Ferdie, halos kaibigan niya ang lahat ng makasama nila. Mapa instructor man ito o kapwa nila trainees. Si Kram naman kay may pagkasuplado. Pero kung maging close kayo ay mabait din naman ito. Laging napag uusapan ni Ferdie at Andy na baka bading si Kram. Kakaiba kasi ito kumilos. At matalim ang dila na parang sa babae kung magsalita.

"Nakakaintindi ako ng Ilonggo kaso hindi lang makapag salita ng diretso. Nag iilonggo pa din kasi si mama sa bahay." Pag kukwento ni Rommel. Taga Iloilo ang nanay nito samantalang taga Maynila naman ang ama. Dito na sila ipinanganak at lumaking magkakapatid sa Maynila. Magkahiwalay na ang mga magulang niya. Ang nanay niya ay sa Olonggapo, Zambales na nakatira at siya naman ay sa tatay niya nakatira at nangungupahan sila sa kasalukuyan sa Makati.

Masaya ang kwentuhan nila ngunit hindi direktang nakikipag usap si Andy kay Rommel. Hindi niya ito gusto. Sa loob ng isang lingo na nag titraining sila, walang ginawa ang instructor nila kundi tawagin ng tawagin ang pangalan niya.

"Okay Miss Andromeda, can you define the meaning of the term 'Nearest Land' as define in Marpol Annex 1?"

Natigil ang pag titext ni Andy. Nasa pinaka likod na siya ng classroom. Nakatago pa siya sa likod ng mga kaklase niya. Napaangat ang ulo ni Andy para tumingin sa Instructor nila na noon ay nakaupo sa lamesa sa harap ng classroom. Nakangiti itong nakatingin sa kanya at naghihintay ng sagot. Ako na naman? Naisip ni Andy. Last na tanong niya, ako din, ngayon ako na naman? Ako lang ba ang nakikita ng pulgas na to? Tumayo si Andy at sumagot. Nag tetext man siya ay alerto naman ang tenga niya sa pakikinig. Pangalawang araw na ito ng training nila. Simula pa kahapon napapansin na niya na palagi siyang napapansin ng Instructor nila. Bata pa ito sa 27 years old kumpara sa ibang mga instructor sa training center nila. Maganda ang pangangatawan na lalong pinatipuno ng naka insert na polo nito. Naka slacks na maganda ang pagkakahapit sa katawan. Kayumanggi ito. Maganda ang gupit. Hindi kagwapuhan pero maganda ang mata at ngiti. May katangusan din ang itong nito.

"Text ka kasi ng text kaya ka natatawag ni sir." Paninisi ni Ferdie sa kanya.

"Eh yung iba nga halos matulog na, kaasar si Sir." Seryosong pahayag ni Andy. Breaktime nila. Inis na inis talaga ito sa Instructor.

"Bok, 5 minutes, bihis lang at kuha ng lagayan ng tubig ha? Tapos kita na tayo sa lobby." Bumalik ang isip ni Andy sa kasalukuyan.

Nasa Elevator na silang tatlo paakyat sa kanya kanyang kwarto sa hotel. Kasama niya pa din si Ferdie at Kram. Nagkasundo sila na mag refill ng mineral water nila.

May kalayuan din sa hotel ang bilihan ng tubig. Nilalakad lang nilang tatlo dahil hapon na at di na mainit ang araw. 5pm na nang nakabalik sila ng hotel. Hindi na lalabas si Andy sa kwarto niya. Nakapagbihis na siya ng pambahay at may tinapay siya sa ref. manunuod na lamang siya ng TV at bukas na ulit lalabas. Maliban pa sa nagtitipid ay tinatamad din siyang gumala pa.

Tumunog ang cp niya.

Ikaw na naman? gigil na naisip ni Andy. Apat na araw na nagtetext ang hindi kilalang number. Sinabihan na niya na wag na itong magtext pero paminsan minsan ay nag tetext pa din ito. "Good morning" "Good night" "Kain" at kung minsan ay nag mimisscall.

"Cnu kba?" Nag reply si Andy

"Hi, sory. Mgpapklala nko." Sagot ng number

"Klala mko. Di mba tlaga kyang mahulaan?" text muli ng number

"Adik kba? Kng klala kta di sna di nko ngtanong." Pagtataray ni Andy,

"Wg ka magaglit ha?"

Hindi alam ni Andy kung anu ang iisipin. May nakagalit siya na kakilala niya nang college at wala na siyang balak makipagbati. Paanu kung si Ben ito? Ayoko na makipagbati sa traidor na yun. Marupok ako sa sorry. Pag nagsorry to sakin, wala akong magagawa kundi patawarin tapos magiging feeling close na naman siya. Ay wag na! discard discard! Sa isip ni Andy

"Kung cnu kman, wg kna mgpklala. Di na ak ntersado. Wag ka nlng magtext para kathimik na tau. Ok? Hndi ak glit. Ayw lng tlga kta mkilala." Text ni Andy sabay delete ng number.

Sana naman wag na siyang mag text. Tahimik na ang buhay ko. Ayoko na talaga magkabati kami ni Ben. Naisip ni Andy.

"Bsta klala mko. Nakakintndi ak ng ilonggo. Mgkababyan tau." Ang number na naman.

"Sir Rommel, kaw ba to?" Walang duda. Ang instructor niya ito na nag treat sa kanilang tatlo ng Ice cream.

Young and StupidWhere stories live. Discover now