Phase II: The Knowing

125 5 13
                                    

                             Sa bawat umagang papasok ako sa campus lagi kong hinahanap si Claire sa long bench na lagi niyang inuupuan.. Napapadalas na din ang pagsama samin ni Claire, madalas kaming kumakanta sa KTV at kumakain ng magkasama.. Ang totoo gusto ko siya, malapit na kong ma-fall sa kanya pero hindi pwede….

“Hi Hon, ang aga naman ata ng dismissal niyo ngayon at ang aga mo nagpasundo”

“Sorry hon ah, napasugod ka pa tuloy dito sa school ng wala sa oras, gusto ko na din kasing makauwi agad.”

“Bye Jenica.” Sabay sabay na sabi nina Kimmy, Acie, Annie, Anjel and Emz. Mga kaibigan ng gf ko na si Jenica.

                          3 years na kami ni Jenica, marami na kaming pinagsamahan. Halos lahat ng flaws ng isa’t isa alam na namin. Mahal ko siya, syempre bilang bf niya, obligasyon ko na mahalin siya. Wala naman kaming problema sa relationship namin, sadyang busy lang ang isa’t isa sa College life. Alam ni Claire na may gf ako, pero patuloy pa din kaming nag hahang-out at nagiging close sa isa’t isa.

“Claire, eto na yung favourite mong milo freeze. =)”

“Thanks Japh. So san tayo ngayon? KTV ulit? =)”

“Uhmm.. Need ko kasing magsundo kay Jenica. Di ako makakapag stay ng matagal, kayo na lang ni Hanz ang mag KTV.”

“Ganon ba.. sige next time na lang para kasama ka din namin. =)”

“Siguro kaya ayaw mong wala ako kasi hindi ka ililibre ni Hanz ng milo freeze at KTV noh.? Minsan user ka talaga Claire eh. Haha. =)”

“mahiya ka nga! Kaya kong ilibre ang sarili ko. Hmp ! Umalis ka na nga baka inaantay ka na ng HON MO.”

“sige.sige mauuna na ko. Bukas na lang ulit. Kita tayo sa bench =)”

“Bye Claire.”

                It’s been a couple of months since I met him, marami na ding nangyare. Masyado na rin kaming nagiging close sa isa’t isa na para bang kulang ang isang buong araw pag hindi kami nagkasama ni Japh. Ako nga pala si Claire, kaibigan ni Japh. Simpleng tao lang naman ako pero may kakaibang mga choices and hobbies sa buhay =). Hilig ko ang pagbabasa ng fictional books, hilig ko ang pagkanta at hilig ko ang magisa.

               Bago dumating sa buhay ko si Japh, I have this someone na laging nasa tabi ko, taong lagi kong maaasahan, taong lagi kong masasandalan at taong lagi akong minamahal. Siya si Vince, di ko alam kung bf ko ba siya. Siguro nga OO bf ko siya, pero hindi namin sinasabi in public na kami kasi ayoko. Kaya nung nakilala ko si Japh ang alam niya bestfriend ko lang si Vince.

“bhie, san mo gusto kumain ngayon?”

“kahit saan. Kung san mo gusto.”

“wala akong maisip eh. Ikaw na lang magisip.”

“wala kasi akong ganang kumain. Mag stroll na lang tayo sa mall.”

“sige kung yan ang gusto mo.”

             Bhie ang tawag sakin ni Vince, pero ako Vince lang. Pag may audience hindi namin pinapahalatang kami. Kaya nagtataka sila Japh kung bestfriends lang ba talaga kami..

“Uy Claire ang aga mo ha. Nasan si Vince?”

“Hi Japh. Wala siyang pasok ngayon eh.”

“Siguro malungkot ka kasi wala si Vince ngayon. =)”

“Bakit naman ako malulungkot?!”

“Wala naman. Naisip ko lang kasi para mo siyang bf laging naka buntot sayo kaya malulungkot ka pag wala siya.”

"Certain Affection"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon