Love Story ni Boy Lampa

7.2K 163 21
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

Love Story ni Boy Lampa

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

“HUWAG KANG UMASTA NA PARA BANG MAY ALAM KA! ANO BA KITA HA? WALA NAMAN DIBA? GINAMIT LANG KITA”

Masakit. Oo, napakasakit. Lalo na kung sa taong pinakamamahal mo yan maririnig. Pero anong magagawa ko? Tama naman siya. Wala nga akong alam. At mas lalong dapat sabihing, wala akong karapatan. Dahil ni minsan, di naman siya naging sakin. At ni minsan, di niya ako minahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

“Drake dito! Maligayang pagbabalik!”

Natigilan ako sa narinig ko. Oo nga pala, ngayon ang balik ko ng Pinas. Pagkatapos ng tatlong taong pamamalagi ko sa Malaysia ay sa wakas, bumalik na rin ako sa aking lupang sinilangan.

“ – CREAM!”

Napalingon ako. Ano raw? Creeme?

“Mommy, I want ice cream!”

Cream pala. Ice cream. Akala ko si Creeme.

Hayy. Tatlong taon na pero bakit ganun? Di ko pa rin makalimutan ang unang babaeng minahal ko. Siguro nga tama sila. First love never dies talaga. Kasi kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko.

Siya kaya? Mahal niya rin kaya ako? Ano ka ba Drake. Malabo yun. Ginamit ka lang niya diba? At ikaw naman, nagpagamit sa kanya. Pero di ko pinagsisisihan ang lahat. Dahil kung di yun nangyari, malamang, di ko rin siya makikilala.

-

“Ano ba ha? Bakit ba ang lampa-lampa mo? Di mo man lang magawang maipagtanggol ang sarili mo. Ke lalaki mong tao, duwag.” Pagkatapos niyang sabihin yun, tinapon niya ang panyo niya at nagsimula ng maglakad papaalis.

Array. Ang sakit. Ang sakit ng buong katawan ko. Panu, nabugbog na naman ako. At ang dahilan? Wala, trip lang nila. Wala naman akong magawa. Di ako marunong makipag-away eh. Lumaki kasi akong di athletic. Kung ang iba diyan, mahal ang sports, ako, mas mahal ko ang mga libro. Bakit, ano bang nakukuha nila diyan sa sports ha? Nakakapasa ba sila dahil diyan? Eh wala naman silang mararating sa buhay kung puro lang sila palaro-laro. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti, para naman, malayo ang marating ko sa buhay.

Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit lagi nalang ganun yung reaction ng babaeng yun. Di naman kasi ito yung unang beses na nabugbog ako. Actually, makailang ulit na. At ang pinaka-weird sa lahat? Laging nandiyan siya tuwing nangyayari yun. Di ko naman siya stalker. Sadyang napapadaan lang siya tuwing nabubugbog ako o di naman kaya pagkatapos nun. And everytime na makikita niya ako sa ganung sitwasyon, isa lang ang ginagawa niya. Iniinsulto niya ako, at lalakad paalis na para bang wala siyang pakialam. Pero kahit ganun, di ko pa rin mapigilang matuwa. Kasi kahit ganun siya, hinahagisan pa rin niya ako ng panyo which means na may kakaunting kabutihan pa rin sa puso niya.

Love Story ni Boy LampaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon