4: Not bad

161 11 2
                                        

"Luh? Anong ginagawa niyo rito?"

"Eh? Ikaaaw?!" Sigaw ko.

Narinig ko naman ang pagtawa nung apat sa likod ko. "Hi Taehyuuung! Nandito kami para tulungan si Dahyun na maglipat ng gamit niya dito sa dorm na tutuluyan niya." Ngiting-ngiti na sabi ni Sana. Napakunot ang noo niya. "Ano?! Pero-"

"'Wag ka na magreklamo diyan." Tinulak niya si Taehyung at walang pakundangan na pumasok sa loob. "Aray!"

"Oops. Sorry~" Sana giggled at hinigit na ako kasabay ng maleta ko. Sumunod naman yung tatlo pa naming kasama na kasalukuyang tumatawa.

"Hoy! Trespassing!" Sigaw ni Taehyung.

"Trespassing ka diyan? Nakatira na rin si Dahyun dito at si Dahyun ang nag-imbita samin." Sagot ni Chaeyoung sa kaniya. Aba'y kailan ko sila inimbita? Hinigit nga lang ako ni Sana.

"Urgh." Naiinis na napatingin na lang sa taas si Taehyung at pumasok sa isa sa mga kwarto. Ayaw niya ba akong kasama?

"Wag mo na siyang pansinin. May toyo talaga yun minsan. Tara na. Ayusin na natin yung mga gamit mo." Tumango na lang ako sa sinabi ni Momo. Psh. Kung ayaw niya sakin, ayaw ko na rin sa kaniya.

---x x---

"Bakit siya ang kasama ko? Bakit hindi babae?" Tanong ko sa kanila nang matapos na kami mag-ayos ng mga gamit ko sa closet.

"Diba late ka nag-enroll? Feeling ko, wala ng ibang dorm na pwede mong tuluyan kung hindi itong kay Taehyung na lang." Sabi ni Sana.

"Wag ka mag-alala kay Taehyung. Kahit ganiyan ugali niyan, hindi naman yan masamang tao. Tahimik at may pagkamasungit lang. Pero kahit ganon, pakisamahan mo lang. Babait rin yan sayo." Paninigurado ni Momo sakin habang pina-pat ang balikat ko.

"Kayo ba? Magkakasama kayo sa room?" Napatango naman sila ng sabay-sabay sa tanong ko. Hala ang duga! Dapat ako rin!

"Di ba ako pwede sumama sa inyo?" Tanong ko. Pero umiling sila.

"Hanggang apat na tao lang sa isang room ng girls Dahyun. Kaming apat ang magkakasama tapos sa kabila naman ay si Jihyo, Nayeon, Jeongyeon at Mina." Chaeyoung.

"Eh bakit si Taehyung hindi napasama kila Jungkook? Apatan pala e."

"Tatluhan lang ang dorm ng lalaki. Mas marami sa girls since mas maraming babaeng pumapasok dito sa school na to." Sambit ni Sana. Tumango lang silang lahat na para bang sumasangayon.

"Good luck Dahyun. Pabaitin mo si Taehyung ah? Sakto pa na seatmate kayo." Dagdag pa ni Sana at tumawa silang lahat.

"Pinagtatagpo ng tadhana." Comment ni Tzuyu kaya naman pinag-aasar nila ako. Nagsasalita rin pala to? Tahimik niya rin e.

"Psh. Mga adik." Sabi ko na lang.

---x x---

Mga ilang oras pa at nagsi-balik na sila sa dorm nilang apat. May mga gagawin pa raw kasi sila kaya't sa kasamaang palad, dalawa na lang kami ni Taehyung sa room na 'to. Hays.

Malapit ng maggabi at nagugutom na rin ako. Kinuha ko na lang yung instant noodles na baon ko sa bag. Damit ko pa lang kasi ang naayos at ang ilang de-lata at instant food lang ang dinala ko ay hindi ko pa naayos.

Pumunta na lang akong kusina kaso, naabutan ko ang isang lalaking nagluluto. Umupo siya sa upuan malapit sa lamesa habang naghihintay.

Hmp. Wrong timing naman. Di bale na nga, kukuha lang naman ako ng maiinit na tubig.

Pumunta na lang ako agad sa lutuan at nag-init ng tubig at malamang naman ay nakita na niya ako dahil dumaan lang naman ako sa harap niya. Nararamdaman ko naman ang pagtitig niya sa likod ko.

Problema nito?

Nakatingin lang ako sa tubig na pinapainit ko.

Bakit ba ang tagal kumulo nito? Psh

Di na ako nakatiis, lumingon or more like sumilip ako sa likod ako at BOOM! Naktingin nga ang bwisit. Tumingin na lang ako ng diretso sa kaniya. Nakapatong pa ang baba niya sa kamay niya.

"Problema mo?"

Creepy.

"Seryoso ka ba?" Bored niyang tanong.

"Huh?"

"Instant noodles? Yan lang ba kakainin mo?" Tanong niya ulit at tumayo para lumapit sakin. Luh siya.

"Ano naman ngayon?"

"Wala naman." Sagot niya at chineck ang niluluto niya.

Phew. Akala ko naman kung anong gagawin sakin.

Assumera ka rin e no?

Psh. Oo na. Bwisit.

Natapos na yung niluluto niya, kasabay ng akin. Mabilis lang naman magpakulo ng tubig no.

Sinalin ko na lang ang mainit na tubig sa cup at hinintay na maluto yung noodles.

Si Taehyung naman naghahain. Nagtataka nga ako bakit dalawang yatang kutsara ang kinuha niya, kagaya na lang nung pinggan.

"Why don't you just eat with me?" Bigla niyang sabi. Eh? Seryoso ba siya?

"Nakakairita ka kasing kumakain lang ng instant noodles sa harap ko habang kumakain ako." Dagdag niya pa. Nabadtrip tuloy ako.

"Edi sa kwarto na lang ako kakain! Ang yabang nito. Diyan ka na nga!" Sigaw ko at hinawakan na yung noodles ko.

"Joke lang. Arte mo. Umupo ka na diyan at sabay na tayong kumain." Sambit niya at nagsandok na lang ng kanin sa isang pinggan.

"Okay na ba yan sayo? O dadagdagan ko pa?" Tanong niya.

"Okay na yan."

"Okay."

I think, he's not that bad after all.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class 4-F | bangtwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon