Dahyun's POV
Tatlong subject namin pero ni isang teacher walang pumasok. Ano ba naman sa school na to? Uso ba pag-absent?
Nasa canteen lang kaming lahat (buong Class 4-F) at umoorder ang iba ng lunch. Nakilala ko na rin ang ibang kaklase ko. Kaya pala konti lang ang upuan at mga lamesa sa room, kase konti lang talaga kami. 15 sila noon at nadagdagan ng isa at ako yun.
"Ang bagal naman ng maknaes umorder e! Gutom na akoooo!" Reklamo ni Jimin sa tabi ko.
"Malamang naman na duma-damoves yon si Ilong kay Yoda kaya napakatagal. Ang bagal talaga non ni Ilong. Tinuruan ko na ng pick up lines wala pa rin." Sambit ni Namjoon habang pinaglalaruan ang basong hawak niya.
"Ew ka ha Namjoon? Pick up lines? Really? 'Wag mo ngang impluwensyahan ng ka-pakboyan ang inosenteng si Jungkook. Bina-virus-an mo e. At saka hindi basta-basta ang manok ko. Hard to get yon hoy!" Sigaw naman ni Jihyo sa kaniya.
"In no time, mapapasagot din ng manok ko yang manok mo! May pustahan tayo Jihyo! Ha-ha-ha! Lagot ka saken!" Bakit napunta sa manok ang usapan?
"Ew Namjoon. Kadiri ka. Mukha kang manyak. Bwisit."
"Manahimik na nga kayong dalawa. Lalo akong nagugutom sa manok na pinagsasabi niyo e. Gawin ko kayong fried chicken diyan sigi." Nakatungong sabi ni Jimin at hinihimas-himas ang lamesa. Yak. Di niya ba alam na marumi yon?
Nagulat ako nang batukan siya ni Jeongyeon. "Hoy Jimin. Umayos ka nga. Mukha kang tanga." Natawa na lang ako sa kanila.
Napansin ko lang na nagtitinginan ang nga estudyante sa amin. Nasa dulo naman kami pero bakit panay ang tingin nila dito samin?
"Yung kasama nila, mukhang bagong salta. Kawawa naman."
"Tama ka dyan. Maiimpluwensyahan pa siya ng walang kamalay-malay."
"Late enrollee kasi kaya sa last section napunta."
"Baka maging muchacha nila yan or worst igaya pa sa kanila no?"
"Tsk tsk. Kawawa talaga."
Napakunot ang noo ko. Pinagsasabi ng mga to? Muchacha? Mukha daw ba akong muchacha? Bubulong pero naririnig din naman. Tho, medyo malabo rin ang dinig ko since maingay rin dito sa canteen.
"Wag mo na silang pansinin Dahyun. Mainit lang talaga ang mata nila sa class 4-F." Paliwanag ni Seokjin. Mukhang nakita niya ang pagtataka ko. Tumango na lang ako agad.
Dumating na rin ang dalawang umorder ng pagkain kaya naman nagdiwang si Jimin at parang abnormal na pumalakpak.
---x x---
After ng lunch break, bumalik na kaming lahat sa classroom. At mabuti naman may teacher ng dumating.
"So we have a transferee?" Bungad na tanong ni Sir pagkapasok niya sa classroom. Ay wow. Walang man lang "good afternoon" at "sorry I'm late" diyan sir? Joke.
Agad naman akong nagtaas ng kamay. "Yes sir. Ako po yung new student." Sambit ko sabay ngiti ng alanginin.
"Ganon ba? Mag-iingat ka sa mga kaklase mo ha? Wag kang gagaya sa kanila." Napareact naman ako agad doon. Ano daw sinabi niya? Bakit? Napansin ko naman ang pag-igting ng panga ng katabi ko at iilang mga nakayukong mga kaklase ko.
"Mag-aral ka ng mabuti at wag mo silang gayahin sa karebeldehan. Wag kang magpapaimluwensya. Naiintindihan mo?" Hindi ako makasagot. Grabe naman yata yon? Harap-harapan talaga niyang sinabi yon sa mga kaklase ko. Bakit siya ganiyan?
"Bakit hindi ka na lang manahimik diyan at magturo ng ituturo mo?" Napatingin ako sa katabi ko. Sinagot niya si sir at mukhang hindi na siya nagulat sa pagsagot nito. Mukhang sanay na sanay na siya.
"Kim Taehyung. May saysay pa ba ang pagtuturo ko sa inyo? Alam ko naman na hindi rin kayo mag-aaral at hindi naman papasok sa nga kokote niyo? So bakit pa?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sobra na ata yon ah.
"Sir. Mawalang galang na. Pero kung hindi ka naman magtuturo, lumabas ka na." Napaawang ang bibig ko sa nagsalitang si Seokjin. Fork. Anong klaseng school napasukan ko?!
"Masyado pang maaga para ipakita ang baho niyo sa transferee. Hindi talaga kayo papapigil ano? Mga walang modo." Sambit ni sir. Napatayo naman si Nayeon.
"Seryoso ka PO diyan SIR? Ikaw mismo sa sarili mo, ineexpose mo na kabahuan ng ugali mo. First day palang PO ni Dahyun SIR, pero nagpapakilala ka na." Taas noo niyang sambit.
"Diyan kayo magagaling. Magsisagot ng pabalang. Pero ang sumagot sa klase at recitation, hindi magawa. Tsk tsk. Wala talaga kayong mga patutunguhan." May pag-iling pa siyang nalalaman. Anong klaseng teacher to?
Nakita ko ang pag-irap ni Nayeon pero parang wala siyang pakialam kung makita yon ni Sir.
"Uh.. Sir.. Pwede bang magsimula ka ng magturo?" Dahan-dahan ang naginginig na kamay ni Tzuyu sa pagtaas. Ni hindi siya makatingin, at halata natatakot sa sasabihin ng guro.
Natawa si Sir at tumingin sa wrist watch niya. "Hindi na. Time na. Quiz tomorrow. Bye class." Sabi niya at tuluyan lumabas ng classroom. Napatulala ako.
Ano raw? Quiz? Late siya at ni hindi man lang nagturo? Tapos quiz? Anong iqquiz? Anong coverage? Sheteee!
Matapos lumabas ang teacher, umingay lang uli ang classroom. Nagdaldalan lang sila at nagawa pang magtawanan, NA PARA BANG WALANG NANGYARI AT NORMAL NA YUN SA KANILA!
"A-anong na..nangyari?" Nasabi ko na lang sa sarili ko.
"Normal na pangyayari sa araw-araw. Wag mo ng isipin." Sabi lang ni Taehyung sakin.
"Seryoso ka ba dyan? Pero.. Hindi yun tama."
He just shrugged. "Ganon na lang yon? Seryoso ka ba talaga diyan?!" Tanong ko ulit. Medyo tumataas na rin ang boses ko.
Nagulat ako ng ilagay niya ang daliri niya sa tapat ng bibig ko para lang manahimik ako. "Ssh. Oo ganon na lang yon. Kaya tumahimik ka na lang at matutulog ako. Hmm?" Napatango na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya.
Kalokohan.
BINABASA MO ANG
Class 4-F | bangtwice
Novela JuvenilBANGTWICE FANFICTION CASTS AND PAIRINGS INSIDE She heard a lot of bad things about them. She heard stuffs that isn't quite good about them. But its different from what she sees.