Chapter 3

271 11 1
                                    

Humanga si Mariebella sa ganda at aliwalas sa loob ng bahay ng mga Adriano inikot niya ang kanyang mga mata sa iba pang sulok ng bahay na iyon kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin ay mga mamahaling gamit ang kanyang nakikita.




Hinintay niyang bumaba ang amo ng kanyang inay na si Donya Criselda Adriano para makausap ito tungkol sa kanyang magiging trabho sa mansyong iyon.

Hindi nga nag tagal ay lumabas ang ginang ayon sa kanyang inay lucia ay 54 na ito ngunit sa tingin niya sa babaing bumababa sa hagdan ay nasa 40's parin ito maganda parin ng pangangatawan at tindig ng ginang habang nag lalakad ito ay animo'y Beauty queen sa sarili nitong bahay .





Napatingin sa kanya ang ginang saka ngumiting nag lakad palapit sa kanya.

Ikaw ba si Mariebella hija? Ang nakangiting tanong ng ginang na hindi maalis ang tingin sa kanyang mukha.



Yes , Maam ako nga po.
Ang sagot ng dalaga na sinuklian ng ngiti ang ginang magaan ang kanyang pakiramdam sa ginang sa unang kita pa lamang niya dito ay halata na ang kabaitan nito.





Napakaganda mo naman para maging yaya ng anak kong si kyle hija.

Alam mo kasi Hija umalis na ang kanyang personal alalay kasi nakapag asawa na kong kaya't nagpahanap ako ng makakapalit niya ngunit naikwento ng inay mo na ikaw na lamang ang kanyang ipapasok sa akin bilang kapalit ng umalis na alalay ni kyle gusto mo ba Hija.



Wag kang mag alala hindi ka mahihirapan sa trabaho mo ang tangi mo lang gagawin ay ayusin ang kanyang mga kailangan .







Ang damit niya.
Ang kwarto niya at higit sa lahat ay ang pagkain. minsan ay umaalis na lamang siyang hindi kumakain kong kayat ikaw na ang bahala kong paano mo siya aalagaan at gawin ang mga bagay na tingin mo ay makakatulong para sa kanya.







Bueno ako nga pala si Criselda at ang anak kong si Kyle ang iyong pag sisilbihan ako ang iyong amo at hindi si Kyle kong kaya't ibinibigay ko sayo ang pahintulot na gawin ang tingin mong makakabuti sa akin anak hija ang nakangiti nitong wika na animo'y may kapilyahang pumasok sa isip.



Tumango tango na lamang si Mariebella hindi pa niya nakikita ang kanyang alaga palagay niya ay isang binatilyong matigas ang ulo ang anak ni Donya Criselda kasi kong hindi ba naman matigas ang ulo ng batang iyon ay hindi magbibilin ang ginang sa kanya ng ganito.

Gabi na ay wala parin si kyle na ngangalay at naiinip na si Mariebella sa paghihintay ng kanyang alaga kung kayat naisipan niyang mag punas na lamang ng mga vase at ayusin ang halamang naka display sa ibabaw ng table.
Abala ang dalaga kong kaya't hindi niya napansin ang isang lalaking nakatayo sa pintuan .




Papasok na sana si kyle ng matigilan sa paghakbang ng makita ng bagong katulong na nagpupunas ng mga vase na naka display sa kanilang sala .
Nahulaan agad niyang bagong katulong nila ito sapagkat naka uniform ito ngunit bakit medyo maikli ang binigay na damit sa bagong katulong.



Nangunot ang kanyang noo ngunit hindi na lamang niya pinag tuonan iyon ng pansin bagay naman sa babae ang kasuotan nito kong kaya't ipinagkibit balikat na lamang niya.
Sa pagkakatalikod sa kanya ng dalaga ay mabilisan niyang punag araran ang kilos at pangangatawan nito at sa tingin niya maganda ang babae sexy ito.




Ang ipinagtataka niya ay napakakinis ng balat nito mamula mula ang sakong ng babaing nakasuot ng sandalyas ngayon lamang siya nakakita ng babaing namamasukan bilang kasambay na ganito ka alaga sa kutis.

Hindi inaasahan ng binata ang biglang pag yumuko ng babae kong kaya't nasilip niya ang panloob nitong suot.

Titig natitig si Kyle sa babaing busy sa pagpupunas habang naka yuko habang pinupunasan ang ilalim ng tukador ng bilang tumingin ang babae sa ilalim ng mga binti nito kong kaya't huling huli nito ang pagkakatitig niya sa mga binti nito at sa suot nito.





My Billionaire's MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon