Cambrige Hotel

16 6 10
                                    

      Tok! Tok! Tok! Ang tunog ng aking pagkatok sa pintong kahoy ng hotel na inapplyan ko. Ang pag bagsak ng ulan at pag kidlat ng kalangitan ay sadyang isinabay sa araw ng aking unang pagpasok sa aking trabaho. Ramdam ko ang lamig dahil ako ay nabasa at ang ihip ng hangin ay ang dahilan ng pagkanginig ng aking katawan. Maya't maya ay dahan dahang bumukas ang pinto. Sinalubong ako ng isang lalaki. Siguro ang edad nito ay nasa 30's. Pinapasok niya ako sa hotel at tumutungo na kami sa kanyang opisina. Sinundan ko siya at walang nagsasalita sa aming dalawa. May ilang tao na kumakain sa restaurant na nadaanan namin. Tahimik nilang isinusubo ang pagkain. Malapit na kami sa kanyang opisina nang may mabilis na tumatakbong dalawang bata sa aking harapan. Natabig ako ng isa kaya't nailaglag ko ang aking handbag. Pupulutin ko na sana ngunit nauna ang aking boss na pulutin ito. Ibinigay niya ang aking handbag. Ang dalawang bata ay patuloy na tumakbo papuntang hagdanan. Bagama't di ko nakita ang dalawang bata na pumunta roon ay rinig naman ang ingay ng kanilang sapatos sa pag akyat nila ng hagdanan. Isiniwalang bahala ko nalang dahil sila ay mga bata lamang. Nag pasalamat ako sa aking boss at binuksan na niya ang pinto ng kanyang opisina. Pumasok kami at pinaupo niya na ako.

       "Una sa lahat ako muna ay magpapasalamat sa iyo dahil pinili mong magtrabaho dito. Ako nga pala si Micheal Frey. Tawagin mo nalang akong Mike." Sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Inabot ko naman ito at sabay sabing "Walang anuman po.”
     Sa aking pamlya ako na lang ang walang sariling bahay sa magkakapatid. Ako nalang din ang laging malas sa trabaho. Ako nga pala ang black sheep ng pamilya. Ang taga gulo at taga dala ng malas. Agad kong kinuha ang oportunidad na ito upang ipakita sa kanila na kaya kong rin maging successful tulad nila. Kahit pabagsak ang kalagayan ng hotel na ito ay papatulan ko para mapatunayan ko lang ang sarili ko.

      Napagdesisyon kong magsimula na sa aking trabaho. Titingnan ko ang bawat kuwarto upang malaman ang problema ng hotel at ang dahilan kung bakit hindi ito dinadayo ng mga tao.

      Pumasok ako sa unang kwarto. Alikabok agad ang unang sumalubong sa akin. Napaubo ako sa dami. Tiningnan ko ang kama na halos balutan ng alikabok. Ang kisame naman ay pinamahayan na ng gagamba sa sobrang dami ng agiw at sapot. Hindi masyadong maliwanag ang kwarto dahil umuulan ngayon. Ilang sandali kong pinagmasdan ang kabuan nito ng may biglang tumawa. Napatingin ako sa cabinet para kasing doon nagmumula ang bungisngis. Dahan dahan ko itong pinuntahan. Patuloy kong naririnig ang tawa ng isang bata. Habang papalapit ako lalo itong lumalakas. Bumilis ang kabog ng puso ko. Nasa harapan ko na ang cabinet. Sigurado na akong dito iyon nang galing. Ang bilis ng tibok ng puso at ang paghinga ko. Kinakabahan ako at natatakot. Dahan dahan ko itong binuksan. May dalawang batang nakatitig sa akin. Malalim ang mga mata. Marumi ang bistidang suot. Ngumiti sila sa akin na nagpatayo sa aking mga balahibo. Lumuha sila ng dugo na nagpatindi ng takot ko. Hindi ako makagalaw. Tumawa uli sila ngunit ngayon ay sobrang lakas at sobrang nakakatakot. Parang mapipintig ang aking mga tenga. Gusto kong umiyak ngunit wala akong magawa. Binuka ko ang aking bibig upang sumigaw ngunit walang boses na lumabas. Bigla silang nawala sa aking harapan ngunit naramdaman kong may humawak sa magkabila kong kamay. Nagdilim na ang aking paningin.

      Minulat ko ang aking mga mata. Nakahiga ako sa kama ng unang kwarto na pinasukan ko. Napatayo ako at pinagmasdan ang paligid. Malinis ito at maliwanag. Napatingin ako sa cabinet at napatindig ang aking mga balahibo. Siguro ay bangungot lang iyon. Dali dali akong lumabas sa kwarto. Pumunta ako sa may receptionist. Nadatnan kong walang tao doon. Bumukas ang pinto at may pumasok na babae.

      "Welcome po sa Cambrige Hotel. How may I help you?" Magalang kong sabi sa kanya. Nagcheck in siya at inihatid ko siya sa kanyang kwarto. Nadaanan namin ang room 1. Napatingin ako sa pinto nito. Medyo bumukas ang pinto at may sumilip na mga mata. Kinabahan muli ako. Napakurap ako ng dalawang beses at nilingon muli ang pinto. Nakapagtatakang nakasarado na ito. Napabuntong hininga ako. Tuluyan ko ng naihatid ang bisita. Bumalik ako sa reception at walang lingon akong lumakad papunta doon. Nang ako ay nakarating tiningnan ko ang papel na pinasagutan ko sa kanya. Rachelle Mendoza ang kanyang pangalan. Pamilyar ito.

Cambrige HotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon