Kabanata 5

61.4K 1K 11
                                    


------------------------






"NASAAN tayo?" Tanong ko kay Gavin. Pagkasundo niya kasi saakin at pinasakay sa kotse niya, nakatulog ako dahil sa sobrang tahimik.












"Somewhere where I can punish you!" Sagot nito saakin. Nangilabot ako sa sagot niya. Napacross nalang ako ng braso dahil ayaw naman niyang sabihin saakin kung saan kami pupunta.











Ilang minuto lang ay nakarating kami sa pupuntahan namin. Isang Vacation House? Napatingin ako sa paligid ko. Nasaan ba kami? Bakit ang ganda rito.
Napatunganga ako sa ganda ng view. Sunset! Naabutan namin ang sunset!










"Saang lugar to Gavin?" Tanong ko kay Gavin habang nakatingin sa Dagat.















"Bataan. Welcome to my Vacation House Mahal kong asawa." May diin ang bawat salitang kanyang binitawan.















Nangilabot na naman ako. Bakit ba laging ganito? Atsaka bakit niya ako dadalhin dito.
















Nasa likod niya lang ako habang papunta sa bahay. Pero hindi ako nakatingin sa likod niya kundi sa dagat. Pwede ko bang iuwi ang dagat? Ang ganda eh.












Kaya nung huminto siya sa paglalakad at dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran ko, naumpog ako sa likod niya. Napalingon naman siya saakin at tinignan ako ng masama. Nag-peace sign lang ako at nagpatuloy ulit sa pag-lakad.




Tsk. Sungit.


--------------------------------





Pagkapasok namin sa loob ng bahay, mas namangha ako sa nakita ko. Ang ganda ng design at ayos ng gamit. Napamodern ng pagkaayos ng gamit. Ang ganda ng mga paintings nakadisplay.












Pero nabigla nalang ako ng biglang may humila sa bewang ko. Napasinghap nalang ako ng naramdaman ko na nasa likod ko si Gavin, nakayakap sa bewang ko at naririnig ang paghinga niya. Gosh, Ano ba ang kasalanan ko bakit natetemp akong halikan ang asawa ko?












Napakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang iniisip ko. Pero mas lalo akong nagulat nang halikan ni Gavin ang batok ko. Shit! Delikado na ako.








Wag ka namang ganyan Gavin. Marupok ako.









Dahan dahan naglalakbay ang kamay nya sa katawan ko at habang nilalakbay nya yung kamay nya, ang  malambot at mapusok nyang labi ay unti unting lumapit sakin at naamoy ko kanyang mabangong hininga.









"Liza..." Mahinang usal nito. Napahawak ako sa pader dahil parang nanghihina ako sa ginagawa niya. Nakakadrain ng energy!








Nagpatuloy lang si Gavin sa kaniyang ginagawa hanggang sa naalala ko na mayroon pala ako ngayon! Red flag ako ngayon!












Kaya humarap ako sa kanya para hulihin ang mga kamay niya. Napahinto naman siya at tumingin sa aking mata.











"Gavin." Mahinang tawag ko sa kanya. Tahimik lang siya at nakatingin ng masama saakin.











"What?!" Mahina pero pagalit na  tanong nito saakin. Huminga muna ako ng malalim bago sagutin siya.













"Gavin, may period ako ngayon. Hindi dapat natin gawin ito." Mahinang sagot ko sa kanya. Napabitaw naman siya saakin at umalis nalang bigla palabas ng bahay.











Muntikan na akong bumigay dun ah.





---------------------------




Hanggang ngayon hindi parin bumabalik si Gavin matapos niya akong iwan. Nakapagluto na ako ng pagkain ng hapunan dahil gabi na. Kaya nagpasya akong lumabas para hanapin siya.















Paglabas ko ng bahay, agad akong naglakad at naghanap-hanap. Pumunta ako sa tabi ng dagat at tumingin sa paligid ko. Ang payapa pa naman ng dagat ngayon.










Pero naudlot ang pagtingin ko sa dagat ng may narinig akong nag-aaway. Kaya lumapit ako para tignan kung sino ang nag-aaway. Pagtingin ko, nakita ko si Gavin na may kausap sa phone kaya nagtago ako sa isang madilim na part para hindi niya ako makita.











"I told you before Rim! Wala kang makukuha sa akin. May asawa ako!
Don't disturb me again!" Pagalit na sabi nito sa kabilang linya at pinatay ang tawag.








Napatakip nalang ako ng bibig at nagtago ng maigi para hindi niya ako makita. Pagkatapos ng call na yun, umalis na siya. Pero nabigla ako ng biglang may tumutulo sa aking mata.





Bakit ako umiiyak?
Bakit ako apektado? Sino si Rim?






Kaya hindi muna ako pumasok ng bahay at namalagi sa tabing dagat.




Bakit ko ba iniisip ang naging pag-uusap nila ni Gavin? Dapat sumaya ako diba dahil sinabi niyang may asawa siya? Bakit ako nagkakaganito?








"Gabi na. Anong ginagawa mo dito sa labas?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko pero hindi ako kumibo.






Hanggang naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Mabuti nalang tumigil na ako sa pag-iyak.








"What are you doing here?" Tanong nito saakin ulit. Nakatingin lang kaming parehas sa dagat.









"Wala lang." Tipid na sagot ko sa kanya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil sa sagot ko.








"If you're thinking about what happened in the living room, you don't have to take it seriously. And I want to remind you that mag-asawa tayo at normal lang ginawa natin." Mahabang sabi nito. Tumango naman ako at tumahimik na muli siya.






Pero bigla niyang hinila ang kamay ko at kinulong sa bisig niya. Napatulala ako sa ginawa niya. Madalas kasi, ako ang yumayakap sa kanya pero ngayon, siya ang yumakap saakin. Kaya yumakap nalang ako pabalik.







You know, feel the moment.



-------------------------------

BS#2: When The Billionaire Owns You -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon