PROLOGUE
Naniniwala si Renzy Rose sa “destiny” kaya naman naniniwala din siya na baling araw ay makikita din niya ang lalaki sa kanyang panaginip. Hanggang dumating ang araw na kanyang pinaka hihintay, sa di sinasadyang pag kakataon ay nakilala niya si Luke ang lalaking kamukhang kamukha ng kanyang dream guy. Ngunit sadya yatang sinusubukan siya ng pagkakataon, dahil sa dinami rami nang magiging step sister nito ay si Cristina pa, ang babaing mortal niyang kaaway mula pa pag kabata. Pag minamalas nga naman, pero hindi papaya si Renzy Rose na isang Cristina lang ang hahadlang sa kanyang kaligayanhan.
CHAPTER ONE
“Miss wag mo nang pahirapan ang lalaking yan! Sagutin mo na ng isang malaking YES!!”
“Oo nga Miss masuwerte kana sa kanya, sana ako na lang ikaw para akin na lang siya.”
Nagising si Renzy Rose mula sa kanyang pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang cottage.
“Ano ba ang nagyayari sa labas at may mga nagsisigawan pa? Nakaka inis naman na tutulog pa ang tao eh..” sabay tayo mula sa kanyang kama. Nag lakad si Renzy Rose papunta sa may binta upang malaman kung saan nagmumula ang mga ingay na dahilan ng kanyang pag kagising.
Nakita niya ang isang lalaki na nakaluhod sa harap ng isang magandang babae. May dala pa itong isang diamond ring, mukha yatang inaalok na ng lalaki ang babae na mag pakasal.
“Aba - aba ang sweet naman nang lalaking to! At talagang dito pa sa harap ng cottage ko nag propose ng kasal.. Mang inggit daw ba” sabay talikod.
“Ako kaya kailan ko kaya makikita ang lalaking para sa akin” nangangarap na inakap ni Renzy Rose ang unan na ginamit kanina.
Mag aalas singko na ng hapon ng mapag desisyonan ni Renzy Rose na mag lakad – lakad sa tabing dagat. Palubog na ang araw kaya naman malamig na ang hanging dumadampi sa kanyang katawan. Napaka sariwa ng hangin, at ang dagat ay tila nag kulay dugo dahil sa pag lubog ng haring araw. Ito ang buhay na gusto Renzy tahimik at malayo sa lungsod.
“hay naku!! Medyo napalayo na yata ako sa cottage ko. “ Mag lalakad na sana si Renzy pabalik sa kanyang cottage nang bigla may narinig siyang kumakanta, ang lamig ng boses ng lalaki ang sarap sa tenga ng kanyang boses. Kaya naman ang pag balik sa kanyang cottage ay nawala na sa kanyang isip. Hinanap niya kung saan nag mumula ang awit na yon.
“Mukhang dun yata sa likod ng malaking bato ng gagaling ang boses ng lalaki.”
At hindi nga siya nag kamali isang lalaki nga ang kumakanta. Napaka lungkot ng itsura nito at malungkot din ang kanyang inaawit at ang galing niyang tumugtog ng gitara. Sabandang kaliwa naman nito ay nadoon ang mga bote ng beer na wala ng laman.
“Mukha napaka bigat naman ng problema ng lalaking to! Infairness ang gwapo niya huh!! side view pa lang yan pero PAK na PAK na ang dating. Ano kaya ang problema ng isang toh, mukha naman siyang mayaman. Nasawi siguro pag ibig ang lalaking to, kung tama man ang hinala ko napaka laking T (tanga) ng babaeng yun, napaka yummy ng papaboles na to. Sana akin ka na lang, pwede akong maging ina ng mga anak mo siguradong magandang lahi ang kakalabasan pag ikaw ang naging ama nila”
Patuloy pa rin ang lalaki sa pag kanta hindi napapansin na meron siyang ibang kasama na halos tumulo na ang laway kakatitig sa kanya.
Napatingin si Renzy sa kanyang relo alas sais na pala. Kaya pala nagugutom na siya, hindi niya alam kung ganun niya katagal tinititigan ang lalaki dahil hindi niya napansin ang pag lipas ng oras. Hahakbang na sana siya ng biglang may natapakan siyang bato hindi niya napigilang hindi tumili dahil na out balance siya na unang bumagsak ang kanyang puwet.
“May tao ba dyan?” narinig niyang tanong ng lalaki.
“Patay!! Narinig niya ako,eto kasing batong to eh bakit ba kasi nandyan ka hindi ka man lang tumabi alam mo naman na hahakbang ako.” pabulong na sabi ni Renzy sa sarili.
“May tao ba dyan??” ulit na tanong ng lalaki.
“ha!? Ehh!? Oo merong tao dito” kinakabahang sagot ni Renzy.
Patayo na sana si Renzy ng may nakita siyang nakatayo sa kanyang harapan. Nasa harapan na pala niya ang lalaki,at nakalahad ang isang kamay nito sa kanyang harapan. Napatingin si Renzy sa mukha ng lalaki at labis ang kanyang nadamang pag hanga , napaka gwapo pala talaga nito singkit ang mga mata na may nunal sa gilid ng mata parang si Piolo Pascual at ang ilong may gosh ang tangos parang ilong ni Daniel Padilla. In short artistahin ang dating.!!
“Miss okey ka lang ba??” seryosong tanong ng lalaki
“Ang gwapo mo naman” wala sa loob na nasabi ni Renzy
“Pardon??”
“huh?! Ma..ma..may sinabi ba ako?? Wala naman diba??”
“Ano miss tatanggapin mo ba ang tulong ko?? Kanina pa nakalahad ang kamay ko na ngangawit na ako, at saka miss pwede ba isarado mo ang bibig mo baka mapasukan yan ng buhangin..” naaasar na sabi ng lalaki.
Nawala na sa isip ni Renzy na kanina pa nga pala nakalahad ang kamay ng lalaki sa kanyang harapan, busy kasi siya sa pag mamasid sa magandang mukha ng lalaki. At hindi na rin niya napansin na nakabuka na pala ang kanyang bibig. Labis ang hiya na kanyang naramdaman ng mga oras na yon.
“hoy!!! Mister hindi ako nakanganga noh nag hihikab lang ako,wag ka ngang masyadong feeling.. And hindi ko kailangan ng tulong mo marunong akong tumayo.” Pag tataray ni Renzy sa lalaki para maitago ang labis na kahihiyan.
Patayo na si Renzy nang biglang kumirot ang kanyang paa, kaya naman na out balance uli siya. Hinihintay niyang bumagsak ang sarili sa buhangin,ngunit hindi niya naramdaman na bumagsak siya kaya naman idinilat niya ang kanyang mga mata. Labis ang kanyang pag kabigla dahil isang dangkal na lang ang pagitan ng kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Nasalo pala siya nito,ang isang kamay ng lalaki ay naka hawak sa kanyang beywang at ang isa naman ay nasa kanyang batok.
“My gosh hahalikan ba ako nito?? Buti na lang at nag sipilyo at nag mouth wash pa ako kanina bago ako umalis. This is it, this is really is it matitikman ko na rin ang aking FIRST KISS, and take note gwapo ang magiging first kiss ko.. Sige na ilapit mo na ikiss mo na ko!!! .“ sabi niya sa kanyang sarili.
Ramdam ni Renzy ang pag lapit ng mukha ng lalaki sa kanya,at na aamoy na rin niya ang mabangong hininga nito. Dumilat si Renzy upang makitang muli ang gwapong itsura ng lalaki, nakita niyang nakatingin din ito sa kanya parang pinag aaralan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Unti – unting lumalapit ang labi ng lalaki sa kanyan mga labi.. Papalapit ng papalapit ng papalapit at sa wakas..