THE MAN IN MY DREAM

45 0 1
                                    

CHAPTER TWO

“Renzy anak gising na at malalate kana sa school diba ngayon ang midterm niyo??” gising ng kanyang ina

“ Ay!!! malaking kalabaw !!!” nagulat si Renzy sa pag gising ng kanyang ina kaya naman nahulog siya sa kanyang kama.

“Anak ano nangyari sayo,  ano ba ung bumagsak??” tanong ng kanyang nanay

“Opo nay gising na po ako... wala po un nay  ung aklat ko po kasi natabig ko”

“ganun ba anak oh sige bilisan mo ang kilos at tanghali kana”

“Hay!! Anu ba yan si nanay talaga panira ng moment,ayun na sana malapit na malapit na eh na udlot pa”

Sabay hawak sa kanyang mga labi. Asar na bumangon si Renzy.

“Anong oras na ba?? “ sabay tingin sa kanyang alarm clock.

“ Oh my gosh late na ako, patay hindi pa ako nag rereview sa NatSci. Para yantang hindi ko narinig na nag alarm ang lintik na alarm clock na to!!”

Mabilis na naligo si Renzy dahil late na siya sa school. Pagbabang –pagbaba niya sa hagdan ay dumeretso na siya sa lamesa para mag almusal. Kumain lang siya ng isang hotdog at uminom ng gatas saka mabilis na nag paalam sa kanyang nanay.

“Nay alis na po ako huh..”

“sige anaka mag iingat ka huh”

Nasa school na si Renzy Rose pero hindi pa rin mawala wala sa kanyang isip ang larawan ng lalaki sa kanyang panaginip. Hindi talagasiya naka pag review dahil sa panaginip na yon. Pero mukha yatang sinuswete si Renzy ngayong araw dahil hindi daw matutuloy ang exam nila sa NatSci nag kasakit daw ang kanilang masungit na professor.

“Hay !!” buntong hininga ni Renzy

“hoy!!” gulat sa kanya ng kanyang kaibigan na si Mark.

“Ay!! Mabahong kalabaw..Mark naman wag mo naman akong ginugulat mag kakasakit ako sa puso nyan eh..”

“bakit hindi kita dyan gugulatin eh kanina kapa dyan nakatulala”

“Kasi naman eh ung panaginip ko naiisip ko pa rin hanggang ngayon”

“ bakit ano ba yang napaginipan mo? At mukha yatang apektadong apektado ka?” tanong ng kaibigan

“kasi sa panaginip ko may nakilala daw akong lalaki, best ang gwapo ng lalaking yun. Tapos hahalikan   na sana niya ako kaya lang ginising ako ni nanay,kaya ayon hindi natuloy.”

“ Bitter pala ang best ko, dahil hindi natuloy ang kissing scene na pinakahihintay niya” pang aasar ng kaibigan

“best diba may kasabihan na kapag may napaginipan kang lalaki na hindi mo kilala siya ang destiny mo?”

Sabay tingin sa malayo na wari mo’y nangangarap. Nagbalik na naman sa kanyang isipan ang itsura ng kanyang dream guy.

“ hoy! Renzy Rose Delos Santos” sabay batok ng mahina sa kaibigan

“ Saang hupalop mo naman narinig ang kasabihang yan??”

“Saan nga ba? Ahh! Basta may narinig akong  may nag sabi nun PERIOD.”

Napakamot na lang si Mark sa kanyang ulo sabay iling. Pag ganito kasi ang mode ng kaibigan ay hindi na niya ito sinasabayan, naalala kasi niya nung isang taon nag karoon sila ng hindi pag kakaunawaan ng kaibigan dahil lang sa isang walang kakwenta kwentang bagay at tumagal un ng dalawang buwan. Mahal niya ang kanyang best friend kaya naiintidihan niya ang taglay na topak nito.

“Alam mo best kung totoo nga yan,wish you luck mukha kasing imposible yang ganyan”

“ ano ka ba naman best trust me makikita ko rin siya one of this day.”

Makikita ang sa mga mata ni Renzy ang pag asa na baling araw ay makikita niya rin ang lalaking nag papagulo ng kanyang pag iisip.

“ hay naku girl suko na ako sa kabaliwan mo, ano san tayo kakain ng lunch?”

“ Sa mall na lang, nag sasawa na kasi ako sa luto ni aling belle”

“ Ay!! type ko yan, maraming boys dun.. halika na anong oras na kaya nagugutom na ako”

“ Wag na lang pala tayo sa mall nag bago na ang isip ko”

“ Ano ka ba naman girl, hmmm bahala ka sagot ko pa naman ang gastos”

“ Ito naman hindi na mabiro, halika na gutom na nga rin ako eh!”

THE MAN IN MY DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon