the flash back

32 1 0
                                    

Alas-dose na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Luke. Almost three months pa lang mula ng dumating sila ng kanyang  ina kasama ang bagong asawa nito na si Armando. Sa Nueva Ecija lumaki si Luke kasama ang kanyang ina. Bata pa lang si Luke mula nang maaksidente at mamatay ang kanyang ama, papauwi na sana sa ito sa kanilang bahay ng bigla ng  lang mawalan ng preno ang kotseng sinasakyan nito at nabangga ito sa isang malaking puno ng akasya. Halos ikamatay ng kanyang ina ang pag kawala ng kanyang ama hindi nito matanggap ang pag kawala ng kanyang pinaka mamahal na asawa. Hindi alam ng kanyang ina na nagdadalang tao pala ito ng panahon na yon at dahil na rin sa labis na kalungkutan ay nalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Labis itong nag sisisi sa nangyari at nangako ito kay Luke na susubukan uli nilang bumangon mula sa pagkakadapa. Sampung taon na ang nakalilipas nang mangyari ang masalimuot na pangyayaring iyon sa kanilang mag ina.

Until  his Tito Armando came to their life. Nakilala ito ng kanyang ina sa isang kaibigan nito. Naging magkaibigan ang dalawa,at hindi nag laon ay nag pahiwatig ito ng pag ibig sa kanyang ina. Biyudo na ang kanyang Tito Armando namatay ang asawa nito sa sakit na cancer.  May isang anak ang kanyang Tito Armando at yon ay si Cristina unang kita pa lang niya sa kanyang step sister ay halata na ang pagiging spoiled nito sa kanyang Tito Armando sabagay nag iisa itong anak kaya kahit anong magustuhan ay nakukuha nito. Mabait ang kanyang  Tito Armando malayo sa ugali ng anak nito maldita kasi ito nakita kasi niya na kung  paano na lang sigaw sigawan ang mga katulong. Hindi niya alam kung saan nang galing ang ugali nito.

Nakaramdam si Luke ng uhaw kaya naman lumabas siya sa kanyang kwarto at pumanta sa sa kusina. Nakakita siya ng beer in can sa ref  kaya kumuha siya ng dalawa baka sakaling pag uminom siya ng beer ay makatulog na siya. Tumuloy siya sa terrace para na rin makapag pahangin. Pag dating niya ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin.

Sa mga sandaling yon laman naman ng kanyang isipan si Liezel ang babaeng una niyang minahal, ayos naman ang kanilang pag sasama. Anak si Liezel ng isang pulitiko sa lugar nila. Masaya na sana ang lahat pero nangyari ang isang bagay na kanyang kinakatakutan. Hindi kasi alam ng ama ni Liezel may relasyon silang dalawa in short lihim ang kanilang relasyon,ayaw sa kanya ng ama ni Liezel dahil mahirap lang sila. Naaalala pa niya ang pangyayari na nahuli sila ni Liezel na mag kasama.

Papalabas na sila ni Liezel galing sa simbahan araw ng linggo nun kaya naman maraming taong nag simba. Nakita sila ng ama ni Liezel.

“Liezel!! Anak ng-- !! ano ang ginigawa mo dito at kasama mo pa ang walang kwentang  lalaking yan?!” galit na tanong ng ama ni Liezel.

“Dad?!”  nakita niya ang takot sa mga mata ni Liezel ng mga araw na yon.

“I’m asking you young lady, what the hell are you doing here together with that guy?”

“ Good afternoon po sir” magalang na sabi ni Luke

“I’m not talking to you, kaya wag kang sumasagot diyan”

“Dad this is Luke... my..my ..boyfriend” takot na sagot ni Liezel

“What??? your boyfriend alam mo ba yang sinasabi mong bata ka,ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!! Get in the car now!!” pabulyaw na sabi ng ama ni Liezel.

“ Pero dad i love ..” naputol ang dapat nasasabihin ni Liezel, dahil kinaladkad siya ng kanyang ama papasok sa sasakyan ng mga ito.

Papalabas na ang ibang tao galing sa loob ng simbahan kaya naman marami na ang nakatingin sa kanila. Hinarap siya ng ama ni Liezel.

“ Ikaw na lalaki ka,hindi ikaw ang klase ng lalaking gusto kong  makatuluyan ng anak ko. Layuan mo na siya kung ayaw mong masaktan. Ilagay mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan,hindi kayo bagay ng anak ko. Wag kang mangarap!!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE MAN IN MY DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon