Bh0xzcs R0me0 and MaLdHiTa JuLiEt

298 5 5
                                    

Paano kung Jejemon si William Shakespeare? Ang pangalan nya siguro'y William SWEGspeare. Matagal kong pinagisapan yan, tumawa kayo please. Kahit corny.  

Ang pinaka paborito kong "artwork" nya ay ang "Romeo and Juliet". Dahil yun pa lang ang nababasa ko. Sabi ko nga sa inyo, hindi ako mahilig magbasa. 

Well, gawan natin ito ng twist. Syempre pag jejemon, nag-iiba ang mga pangalan nila. Nagiging letter 4, nagiging number E. Ewan ko ba, wala namang mali sa pangalan nilang mga jeje, yung simpleng pangalan na "Jose" nagiging "Bh0xZcS Jo$i3_0411 LhUbErBuY ". Bakit nyo pa dinagdagan ng marami pang palabok, maganda naman ang inyong pangalan. Tapos boss pa kayo sa company: "Edi sa puso mo :'>" Magkano ba sweldo dyan? Pati, bakit napakarami nyo atang mga boss? 

Ok, tama na ang usapan tungkol sa mga pangalan. Ito ay isang istorya ni Bh0xzcs R0me0 and MaLdHiTa JuLiEt.

Isang araw, nag-online si Juliet sa facebook. Kahit sabi ng kanyang mga magulang na wag magc-computer dahil magsasaing pa sya. Ngunit, ginawa parin ito ni Juliet. Si Juliet ay isang magandang binibini na may scarf sa noo at kinombong makeup sa mukha at nakabota. Nung sya'y mag-online, nakita nyang online din si Romeo.

Sinimulan na ni Juliet ang pagch-chat nya kay Romeo. (NOTE: Ang eksenang ito ay nakakanosebleed kaya magbaon ka na ng tissue.)  

Juliet: Hai pfue.... :D 

Romeo: ...hi dhin :)

Juliet: Muxta kha pfue???   

Romeo: ...aux lhanq.... :)

Juliet: Tetrix pfue tayue :P

Romeo: .....wAlA poe akunq enerqy... paqift po muna :*

Juliet: Ukie pfue :D

Binigyan ni Juliet si Romeo ng energy sa Tetris. Masayang nagtetris si Romeo at si Juliet. Pero natalo si Juliet at naubos ang kanyang energy. 

Juliet: Anq qalinq ny0 nAmAn... :)

Romeo: ...wEaK ka Lnq h3h3...

Juliet: w3w

Bigla namang dumating ang mga magulang ni Juliet. Napagalitan si Juliet ng kanyang magulang at sinabunutan sya ng nanay nya dahil hindi pa sya nakakapagsaing. Umiiyak naman si Juliet hanggang sumapit ang kinabukasan. Dail nad-depress si Juliet, nakikipagusap sya lagi kay Romeo.

Sa Facebook, sa School at kung san mang kanto. Simula nun, ay lagi silang nagt-tetris. At unti unti ng nahuhulog ang loob ni Juliet kay Romeo. At naging sila.

Nalaman ito ng nanay at tatay ni Juliet . Nagalit ang mga magulang nito at pinalayas si Juliet. Ganun din si Romeo, ayaw ng nanay at tatay nya kay Juliet dahil "Breezy" daw ito. Kaya pareho silang pinalayas. 

Nagkita sila sa isang madilim na lugar at umuulan pa ng gabing yon.

"Ayaw nila sa atin bebe ko (bhebie kho)."Sabi ni Juliet.

"Oo nga... siguro magpakamatay na lang tayo..." Sabi ni Romeo.

"Paano?" -Juliet.

"Gamit ang katol na ito!" -Romeo

Sabay na nilang kakainin ang katol at sinabi ang uli nilang salita:

"IkHuAw LhUaNq ShUaPat NaH! Hashtag YOLO (#YOLO)!" At dun sila nagwakas.

Ewan ko ba kung bakit ko naisip ang kwentong iyon. Bumabagabag lang talaga ito sa aking isipan. Maikli lang kwentong ito, sana'y magustuan nyo, at sana'y walang maoffend. KATUWAAN LANG NGA ITO. 

Panimula palang ito, magkomento kayo ng mga istoryang pwede kong gawan ng twist. 

w3w.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Da Jejemon ChronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon