Just A Dream

115 3 12
                                    

Mahirap umasa sa mga bagay hindi ka sigurado..

Pero mas mahirap umasang

mamahalin ka rin ng isang taong

hanggang sulyap ka lang..

at lalo na kung may nagmamaari na ng kanyang puso

---------

Dianne's POV

I'm Dianne Nicole Mendez. Well, andito ako ngayon sa 3rd floor ng building namin sa school. If tatanong niyo kung bakit sinusulyapan ko lang naman ang aking honey my love so sweet.

Walang iba kung hindi si Keith Justine Guevarra.

Matangkad,matalino, popular at gwapo kaso suplado (-,-) Hay.

No Dianne wag kang mawawalan ng pagasa mapapansin ka rin niya! Tiwala lang!! Puso!

"Hoy Dianne! Matunaw yan. Ikaw rin." Gulat nito saken dahilan para matigil ako sa imagination ko.

"Ay palakang baboy. Ano bayan Khristina Mae Go! Nakakagulat ka naman."Sigaw ko sa kanya.

"Pano ba naman friend, halos tumulo na yung laway mo kakatitig dyan kay Justine." Kalma niyang sabi saken.

Ganun na ba ko katagal na nakakatitig kay loves? Ohno. Haha

"Grabe makatulo naman ng laway. Ang sama mo sakin." Masungit kong sabi sa kanya

"Masama talaga ko sayo. Teka nga! Hoy! Dianne haggang kelan mo ba susulyap sulyapan yan si Justine ha! Ang tagal na yang feelings mo! Alam mo hindi na yata crush yan. Love na yan Kuha mo? Love L-O-V-E LOVE. Simula Grade 6 oh anung year na nanatin? 3rd year na tayo. 4 years Dianne Nicole 4 years!!!" Sermon nito saken.

"Wait. Kalma be-" Hindi na niya ko pinatapos sa sasabihin ko.

"Paano ako kakalma Dianne Nicole kung ginagawa kang tanga ng lalaking yan?! Sabihin mo nga sakin yun?!" Hila niya saken sa hallway papuntang secret tambayan namen.

"Thank you sa concern best, Pero hindi ko alam Khristine parang feeling ko siya na talaga eh." Kalmadong sabi ko sa kanya.

"Anong feeling mo?! Dianne naman! Gising! Gising din pag may time! Hello? 4 years na oh ni isang Hi or Hello man lang may nakuha ka ba galing sa kanya?" Tanong niya saken.

"Wala, pero hindi naman masama ang umasa diba? Malay mo mapansin niya ko." Sabi ko sa kanya.

"Hay, anong hindi masama umasa. Gaga! masama dahil madadagdagan nanaman ang umaasang tanga sa mundo!"Sigaw niya saken.

Hayy wala talaga akong ligtas dito sa bestfriend ko.

"Hay, oo na. Tara na nga malapit nang magbell mahuli pa tayo." Hila ko sa kanya papuntang hallway.

Yan ang bestfriend ko si Khristina Mea Go ang babaeng walang ginawa kundi ang gisingin ako sa mga paniginip ko at ipamukha sakin ang realidad.

Pero kahit ganun yung babaeng yun, mahal na mahal ko pa rin yun. Dahil andyan siya nung mga panahong walang wala na ko dahil sa past relationship ko.

Flashback

"Ang saket saket best! Niloko niya lang ako. Ang saket." Hagulgol ko kay Khristin

"Teka, ano ba nangyari best? Pwede ikwento mo muna saken?! Hindi yung ang oa oa mo dyan!" Sabi nito saken.

"Best naman eh, ganito kasi yun anniversary namin kanina." Bitin kong sabi sa kanya

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon