Chapter 6

2 2 0
                                    


Hope's POV

"So kumusta ang feeding program, anak?" tanong ni papa habang kumakain kami. Nakauwi na ako kanina lang. Natapos kasi ang feeding program nang maaga kaya maaga kaming nakauwi.


"Sobrang okay Father dear hahaha ang dami naming nabigyan ng food tsaka yung mga pinamigay niyo rin ma ay binigay ko. Ang dami kang mama dun na natuwa kasi may mga seeds na silang natanggap na pwede nilang itanim" masaya kong pagkwento sa mga magulang ko.


"Masaya kami at masaya ka, anak. Dapat talaga masaya ang buhay estudyante mo kasi ayaw namin na puno ka ng pag aalala sa buhay kolehiya mo" tugon naman ng mama ko


"Mahirap mama pero kinakaya ko po kasi nandiyan naman kayo na todo suporta sa akin, tsaka meron din po akong kaibigan. Tsaka kung tutuusin nga eh mas swerte pa ako kaysa sa iba kaya masaya na rin po ako ma, pa at kakayanin ko po lahat kasi gusto ko rin po namang makabawi sa inyong dalawa po." Sabi ko. Habang ang mama at papa ko naman ay nakangiti lang sa akin


"Pagbutihin mo sa pag aaral, anak ha? Meron ka rin namang crush dun para gawin mo rin inspirasyon, Ano ngang pangalan nun, love?" tanong ni mama kay papa na siyang ikinapula ng pisngi ko


"Parang sag reek yun love eh. Parang Athens? Atsara? Hahahaha ay Athena hahahha! Nakita ko na ang mukha nun love. Ang ganda nga eh, mana sa akin yang binata nating prinsesa hahahaha" tukso naman ng papa ko LUH


"Hayyyy, ang galing niyo talagang mamiling mag-ama. At anak? Pwede kang magka-crush at magmahal. Sundin mo lang ang puso mo, anak ha? Hindi ka sasaktan niyan kasi alam niya ang daan patungo sa kaligayahan mo pero huwag ibigay lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, magtira ka rin sa sarili mo kasi mas kailangan mo yun and Priorities first my princess" mahabang litanya ng mama ko.


"Opo mama. Hindi ko po kayo bibiguin po, mauna na ako sa inyo mader, pader ha? May gagawin pa po ako sa taas eh" sabi ko tsaka umalis sa hapag-kainan at hinugasan yung mga plato at pumunta na sa taas para tapusin yung ginagawa ko na project naming sa isang major subject.


Walang katapusang project pero ang saya sa pakiramdam. Maguguhit ko na naman yung paborito ko hehehe

-------


"Well done, Ms.Arevalo. The piece you made is splendid and although there are minor errors. Basta malalaman mo lang talaga ang mensahe ng painting ay hindi mo na yun matutuunan ng pansin. " bati sa akin ni Ms. Dela Rosa.


"Now, tell me. Bakit ito ang nagawa mong subject?" Q and A na ni miss Dela Rosa. Maganda si Miss Dela Rosa. Ang bata pa nga niyang tignan eh tapos teacher na siya. Sexy rin tapos may aura talaga siya na ma-i-intimidate ka hahaha pero cute rin siya in a way lalo na if itatali niya yung buhok niya.


Did I just check her out? Hahahha


"Uhm miss, I chose this subject as a basis for my painting miss because my parents are one of the reason why I am what I am now miss and sila rin yung main reason ko kung bakit ako nagsisikap miss" sagot ko naman sa tanong ni miss

The One (G x G)Where stories live. Discover now