The Other Side

6 0 0
                                    

Hero's POV

Kahit gusto mong sumaya ang taong mahal mo, kung hindi naman ikaw ang magpapasaya sa kanya, masasaktan at masasaktan ka pa rin.

Katulad ngayon ...

Dahan dahang naglalakad ang babaeng mahal ko patungo sa lalaking kanyang pakakasalan. Lumuluha siya habang nakangiti, siguro di niya maipaliwag ang sayang nararamdaman, "tears of joy" kumbaga.

Habang nasa isang tabi lang ako nakamasid sa mga pangyayari, dahan dahan namang nagbalik tanaw ang aking isip sa nakaraan.

Naaalala ko pa y'ong una nating pagkikita, it was during your college graduation celebration. Ipinakilala ako ng mga magulang mo sayo. Simula no'n lagi na tayong magkasama. Naiinis pa nga ako minsan dahil isinasama mo pa ako sa pagja-jogging mo ng umaga. Nakakapagod kaya magtatakbo ng sobrang aga. Tapos pagdating naman ng hapon naglalakad lakad tayo sa may park ng subdivision nyo. Ganoon lagi ang routine natin hanggang nakasanayan ko na. Minsan ako na nga ang gumigising at nag aaya sayo.

Isang araw ng pamamasyal natin sa park may isang lalaki ang lumapit sayo para hingin ang number mo. Hindi mo kilala yong lalaki kaya hindi ka pumayag at iniwasan sya. Kahit sinabi mong ayaw mo, hindi ka pa rin nilubayan ng lalaki hanggang sa pinipilit ka na niyang makipagdate sa yo.

"Sige na miss pumayag ka na promise di ka magsisisi".
"Bastos! lumayo ka nga sa akin sinabi na ngang ayaw ko eh"

Ayaw ka pa rin tigilan ng lalaki kaya di ko na napigilan ang galit ko at nakagat ko nga ang lalaki para ipagtanggol ka. Tapos nagmadali na tayong tumakbo habang hila mo ako.

"Ang tapang mo don, thank you so much my hero. Simula ngayon Hero na ang itatawag ko sayo."

I was so happy hearing that from you oh di ba sa sobrang happy ko napapaenglish ako. Anyways yon na nga ang simula ng pagka attach ko sayo. Iba na yata tong nararamdaman ko. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag tinatawag mo akong Hero.

Mas nagustuhan at na enjoy ko na ang pamamasyal natin. Naging overprotective rin ako sayo lalo na kapag may ibang lalaki ang umaaligid sayo. Gusto ko na sa akin lang ang attention mo.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon