The Other Side

2 0 0
                                    

Pagkatapos ng ilang buwan naging busy ka na. Natanggap ka na kasi sa pinag aapply-an mong kompanya. Nagtatampo na nga ako kasi wala ka ng masyadong oras para sa akin. Ang dating araw araw nating pamamasyal naging isang beses nalang sa isang linggo. Hanggang sa Isang beses nalang sa isang buwan.

Ako? di naman ako busy wala kasi akong trabaho kaya iniintindi nalang kita. Hindi ko na nga namalayan na ilang taon na pala ang lumipas at ang dami dami na ring nangyari sa yo. Na promote ka na't nagkaroon ng sariling condo.  Habang ako andito pa rin at naghihintay ng minsanang pag uwi mo para sa pamamasyal natin.

Isang araw nalaman kong uuwi ka kaya nag antay ako sa may pinto upang salubungin ka. Pagdating mo agad kang yumakap sa mga magulang mo at sa akin rin. Hinimas mo pa ang likod ko tsaka sinabihan mo akong ang tangkad ko na.

Sa sobrang excited kong makita ka di ko namalayang may kasama ka pala. Habang kumakain kayo ay ipinakilala mo siya.
"Mommy, Daddy siya po si Richmond yong sinasabi ko ngang boyfriend ko. And guess what? We're already engaged!". at ipinakita mo nga ang  daliri mong may engagement ring.

"Good afternoon po tito, tita nandito nga po akong upang pormal na hingin sa inyo ang kamay ng inyong unica ija".

Gusto kong maging masaya para sayo pero sobrang sakit talaga kaya  naman lumabas ako ng bahay at nagpahangin mag isa. Ganito pala ang pakiramdam ng ma brokenhearted.

Kinabukasan ay naunang bumalik ang fiancee mo at nagpaiwan ka muna sa inyo para makasama ang mga magulang. Pagsapit ng dapit hapon ay napansin mo ako.

"Bakit ang tamlay tamlay ng Hero ko? Siguro nagtatampo ka sa akin kasi di na tayo namamasyal. Halika na labas tayo para naman makabawi ako."

Gusto kong sabihin na di lang ako nagtatampo na nasasaktan ako pero syempre di naman pwede yon. Ayaw ko rin naman palagpasin ang pagkakataon na makasama ka ng tayong dalawa lang bago ka pa magsimula ng sarili mong pamilya.

Habang umuupo tayo sa paborito nating pwesto sa park nagkukwento ka ng tungkol sa inyo ni Richmond. Sobrang saya mo at kitang kita ito sa iyong mukha at ako'y hanggang pakikinig nalang.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon