tula #15

28 0 0
                                    

wala ang nag niningning na mga bituin
wala ang buwang nagliliwanag sa gitna ng dilim
kasing lamig ng hanging dumadampi
at kasing dilim ng langit na humihikbi

sa mga oras na ito
hindi mawari sa isip ko
ang mga salitang kaibigan nalang ako
at wala na ang salitang tayo

akala ko maaari pang ikabit
akala ko maaari pang muling maulit
ngunit hindi pala mapipilit
ang espasyong meron nang kapalit

ang dating salitang saya
na naramdaman ko pagkat nakilala kita
ngayun ay luha saaking mga mata
pagkat may mahal kanang iba

ang dating pag ibig na nabuo
ay meron nang panibagong angulo
na ikaw nalang at ako
pagkat wala nang tayo

Tula ng pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon