tula # 19

6 1 0
                                    

Masaya kana ba ngayon
Kapiling siya habang umuusad ang panahon
Ako kasi nakakulong parin sa nakaraan natin noon
Hindi alam kong paano babangon

Ngayon ko lang napag tanto
Na mahirap pala ang umibig ng totoo
Lalo't mali 'yung taong napili mo
Masasaktan at mahihirapan talaga ng husto

Kung maibabalik ko lamang ang panahon
Kung ma-uulit ko lamang ang kahapon
Mas pipiliin kong sana hindi nalang kita nakilala noon
Marahil ay hindi nag durugo ang puso ko ngayon

Sana ay hindi dumating ang araw na mapunta ka sa posisyon ko
'Yung akala mo na ang lahat ay totoo
Marami kasi talagang manloloko sa mundo
Na sasaktan at pag lalaruan lang ang damdamin mo

Tula ng pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon