Sixth : Kasal?

3 0 0
                                    

Zircon Gem

"Magtatampo na talaga ako pag hindi mo pa ako sinagot ngayon," nakasimangot na sabi ng sekretarya ko na nasa gilid ko nga pala kanina pa.

Inilibot ko ang paningin ko at napansing wala ng tao dun maliban sa kanilang dalawa. Maaliwalas na din ang silid sapagkat, nakataas na ang mga otomatikong kurtina nito na siyang dahilan upang pumasok sa loob ang pang umaga'ng sikat ng araw.

"Hoy Z ano ba! Kanina pa kita kinakausap ano ba naman yan!" napakamot ng ulo ang dalaga na siya namang pinagtawanan ko.

"Ano bakit ba? May sinasabi ka ba?" Nang aasar kong sabi sabay tawa.

"Manigas ka jan tangina mo" agad niyang pinitik ang noo nito. "Aray"

"Yan kasi..." tawa niya.

Sumimangot naman ito at tsaka kinuhang muli ang isang maliit na notebook na sulatan nito ng schedules ko. Binuklat niya yun hanggang maabot niya ang gitna nito at nagsulat,

"Anong magandang motif ng kasal, Z?"

Ano daw? "A-Anong mo-motif?" nauutal kong taong, praning talaga tong babae nato!

"Motif? Sa kasal? Hello? Pati ba naman motif magtatanong ka pa kung ano? Boba lang ganun?" sometimes, direct to the point rin talaga siyang magsalita.

"Joy..." pinakalma ko ang sarili ko bago pa man sumabog ang galit ko. "Akala ko ba wala na kayo ni Mark? Anong mino motif-motif mo diyan?"

Napatanga ito sakin at tumawa ng malakas. Nakakainis sya ah! Nagca-care lang naman ako sa kaniya kasi alam kong walang magandang maidudulot si Mark sa buhay nito at siya pa talagang may karapatang pagtawanan ako.

Sa sobrang inis ko, binatukan ko siya. Slight lang naman, dahilan para huminto ito sa kakatawa.

"Ikaw ah! Nakakadalawa ka na!" pambabanta niya sakin.

Inirapan ko siya, "Ano na nga? Magpapakasal ka nga ba?" Inis ko pa ding tanong.

"Boba HAHAHA! Tumawag si Mr. Imperial kanina kasi may balak siyang magpatayo sa sarili niyang resort ng isa pang villa." sabi ni Joy.

Tumango naman siya. Si Mr. Imperial ay isa sa makapangyarihan nitong suki na palaging kumukuha sa kanila upang magpatayo ng mga bahay sa iba't ibang panig ng mundo. Sa katunayan, sa Pilipinas pa lang ay may labing isang bahay bakasyonan na ito na nasa resorts o di kaya ay nasa bukiring bahagi na lugar.

May pag-aari rin itong, tatlong apartments na nasa tatlong pangunahing bansa sa mundo. May isa rin itong mansyon sa Paris at tag dalawang bahay bakasyonan sa Greece at Maldives. At pawang sila lahat ang nag construct at siya naman ang nag design ng mga bahay nito kasama ang iilan sa kaniyang designing team.

"Hindi ba't masyadong marami na itong bahay?" truth to be told. Kapag sumobra siguro ang pera ay talagang iwawaldas mo na lang ito sa mga bagay na obssessed ka. Katulad ni Mr. Imperial, masasabi mo talagang ginagawa na niyang collection ang mga bahay na pinapatayo niya.

"Ano ka ba, kilala mo iyon. Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ulit ng milyones para lang may pang display lang." Muli niyang ibinaling sa notebook niyang dala ang kaniyang atensyon habang busy ako sa pag hahalungkat ng dahilan kung bakit kailangan niya pa ng isang bahay.

"Teka nga, pano napasok dito ang usapang motif ng kasal? Ha, Joy?" tanong ko ng pumasok ulit aa isipan ko ang tanong niya kani-kanina lang.

Nakatingin pa rin siya sa notebook niya, "Mr. Imperial's daughter ay ikakasal next month and since alam nating pareho na walang ibang babae sa kanila edi satin nagpatulong ang butihing ama'in." she paused, "sige na tulungan na natin si Stace at si Librando. May pinagsamahan naman tayo ni Stace kahit papano diba?" 

I sigh, "what can I do? Eh, mukha mo pa lang e parang pumayag ka na e hahaha." tawa ko.

Lumiwanag ang mukha nito tsaka niya hinugot ang cellphone niya at may tinawagan.

**

"Pwede ba R, kalma ka nga." sabi ko sa kaibigan kong nangingnig. Nandito kami sa isang coffee shop malapit lang sa office namin, dito kasi namin napagkasunduan ni Stace na magkita't mag usap.

Magmula kasi ng tinawag siya ni Joy kanina ay hindi na nito napigilan ang excitement na makipagkita samin. Ilang taon na din kasi mula nung huli naming pagsasama.

"Z naman e, damn bat dito pa?" minamasahe ko ang kamay niya. Panay ang lingon niya sa lalaki't babae na nagde'date sa likod namin.

It's mark and his, idk girlfriend? Well, mukhang girlfriend niya nga kasi nakapulupot sa bewang nito ang kamay niya.

Damn, what a scene! Sa coffee shop pa talaga! Ang sagwa!

Mabuti na lang talaga at walang nagkakamaling tipuhin ako, kase kung nagkataon edi suntok ang aabutin nito sakin. Hahays.

"Hellooooo girls!!" tili ng isang babae galing sa likod namin, sa sobrang lakas ng tili nito ay lumingon halos lahat ng tao sa shop.

We exchanged hugs and kisses kaya naman maaga kaming nag start magchikahan.

"So what do you want to order?" tanong ni Stace. Nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap patungkol sa nangyari sa buhay namin years ago.

"Ako na oorder, this one's on me." Sabi ko, tsaka nagbigay naman sila ng order sakin.

Tumayo ako tsaka lumakad papuntang counter, mahaba-haba ang line at nasa pang apat ako. Tatlo ang cashiers dito at isa lang ang nag se-service ngayon kaya siguro ganito.

"Hey is this yours?" may nagsalita sa gilid ko ngunit di ko ito pinansin. "Hey, miss?"

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. When that chocolate brown eyes met mine. Damn, halos malusaw ako sa kinatatayuan ko habang nakatingala sa mga mata nito. It's so calm ang who knew brown can be relaxing too, right?

"Hey miss, nagsasalita ako." Nabalik ako sa ulirat ng nagsalit ito ulit. Pinakita niya sakin ang isang ID at nagulat ako ng napag alamang akin nga ito.

Magsasalita sana ako ngunit, "dont ask, napulot ko lang iyan sa sahig. Wag ka ng mag thankyou, bye." Umalis ito kaagad, iniwan siya nito ng hindi man lang niya alam ang pangalan.

"So? Sino namang maswerteng lalaki ang pakakasalan mo stace?" tanong ni Joy na ngayon ay parang back to normal na ulit. Hindi na ito nanginginig, dahil na rin umalis na sina Mark at ang kalaguyo nito.

Stace sips her tea and smiled, "Well, actually kilala niyo siya. Kilalang-kilala." the smile never leave her face, it even widens.

Why do I have a bad feeling about this?

"Oh really? Damn, excited na ako! Spill it, stace!" Masayang sabi naman ni Joy habang linalantakan pa din ang Ube cake na inorder nito.

Stace smiles and proudly says, "Si Calx Lime Gonzales."

A/N: Whatttt? Pano? Ano? Ansabe?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UmbrellaWhere stories live. Discover now