Mga maikling kwentong tungkol sa pag-ibig

82.1K 43 7
                                    

Ilang love story na ang napunood, nabasa at higit nasaksihan ng pares ng mata ko. Naiyak ako. Sumaludo. Pumalakpak. Tumambling. Naglaway. Nagwala. Nagalit. Ibat ibang emosyon na ang naramdaman ko. Sa maniwala man kayo o hindi. Fan ako ng mga love stories.

Sa kahit anong kwento daw ng pag-ibig, hindi nawawala ang salitang "kalungkutan". Walang sino mang nagmamahal ang hindi nasaktan at nagsulat ng mga heart breaking words. May mga ilan pa ngang nagtangkang magpakamatay. May mga nakiusap sa mga santo. May ilan ding isinangla ang kaluluwa nila sa mapanuksong dyablo. May ilan ding piniling magbitaw ng sumpa, "hindi ka magiging masaya, magkakaanak kayo ng baluga at maputulan ka sana ng sandata". Iba't iba man ang pamamaraan. Isa lang ang common denominator nila. PAG-IBIG.

May sampung maiikling kwento ako. Sampung kwento ng umusbong at nalantang pagmamahalan. Kwento ng sakripisyo. Kwento ng kamatayan, kwento ng kalungkutan, kwento ng pagpapanggap, kwento ng kabuhayang swak na swak, kwento ng true love, ng great love...ng eternity.

Si Joaquin Fajardo, isang congressman. Matapat sa mga mamamayan. Matulungin. Maamo ang mukha. Malalim kung mag-isip. Maprinsipyo. May marangyang buhay, may magandang asawa at may dalawang gwapong anak. Sa gitna ng tinatamasang kasikatan at karangyaan, naisip pa ring kitilin ang sariling buhay. Libo libong conjectures ang lumitaw. Depression. Pagkalulon sa droga. Alak. Sugal. Kalaban sa pulitika. Napuno ng haka haka ang telebisyon at pahayagan. Isang liham lamang ang pwedeng sumagot sa tanong ng mga taong malapit sa kanya. Isang liham na piniling itago ng kanyang butihing asawa. "Patawarin mo ako. Nagkasala ako sayo. Nagmahal ako ng iba".

Ang playboy na si Drake at ang conservative na si Lucille, pinagtagpo ng tadhana. Nainlove. Nauwi ang kwento sa matamis na "I DO". Ilang buwan pa lang silang nagsasama ng isang sekreto ang sumubok sa kanila. Nabasa ni Drake sa isang lumang diary ni Lucille ang mga salitang hindi kinaya ng puso nya. "kung san san ko sya hinanap, sa wakas nakita ko na sya. Ang dami dami ng nangyari. Lahat to pakiramdam ko hindi ko dapat nararanasan. Pero ang pagpapakasal ko kay Drake ni minsan hindi ko pagsisihan. Naigante na kita ate sa lalaking nagtulak sayo para magpakamatay. Malamang may AIDS na din sya". Sa halip na magalit, pagmamahal pa rin ang nangibabaw kay Drake. Bago sila matulog ng gabing yun. Hinalikan nya si Lucille at sinabi ang linyang ito "hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Kaya naisip ko kapag namatay ka, gusto ko isama mo na rin ako".

Si Aiden at ang lalaking minahal nya. Nagbreak nag kabalikan. Pagkatapos magbalikan, Nagbreak ulit. Tatlong beses nakaramdam ng pagmamahal. Tatlong beses ding umapaw ang sakit. Pero hanggang ngayon iisang hiling lang ang ibinubulong sa bulalakaw. Na sana sa dulo ng rainbow may pot of gold (haha). Nilagyan ng pinaka effective na adhesive ang paa para kahit ilang hurricane at snow storm (syempre iba ka eh, you know) ang dumaan sa kanya hindi sya mapapaalis sa pwesto kung san sya iniwan ng lalaking mahal nya. Para kay aiden "kapag matiyaga akong naghintay, di magtatagal ako na ang ipapalit sa statue of liberty".

Ang fairy tale love story ni Jimbo at Ana. Isang panget pero may golden heart na lalaki na nagtangakang manligaw sa isang napakagandang prinsesa. Pagkatapos ng lahat ng panunuyo at sakripisyo, umani sya ng magandang bunga. Sinagot siya ni Ana. Humarap sa dambana. Sumumpa. At ngayon may unica hija na sa katauhan ni Melissa (naniniwala ako na may golden heart din sya. Kaya para sakin. Isa sya sa pinakamagandang babae dito sa earth). At dahil fairy tale to mababasa niyo ang linyang"and they live happily ever after".

Ang kwento ng babaeng madalas kong makitang nakatingala sa gilid ng naglalakihang billboard sa Edsa. Natapos ang love story nya sa napakadaming text messages na "I love you goodbye". Araw araw nasa gilid sya ng Edsa. Nakatingala. Puno ng pag asa. Nangungusap ang mata. Humihiling. Tahimik na nagrerecite ng kanyang magic spell. Nagdarasal. Paulit ulit pa ring naiinlove. At sa huli isang buntong hininga pa rin ang binibitawan nya "para kang billboard, hanggang tingin lang ako".

Si Wynn at ang great love nya. Uncoditional love naman ang theme. Tipong hindi man masuklian ang pagmamahal na binigay nya, sapat ng souvenir ang mga ngiti ng taong mahal nya. Mapagparaya. Kung ilang luha man ang bumagsak sa mga mata nya,kalayaan naman ang katumbas nun sa one great love nya. Kalayaang makapamili ng taong mamahalin at kalayaang yakapin ang buhay na angkop sa kanya. Isang love story ng tinatawag na DISTANCE at ang mga taon ang namamagitan sa kanila."PAPUNTA ka pa lang, PABALIK na ako".

Ang melodramatic na si Gem at ang treasured memories nya. Nagmahal. Naging happy. Tumawa. Madaming beses umiyak. Hindi ko man kabisado ang love story nya pero ramdam ko ang kakaibang sakit na dinaranas nya. Paano ka nga naman papayag mag occupy ng space sa puso ng taong mahal mo kung maliban sa condominium na sinisilungan mo, may mga malilit pang apartment sa paligid nito.

Si Haiden Co at Vicky Belo. Nagmahalan daw. Nag gamitan. Sumayaw si Haiden Co sa tugtog ng careless whisper. Nakunan ng video. Kumalat sa youtube at maging sa senado. Nagalit si Vicky at napagpasyahang putulin ang sustento kaya walang ibang maisip si Haiden Co kundi gumawa ng suicidal attempt at si dibdib nya nakaasulat ang nakakakilig na linyang ito "I LOVE YOU VICKY".

Pag ibig ng isang magbabalot sa isang office girl. Si magbabalot laging nag aabang sa kanto para makitang safe nakauwi si office girl. Pero si office girl may ibang mahal. Ang amboy na nagtitinda ng barbeque at isaw sa tapat ng bahay nila. Love triangle naman para sa kanila. (ayoko sanang ireveal pero kwento to ni deneali)

At ang undying love ni Migz kay Ira. Isang hunk na lalaki (syempre ako nagsulat, dapat maganda ang description ko sa sarili ko) na nainlove sa pretty face na punong puno ng reverie. Pumayag si Migz sa hello and hi set up. Naniniwala kasi sya na hindi kayang patumbahin ng distansya ang isang totoong nagmamahal. Isla ang pagitan nila. Pangarap at pagmamahal. Sabi nga "love conquers all".

Sampung maiikling kwento para mailarawan ang totoong kulay ng pag-ibig. May tawa. May lungkot. May happy ending. My tragedy. May babala: Ingat sa pagtawid, nakamamatay.

THE END

A/N:
Ang Video na nasa taas ay hindi akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Estorya ng Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon