Chapter 1: Broken Promise

143 7 1
                                    



I used to believe in forever. This line may sound too cliche for your liking but that's exactly the truth. Falling in love with Blayze made me think of such foolish thing. But guess what? We're just another break up story. Akala ko talaga kami na yung para sa isa't-isa. We've been in a relationship with each other for 3 long years. Akala ko siya na yung lalakeng hihingin ang aking kamay at ihaharap ako sa altar but then again, akala ko lang pala yun. 


It's almost been a year since our break up. Pero kung akala niyo ganun lang kadaling mag move on, well not for me. It's been what? 3 long years. Ganun ka haba ang pinagsamahan namin para basta basta nalang akong mag move on. I'm still holding on with his promise. 


"San mo ba ako dadalhin Blayze?" 2nd year anniversary namin ng naisipan akong sorpresahin ng nobya ko. As usual, may blind fold nanaman ang mata ko kagaya ng dati niyang mga gimik. 


"Secret kasi babe. You'll find out as soon as we get there."  Naramdaman ko na dumampi ang kanyang mga labi sa aking tenga na nagbigay ng kurenteng dumaloy sa aking ugat. 


Naglakad pa kami ng ilang mga hakbang, ang kamay niya ay nakapalipot sa aking bewang at inalalayan akong maglakad patungo sa paroroonan namin. Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad at tinangal ang aking blindfold na nakaharang sa aking mga mata. Kumarap ako ng ilang beses para maka adjust ang mga mata ko sa ilaw na nakapalibot sa amin.


Nandito kami sa tabing-dagat sa isang pribadong beach kung saan una kaming nagka-kilala. May outing kami dati ng mga ka opisina ko dito mismo sa lugar na ito nung sa hindi sinasadya ay nakilala ko si Blayze. Naglalaro kami ng volleyball dati ng aksidenteng natamaan si Blayze ng bola na ibinato ko. Kaagad akong humingi ng tawad sa kanya ngunit may pagka pilyo ang mga ka opisina ko kaya tinukso kami sa isat-isa at duon nagsimula ang aming pagkakaibigan.


May mga pulang kandila na nakapurma ng puso at may mga talulot ng rosas  na nakapalibot sa aming dalawa. Napaka-romantic ng sinet-up ni Blayze para sa aming dalawa kung kaya't hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwa. Pinuwasan ni Blayze ang luha sa aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki. Hindi namin napigilan na ngumiti. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Ramdam ko ang bawat pintig ng aking dibdib at ang sirkulasyon ng aking dugo. Damang dama namin ang pagmamahalan namin sa mga oras na iyon. 


"Happy Anniversary babe." Wika ni Blayze habang hindi parin napapawi ang ngiti na nakakurba sa kanyang labi.


"Happy Anniversary din babe."


Huminga siya ng malalim na parang nagtitipon ng lakas ng loob sa kung anong susunod niya na gagawin. Dahan-dahan siyang lumuhod at may dinukot sa kanyang bulsa ng kung anong bagay. Kinuha niya ang isang maliit na kahon na kulay itim at tinitigan ako sa mata. Parang sandaling tumigil ang mga oras nung magtagpo ang aming mga mata. Pakiramdam ko, walang ibang tao sa mundong ito kundi kaming dalawa lang. Blaze was the one who filled the void in my heart. He was like a missing piece of a puzzle. He was the one who completes me.


"Please tell me you're not doing what I'm thinking." Wika ko. As much as I love Blayze, I wasn't ready yet. Hindi pa ako handang magpakasal sa kanya. May maraming bagay pa akong kailangan pagtuunan ng pansin at nangunguna dun ang pamilya ko. 


"Don't worry sweetheart, I'm not asking your hand. Not yet. This is a promise ring." He said, looking straight into my eyes. Huminga siya ng malalim at kinuha ang aking kaliwang kamay at tinitigan ako muli sa mata.


"Avyanna, I want to to wear this promise ring as a sign of my commitment to our relationship. I promise that I'll always be there with you especially when you need me the most. I promise to remain faithful to you. I promise to love you till the end of time. This ring holds all of my promises and one day, one day I'll definitely marry you. I promise you." Sinuot ni Blayze ang singsing sa aking left ring finger at hinalikan ang aking kamay.


Yinakap ko siya ng mahigpit, ang aking mga kamay ay nakapalipot sa kanyang leeg samantalang ang kamay naman niya ay nakapalipot sa aking bewang. 


"I love you Avy. Forever"


"I love you  too Blayze. Ever" 



A/N: Well, that's the glimpse of the story. If you liked it, please vote and comment for your feedbacks. I'll give you the first chapter as soon as I can. I hope you enjoyed reading this story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3 Words, 11 Letters, An Oath and A LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon