Trip in Love .. Fall in Love ... Chapter 2

46 0 0
                                    

Sorry kung pangit ang story na ito and thank you po sa pagpansin dito :)

CHAPTER 2

Nilakasan ko na talaga ang volume ng alarm ko at nilapit ko na sa tenga ko para lang magising ako ng maaga. Sakit nga sa tenga, gising na gising ako haha.

Bagong araw, papasok na ako sa oras na 6:15, para hindi ako magmadali at walang maging problema. Nakakadala kasi ang nangyari kahapon.

Haist kalimutan na nga ang kahapon.Lumakad ng maganda at ngitian ang umaga. Positive ang ilagay sa isipan.

*pipip

ay kalabaw, nasa tabi na nga ng daan bubusinahan pa, sino ba ito?

pagbukas ng bintana sa kotse.

"hi girl, sakay na" Lhia. akala ko kung sino at aba new car na naman. Rich kid talaga.

"hindi na, malapit na ako sa gate ng school" ako.

"hmm. sure ka?" sya, at nag nod ako.

"sige intayin mo ako ha, park ko lang tong car tapos sabay tayong pumunta ng room" sya.

"sige" sagot ko.

pinaandar na nya sasakyan nya at naglakad na rin ako papasok ng school, Tumigil muna ako sa hall way para intayan si Lhia. At pagkakita nya sa akin tatakbo syang lumapit sa akin.

"Hey girl! Aga mo today ah" Lhia.

"Takot ng ma late, ikaw nice new car" ako.

"hindi ah, sa sister ko yung car na yun, palit muna kami ngayon" Lhia

"Ah akala ko pinagpalit mo na car mo" pagbibiro ko sa kanya.

"Naku! No way! Never! Baby ko yun. Nagpalit lang kami ng sister ko today" sya.

"hahaha. Oa ng reaction mo. Haha Tara na nga" tinarayan ako haha. At naglakad na kami. Hinding hindi nya daw papalitan yung car nya kasi baby nya daw yun and natanggap nya after high school. Yun ang unang car nya from her parents.

"teka may nagprapractice ng cheerdance, panoodin muna natin" Lhia.

Napatigil kami sa paglalakad para panoodin ang nagprapractice na cheerdancers, napatingin ako kay Dyann na girlfriend ni Alfonso. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Noong nakita nyang magkalapit ang mukha namin ni Alfonso, ewan ko kung anong pumasok sa isip nya, nagselos kaya? pero ako ang pagseselosan nya, ang laking ganda naman nya sakin.

Napatingin sa akin si Dyann, ang sama ng tingin nya sakin tapos inirapan at tumalikod na sa akin.

"Kita mo yun?" tanong sa akin ni Lhia

"ha? alin?"

"yung pagsama ng tingin at pag irap ng mata ni Dyann? sa iyo ba yun o sa atin?" napansin din pala yun ni Lhia, pero wala naman akong ginagawang masama kay Dyann. Kung dahil yun sa nakita nga kahapon, Mali yun.

"ewan, hayaan na nga natin sya. Tara na baka ma late pa tayo" ako tapos hinila ko na sya paalis dun.

"hindi talaga pero ang sama ng tingin ni Dyann sa dereksyon natin. Sayo kaya yun o sa akin?" si Lhia na hindi maka get over. Ayaw ko pa namang sabihin sa kanya ang nangyari kahapon kasi wala naman yun. Saka ko na lang ikwekwento sa kanila ni Micka.

"hindi ko alam, wala naman akong giagawang masama sa kanya, ikaw may ginawa ka bang masama sa kanya?" ako.

"wala din" sya.

"Yun naman pala, hayaan na lang natin sya" ako.

Pero nagalit nga ba sya sakin kahapon? Eh wag na ngang isipin, ngumiti na lang, positive nga ako today, kahapon kasi maghapong hindi maganda ang mood ko, kaya ngayon ayaw ko namang masira ang araw ko.

Trip in Love .. Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon