Trip in Love .. Fall in Love .. Chapter 1

126 0 0
                                    

Try lang po. Sorry kung hindi maganda. 😊😊

CHAPTER 1

*kring kring......

hmmmm.

Ahh nagulat ako sa ring ng phone ko kaya na pabangon agad ako

calling mama

(hello mama)

[hello Trina kanina pa kitang tinatawagan, bakit ngayon mo lang sinagot] sigaw ni mama sakit sa tenga.

(ma, sorry po kagigising ko lang)

[ay naku anak baka ma late ka nyan, 6:20 na]

(opo, maliligo na po ako, bakit po ba kayo napatawag?)

[kukumustahin kita at sasabihin ko sayo na naghulog ako ng pera, kuhanin mo agad para maka pagbayad ka na jan sa dorm mo]

(opo mama thank you po)

[oh sige maligo ka na at baka malate ka pa, ingat ka jan anak, I love you, tatawag na lang ulit ako bye]

(sige po mama, ingat din po kayo jan. I love you po)

end of call.

pagtingin ko sa phone ko, naka 7 missed call si mama ngayon lang ako nagising, hindi naman naka silent phone ko, tulog mantika nga ako.

6:30 na maliligo na ako, kasi 7:00 ang unang klase ko, Baka ma late ako.

Ako nga pala si Trina Bianca Gomez, 18 years old. engineering ang course ko kasi yun ang gusto ni papa na kunin ko at minahal ko na rin tong course na ito. Taga province ako at dito lang ako nag aaral sa sikat at magandang university dito sa lungsod. Mag isa lang ako dito ang mama ko at ang dalwa ko pang nakababatang kapatid ay sa province namin nag aaral, si papa ko naman nagtratrabaho sa ibang bansa.

after kong maligo nagbihis na ako.

nagshirt ako ng maluwag tapos palda na mahaba tapos rubber shoes, baduy ba? hindi naman di ba, fashion ang tawag jan eh. then smile 😊

Sinuklay ko ang mahaba, makapal at kulot na buhok ko, konting pulbos sa mukha at nagsalmin na ako kasi malabo na ang mata ko.

10 minutes na lang mag start na klase ko. Kinuha ko na ang backpack ko and ni lock ang room ko sa dorm at dali dali ng pumunta sa school ko, walking distance lang naman.

2nd day ng klase and kahapon wala namang professor at malamang ngayon sila mag meet sa amin

*bump

"Ouch!" Ang sakit nasiko ako ng nakabangga sakin, nalaglag yung hawak nyang malaking bag. Pero late na ako.

"sorry sorry, nagmamadali ako late na ako sorry talaga" sabi ko. tinulungan kong kuhanin nya yung bag na nalaglag.

"hindi yun excuse para magmadali ka, kung pumasok ka ng maaga, hindi ka magmamadali at hindi mo ako mababangga" si alfonso este lafonso pala, sikat dito sa school.

"sorry na nga no time para makipag talo ako sayo. sorry kelangan ko ng umalis" ako.

"no" ang bastos nito nakakainis, hinarangan ako, sabi ng late na ako eh. 7 am na sa relo ko.

"sorry sorry sorry. . parang awa mo na mister sa 5th floor pa ako, kaya pede ba padaanin mo na ako" kelangan ba ipaliwanag ko. nakakainis.

"ayaw ko nga" sya. kumukulo na dugo ko, nawawala ang mganda kong ngiti, pag ito hindi tumabi naku.

Lumalapit sya sa akin. at lumapit pa.

Lalo naman tong nang iinis. Isang lapit pa susuntukin ko na to.

Trip in Love .. Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon