CHAPTER 1 - (First day of School)

64 1 0
                                    

CHAPTER 1

(First day of School)

 

Niño’s POV

Do you ever feel?

Like a plastic bag

Drifting through the wind?

Wanting to start again?

Do you ever feel?

Feel so paper thin?

Like a house of cards

One blow from cavin’ in?”

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm sa aking cellphone. Pagtingin ko sa aking cellphone ay 5:30 am palang so nagpray muna ako kay God na swertehin sana ako ngayong araw at sana mapansin ako ni crush. XD

Pagkatapos kong magpray ay nagscan muna ako sa cp ko ng mga messages at baka nagtext si crush. XD pero nga-nga na naman ako kasi hindi nagtext si crush. Haist buhay. Kaya nagGM nlang ako ng “Good Morning everyone” tapos ay bumaba na sa sala para makaready na para sa school. Pagbaba ko ay nakita ko na si Nanay na nagluluto.

“Good Morning Nay” bati ko nang may ngiti sa mga labi nang nakababa na ako.

“Good Morning din anak” tugon naman nito nang di man lang lumilingon dahil baka masunog ang kanyang priniprito.

Kaya umupo nalang ako sa mesa namin para maghintay sana na matapos siyang magluto nang utosan niya ako. “Kesa sa umupo at tumunganga ka diyan anak ay pumunta ka sa itaas, mag-igib ka nang tubig, at gisingin mo ang nakababata mong kapatid, para di kayo malate sa inyong klase ngayon”.

Kaya tumayo nalang ako at pumunta sa itaas kasi alam kong magleletanya na naman itong mahal ko na Nanay kung hindi ako susunod sa kanyang utos.

“Kafirst-first day ng school hindi nagmamadali…..” at yan na nga ang karugtong na letanya ng pinakamamahal ko na Nanay. Kung hindi pa ako sumunod at umakyat ay maririnig ko pa sana ang karugtong ng kanyang mga salita.

Haist, mga Nanay nga naman. Kaya pumunta na ako sa banyo at nagsaid na ng tubig sa balde para mayroon na kaming tubig na ipangliligo ng kapatid kong tamad.

Pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko at binuksan ang pintuan at tiningnan ko kung gising na, at hindi nga ako nagkamali. Tulog pa ang mokong. Kaya nang makalapit ako sa kapatid at napagmasdan ito ay biglang may lumabas na bumbilya sa aking ulo.

Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone at sinet sa camera. Tapos umakyat ako sa kanyang higaan at tumabi. Nang matiyak kong hindi siya nagising ay nagpose ako nang wacky kasama siya at nagpicture.

“Hahahahahahaha sige lang feel free to sleep my dear brother” bulong ko sa natutulog pang kapatid.

Picture dito, picture doon.

Pagkatapos ng photoshoot naming magkapatid ay bumaba na ako sa kama niya at inugauga ito sabay sabing “Carlo, gising na sabi ni Nanay. Kafirst first day daw nang Klass baka malate tayo”. Nakita ko pang nagkiskis siya ng mata at tiningnan ako nang masama.

“Bakit ka andito sa kwarto ko? Alis. At pano ka nakapasok? Sabi nang huwag kang basta bastang pumapasok eh”. Sabi ni Carlo na itinataboy ako.

“Ouch, ganyan ka ba kung maglambing sa kapatid mo?kung sa bagay hindi naman tayo tunay na magkapatid eh. Kaya ka ganyan” Sabi ko nang may acting pa.

Hindi ko naman talaga kasi tunay na kapatid itong nakababata kong kapatid eh. Napulot lang namin to kung saan saan. hahaha joke. basta mahabang kwento.

Procesyon (Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon