Im just an ordinary person. Simple. Sakto lang ang buhay, hindi mayaman, hindi mahirap at hindi may kaya. Sakto as in nakakakain naman araw-araw at nakakabili naman ng masasarap na pagkain kung minsan. Sakto kasi nakakabili ng damit at gamit na kinakailangan. Sakto kasi nakakapunta sa ibang lugar na magandang puntahan at pasyalan. Graduate ako ng college 4-year course sa isang pampublikong paaralan sa aming lalawigan. Scholar ng bayan, honorific society member at masipag na mag-aaral. Natapos at nairaos ko ang mahabang proseso ng pagkamit sa karunungan at ngayon nga ay kasalukuyang naghahanap buhay upang makapagpatuloy sa pamumuhay.
At yeah, ang lalim na ng tagalog ko lols.
Nagtatrabaho ako sa isang kilalang kompanya. Office girl. Sabi nila ang boring ko daw kasi bahay-trabaho-church lang ako lagi. Pero sa isip isip ko, hellooooo?!?!? Paano naging boring ang buhay ko e ang dami dami ko ngang ginagawa lagi. To be honest, kulang pa ang 24hrs sa isang araw para magawa ko lahat ng kailangan kong gawin. Madami kasi akong hobbies, drawing, reading, lettering,writing at watching movies and videos. At kung minsan nasisingit ko din ang pagalalro ng Mobile Legends. Ako yung tipo ng tao na hindi nauubusan ng reading lists. Ang dami kong libro na pending at ang dami kong stories sa library ng wattpad account ko na hindi ko pa nababasa.
Who says im boring?
I am living my life the way i wanted and planned it. Unfortunately, as i have said sobrang busy kong tao to the point na wala na kong time for my social life and wala akong time to chitchat with other persons except sa families and friends. So meaning to say, wala akong time para sa lovelife na yan. Na lagi nilang inuurirat sakin.
Nakakarindi. Lagi nalang tinatanong kung sino daw jowa ko. Or bakit daw di ako magjowa. Haaaayy. Sarili ko nga di ako magkandaugaga tapos dadagdagan ko pa ng sakit ng ulo sarili ko. Ayoko ng may nagdidikta sa kin sa mga gagawin ko. Ayoko ng obligasyon at ayoko ng kung anu-anong ipinagbabawal sakin. I want to live my life to the fullest with my own definition of it. And sorry guys, natuto na ko. Hindi na ko tanga katulad ng dati. Kinalimutan ko na yung part ng buhay ko na yun, at heto ako. Masayang namumuhay. Nagpatawad at bumangon. At patuloy pang lalaban sa agos ng buhay.
Not until one freaking night a day after my birthday.
When i decided to give thanks to those people who greeted me via messenger.Zac messaged you.
Belated happy birthday! ☺
Like who the hell is this Zac chuchu?!?!!
BINABASA MO ANG
Thursdays
Teen FictionWhat is your favorite day? My favorite day is thursday. Wanna know why? Because its thursday when i met you. One shot story by: M A R Y A