CHAPTER 1💕

15 2 1
                                    

Kae's POV

Hey guys! Domitia Kae Andly here! So ngayon ay sabado. Pahinga ng bawat stupidyante. Nagising ako ng maaga dahil kay ate. Sino ba naman di magigising eh, binuhusan ako ng tubig sa mukha and worst pumasok sa ilong ko. Ugh. Uubo ubo akong umupo. Nakakainis talaga si ate. Buset!

"Tumayo ka na dyan, Pumunta ka na sa banyo at maligo. Magtoothbrush ka na rin. Ang baho kasi ng hininga mo." Nakapameywang na utos ni ate

"Ate naman!" Angal ko tska akmang hihiga pero...

"Sige! Subukan mong humiga ulit at dyan kita papaliguan" pagbabanta ni ate.

Yan si ate Rose. Abby Rose Andly pero tinatawag syang Ara ng mga kaclose nya. 16 na yan di lang halata. NBSB rin katulad ko. Panu kasi halos lahat sa school na lalaki ay gusto sya. Una sa lahat matalino at Pangalawa maganda at sexy sya. Kaso nga lang sinusungitan nya o di kaya ay di nya pinapansin lahat ng nanliligaw sa kanya.

STUDY FIRST raw kasi. Hahaha

"Eto na!" Sagot ko tska sya lumabas ng kwarto. Narinig kong may sinabi sya pero di ko naintindihan kaya di ko nalang pinansin.

Dumiretso ako sa c.r para maligo. Tska ko lang naalala bakit pala ako pinapaligo ni Ate eh sabado naman ngayon. Sa takot kay Ate ay naligo nalang ako at syempre nagbihis bago bumaba . Pagkababa ko ay nakita ko si Ate sa kusina na nagluluto ng Sinangag at toccino. Mukhang hindi nya naramdaman ang paglapit ko kaya naman tumikhim ako.

*EHEM*

"Oh! Nandyan ka na pala-- Oh My Gosh! Ano yang suot mo?!" Tanong ni Ate

SRSLY. Tanong ba yan? Malamang damit. Anong gusto mo gulay. Yan sana ang isasagot ko kaso baka ako ang isangag.

"Damit" sagot ko

"Seriously! Yan susuotin mo?!" Inis na tanong nya

"Oo! Bakit sinabi mo ba kung saan tayo pupunta ha!" Angal ko

"Of course! Sinabi ko sayo. Di ko nanaman narinig kasi barado nanaman yang tainga mo." Sumbat nya saakin.

"Eh! Sa di ko narineg!" Angal ko

"Sumasagot ka pa baka ikaw ang isangag ko dito eh" pananakot nya.

"Umupo ka na at mamaya ay magpalit ka ng crop top at mag denim shorts ka" utos ni Ate. Aangal na sana ako pero biglang may sumigaw.

"Anu ba yan! Umagang umaga ang ingay nyong dalawa!" Angal ni kuya Kiel.

Si kuya Kiel. Kiel Justine Andly. 17 na yan di lang rin halata

Just FriendsWhere stories live. Discover now