[A/N: ayan sa ka excitedan ko kahit hindi pa madami ang nagbabasa ng prologue ko sisimulan ko na ang chapter 1. hay sana naman po madaming magbasa nito... thankchu.] sorry pala sa mga typhographical error. Hahaha at chaka sa grammar. :)
------------------------
AUTHOR'S POV
Ayan pumi-POV ako ngayon. Hahaha trip ko lang. hindi ko kasi alam kung panu ko ito sisimulan eh pero dahil nga excited ako sige sisimulan ko na.
Ipinapakilala ko nga pala sa inyo mga reader si George. Siya daw ang bida sa storyaheng ito. Nag-iisang anak na babae ni General Gregory Villamayor at Lieutenant Regina Dela Torre Villamayor. May dalawa pa siyang kapatid sina Lieutenant Gregory Reg Villamayor at si Sergeant Gabriel Rey Villamayor.
O dah vah bigatin ang pamilya nya. Nakakatakot manligaw sa kanya ang daming nakapaligid na alagad ng batas. Wahahaha... kung makaalagad ng batas naman ako.
Eto na nga ulit ang tungkol kay George. Ang ganda ng name nya no panglalaki din. Hahahaha.... Pero ang real name nya talaga ay Georgia Regine Villamayor. Sisimulan ko na ang storyahe nya. Enjoy reading guys. Thankchu.
------------------------------
GEORGE's POV
Hi mga readers naipakilala na ko sa inyo ng bruhang writer right?
Kasal kasi ngayon ng pinsan ko at nakakainis. Bakit ako naiinis?
Kasi naman ikaw na ang hindi mainis ha....
Grabe ang mga tao samin hindi man lang ako ginising alam naman nilang isa ako sa abay sa kasal ng pinsan ko.
At ayun nga hindi pa nag-alarm yong l*ntek kong alarm clock at cp ko.
Akala daw ni Mommy ay umalis na ko dahil alam daw nila na maaga dapat nandun na ang mga abay.
Maid of honor pa naman din ako.
Alam ko pa naman din na isi-net ko ang alarm ng puteks kong cellphone 'yon pala sala ang date napakealamn na naman siguro yon ng magaling kong kapatid at yong putek na alarm clock galing ngang ibang bansa wala namang kwenta.
Muntik ko pang maitapon ang cellphone ko kanina sa inis ko. Kaso naisip ko iPhone 4S pa naman din yon kabibili ko lang nun nung isang lingo kaya ang naitapon ko ay ang putek na alarm clock na iyon.
"Grrrrrrr..... Asaaaaar" -inis kong sabi at hinampas ko pa ang manibela ng kotse ko.
Oo sakay na ko ngayon sa kotse ko papunta ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Ysabella. Ang bilis ko kayang naligo dahil gahol na ko sa oras tapos wala pa akong make-up kaya nga pupunta ako sa bahay ng BFF ko kahit alam kong unholy hour pa ito para sa kanya.
Binulabog ko lang naman siya kasi nga di ako marunong mag make-up. Eh make-up artist ng mga artista ang BFF kong iyon.
"F*ck Sh*t talaga." -inis ko ulit sabi dahil traffic pa.
"Pagminamalas ka nga naman oo." -dagdag ko pa.
After 12344567890 hours eh nakarating din ako sa bahay ng BFF ko.
Wala pang 30 minutes eh natapos na din nya akong ayusan. Light lang naman ang inilagay nyang make-up sakin.
"Oh sya my dear friend gora na at baka ma-late pa ang maid of honor. Ang ganda mo kahit light lang ang make up na inilagay ko sayo." -sabi ng forever BFF ko.
"Thank you friend." -sabi ko at nagbeso-beso muna kami bago ako umalis.
Para akong si splash nung pinatakbo ko na ang kotse ko sobrang bilis eh.
[a/n: George yong totoo... parang si splash o nagiimbento ka lang? hahaha.... Baka mahuli ka ng traffic enforcer. Over speeding.]
Tse manahimik ka Akang. Anak kaya ako ng general at lieutenant sa takot na lang nila sa tatay ko.
[author: oo nga pala xowi.... *0*]
Malapit na siya sa simbahan ng marealize niyang ang bouquet na ka-partner ng suot niyang lavender gown ay hindi niya nadala.
"Ow holy sh*t.... ahhh."-I screamed in frustration.
Screaming did make me feel a little bit better.
It cleared my mind.
I need that to think kung ano ang magandang paraan kung anong bulaklak ang babagay sa kanyang lavender na gown.
Male-late na kasi ako kapag bumalik pa 'ko sa bahay namin.
Ayoko pa naman ding maging dahilan ng pagka-antala ng kasal ng maganda kong pinsan.
Sobrang close pa naman din kami ni Charry. Pareho kasi kaming maganda eh ... (___)
Buti na lang may nadaanan akong tindahan ng mga bulaklak sa bangeta. Inihinto ko muna sa tapat niyon ang maganda kong Porche na kotse. Bumili na lang ako ng isang bungkos na bulaklak na babagay sa gown ko.
"Miss pakibilisan naman po ang pag-aayos. Kahit wag nyo na pong tanggalan ng tinik. Okay na 'yan. Pakitalian na lang po ng lavender na ribbon para po bumagay ng konti sa gown ko." -natatarantang sabi ko.
"Sige po ma'am pasensya na po." -sabi naman ng tindera at sinimulan ng balutan ang mga bulaklak.
Habang hinihintay kong matapos sa pagbabalot na ginagawa ang natataranta na ding tindera ay nilapitan ako ng isang babaeng napakadaming burloloy sa katawan.
"Miss, baka gusto mong magpahula.!" -sabi nung babae.
"Hindi ho." -tanggi ko.
"Sige na Miss." -pilit pa nung babae.
"Hindi ho. Pambayad lang po kasi sa bulaklak ang pera ko eh." -sabi ko naman.
"Sige na Miss. Para lang may Buena mano naman ako." -pamimilit pa nito.
"Hindi po kasi ako naniniwala sa hula eh." -tanggi ko pa din.
Sasagot pa sana ang manghuhula ngunit nilapitan ito ng dalwang madudungis na bata.
"Nanay, nagugutom na ako." -sabi nung isa habang nakahawak sa tiyan ang mga kamay.
"Ako din 'Nay. Wala pa po ba tayong pagkain?" - sabi naman nung isa.
"Wala pa mga anak eh. Maghintay muna kayo ng kaunti pa." -sabi nung manghuhula sa mga anak niya.
Nakatingin lang ako.
I wanted to look up and stick out my tongue at the sky.
God always knew the right time to strike one's conscience.
Pagkabayad ko sa mga bulaklak ay iniabot ko sa manghuhula ang sukli.
"Salamat Miss. Akin na ang palad mo." -sabi ng manghuhula.
"Hindi nga po ako magpapahula-"
"Hindi din ako tumatanggap ng limos." -sabi pa ng manghuhula at inabot ang aking mga kamay at kahit anong hila niya ay hindi nito iyon binitawan. "Limang minuto lang ito." -sabi pa nito.
I must admit, I admired the woman's insistence.
But her time, it's gold for me this time.
Kasi nga late na ako.
"Maganda ang nakaguhit sa iyong palad. Malapit mo nang makilala ang lalaking makakasama mo habang-buhay. Malalaman mong siya nga iyon kapag nagkalapit kayo at nakarinig ka ng isang napakagandang musika at sa pakiramdam mo ay biglang hihinto ang inyong paligid at kayong dalawa lamang ang taong tanging gumagalaw. Ang payo ko sa iyo, huwag mong isusuko ang pag-ibig mo sa kanya kahit anong mangyari." -sabi nito.
"Ganoon ho ba?sige ho aalis na ho ako. Salamat ho." -paalam ko at bianwi ko na ang aking mga kamy at nagmamadali kong tinungo ang pinagparadahan ko ng aking sasakyan.
------------------------------
[a/n: o ayan natapos na ang 1st chapter. Sana po magustuhan nyo. Mag-comment naman po kau at i-vote nyo din po.
Thankchu....
Love you all... <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
the bride's maid of honor and the grooms bestman
RomancePaano kung nagkatagpo ang parehong taong may hindi pinapaniwalaan? mag crash kaya sila? Unang tanong naniniwala ka ba sa hula? "DUH HULA? the h*ll I care. Pangalawa naniniwala ka ba sa kasal? "I admit I never believe in marriage. I'm not a marrying...