THE NEXT DAY.
Habang nasa kotse ay hindi magkamayaw ang labing-isang mga kabataan doon. Ang nag-iingay sa mga lalaki ay sina Tag, Sky, at Houzon. Samantalang sa mga babae ay si Eclipse at Phyrine lang maingay, ang nakakasabay sa mga trip ng tropa. Si Rhyme naman na babae ay tahimik lang pero napapangiti rin sa mga corny jokes ng mga mabubunganga.
Siguro nang makaramdam sya ng boredom ay nagmusic nalang sya."Hoy! Lipat mo! Pangmalibog na kanta yang Pillowtalk!" Sigaw ni Moon na unang beses nagsalita sa biyahe.
Bed all day,bed all day~
"Mama mo lipat." Natawa si Houzon pero nilipat nalang din ni Calum. Kapag ang matinong Calum ang nagsagawa ng isang gagawin,settled na lahat.
"Shems! 'Yan nalang!" Sigaw ni Phyrine. The Only Exception ng Paramore ang pinatutugtog.
When I was younger I saw, my daddy cried, and cursed at the wind.He broke his own heart and I watched, as he tried to reassemble it.And my momma swore she would, never let herself forget. And that was the time that I would never sing of love, if it doesn't exist.
Sumabay na ang iba sa tugtog. "But darling cause you are the only exception, but you are the only exception. But you are the only exception, but you are the only exception~"
"We're here!" Excited na sigaw ni Sky. "Swag swag swag!!"
Pagkababa nila ng sasakyan ay tumambad sa kanila ang isang magandang scenery ng beach.
Ang pinong buhangin, ang mga puno ng niyog na nagbibigay ng lilim sa ibang bahagi ng area, ang masarap sa ilong na amoy ng dagat, at ang kulay nitong aqua na nagmistulang parang may mga bituin dahil sa sinag ng araw.
"Leggooo!" Sigaw ni Tag at nagsuot na sila ng mga swimming attire nila bago tumakbo sa dalampasigan.
For now, the darkside had been lighted.
Dahil nga magsasaya sila.