Sora

419 12 0
                                    

Hic abundant leones
(Here the lions abound)

Hindi madaling malimutan ang kaarawan ni Sora Velarde. Because the day she was born, an innocent man was hanged for murdering her father.

Dalawampu't tatlong taon na ang lumipas ngunit tila kahapon lang nangyari ang malagim na tagpong iyon. Matagal nang na-abolish ang death penalty pero hanggang sa mga sandaling iyon ay nagpapatayo pa rin ng balahibo ng mga tao sa kanila ang sinapit ni Edwardo Hanopol. Ito lang sa bayan nila ang nahatulan ng kamatayan.

Nagsisilbi ang lalaki bilang paalala sa kanya na hindi maaasahan at mapagkakatiwalaan ang sistemang husgado ng Pilipinas. Hangga't may mga corrupt na nanunungkulan, walang tunay na hustisya.

Ang buhay na binawi ay hindi na maibabalik pa. Somehow, Sora feels guilty. Alam niyang hindi dapat dahil wala naman siyang muwang ng mga panahong nangyari iyon at wala siyang kinalaman sa kinahinatnan ng lalaki.

Ngunit sa trahedyang iyon, hindi lang naman siya ang anak na nawalan ng ama. Hanopol also had a son, who was six years old at the time the former was strapped to the electric chair.

Nang mga oras na iyon ay patungo siya ng Los Chavez. Ayon sa kanyang pananaliksik ay naroon na ngayon ang anak ni Hanopol, si Julian. Matapos mamatay ang ama nito, dahil wala na rin itong ina, ay napunta ito sa pangangalaga ng isang kamag-anak.

Nais niya itong mahanap. Gusto kasing humingi ng mama niya ng patawad rito.

A few months ago, her mother had stroke. Nagpapatuloy pa rin ang therapy nito. Bagamat unti-unti na itong nakakapagsalita, nananatili pa ring paralisado ang katawan nito. It was then that her mother revealed to her the truth about Hanopol's case.

Dahil anak ng dating gobernador ang kanyang ama ay nagdulot ng malaking eskandalo ang pagkapaslang nito. Na-pressure ang mga pulis na makahanap ng suspect na masisisi kung kaya't dinampot ng mga ito si Hanopol na minsang nakasagutan ng kanyang ama dahil sa issue sa lupa. Ngunit ayon kay Hanopol ay naayos na ang isyung iyon. Sa katunayan ay tutulungan nga ito ng kanyang ama na makuha ang lupang nararapat lamang sa mga ito. Bukod pa roon ay wala ng ibang ebidensya na nagtuturo rito bilang salarin.

Ngunit mukhang ayaw mapahiya ng mga awtoridad kung kaya't gumawa ang mga ito ng paraan upang mapalabas na nasa kamay na nga ng mga ito ang mamamatay tao.

Dahil rin siguro sa mapanlinlang na "ebidensya" ay napaniwala ang pamilya ng ama niya na si Hanopol nga ang may sala. Siguro ay nabulag sa hinagpis at galit ang mga ito. Maybe they just wanted someone to pay for what happened. Kaya nagawa ng mga ito na gawin ang lahat---maski na ang magbayad ng pera--- upang maimpluwensyahan ang korte na maging "guilty" ang hatol sa akusado.

Back then, while everything was still going on, her mother didn't know about any of it. Nalaman lang nito ang totoong nangyari ilang taon na ang nakakalipas, ilang buwan bago ito ma-stroke nang aksidenteng marinig nitong mag-usap tungkol roon ang lolo niya at ang tito niya, her father's father and her father's younger brother, respectively.

Ngayon nagbabakasakali siyang matagpuan ang hinahanap sa Los Chavez.

Ever Darkest | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon