Adrienne

299 11 0
                                    

Hic est diablo.
(The devil is here)

Hindi na alam ni Adrienne kung nasaan ang eksaktong lokasyon niya. Napapaligiran siya ng mga talahib na lampas pa sa kanyang ulo ang taas. Buong gabi na siyang lakad-takbo. Pakiramdam niya ay mapupunit na ang balat niya sa talampakan.

Hindi niya sigurado kung ligtas na ba siya. Siguro naman sa layo nang tinawid niya ay hindi na siya maaabutan ng mga kaaway. Ngunit ayaw pa rin niyang magpakakampante.

Siya lang ang nakaligtas sa massacre ng pamilya niya. Ang mga magulang niya ay napatay at nasama sa pagsunog ng bahay nila ang mga bangkay ng mga ito. Ang may kagagawan: ang mga kapwa nila parishoners sa Church of Elohim.

Ang papa niya ay naging target dahil isiniwalat nito ang kurapsyon na nagaganap sa loob ng simbahan. Dahil roon ay nalagay sa alanganin ang reputasyon ng televangelist na founder ng Church of Elohim, si Brother Bong.

Her family was shunned by the devout members of the church. Ang tingin ng mga ito sa kanila ay mga sinungaling. May isa pa ngang tumawag sa kanila na sugo ng demonyo. They were seen as blasphemers.

Pero alam niyang hindi sinungaling ang papa niya. Sadyang bulag lang sa katotohanan ang mga tagasimbahan. Handang maniwala ang mga ito sa anumang sasabihin ng leader nila. The people were already brainwashed. Hindi na Diyos ang sinasamba ng mga ito, tao na.

That's when she realized that religion serves man, not God. Kung sino man ang may kapangyarihan, siya ang nagiging diyos. At dahil maraming mga taong gahaman sa kapangyarihan, marami na ring sumusulpot na mga simbahan. Every one of the churches claim to be the one true religion.

Kaya sa mundong ito, kailangang mag-ingat. Dahil ang mga lobo nagbabalat-kayo bilang mga tupa. Laganap na ang mga huwad na propeta.

Hindi mo na alam kung sino ba talaga ang sinasamba mo. Baka sa huli, malaman mo na lang na sa demonyo mo na pala naipangako ang kaluluwa mo.

Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang kubo. Naisipan niyang kunin muna ang mga suot ng mga panakot sa palayan para maiba ang kanyang hitsura at hindi siya madaling matukoy ng mga kaaway. Matapos iyon ay lumapit siya sa kubo at nang makita niya na wala pang gising na tao roon ay hinugot niya ang pangtaga na nakabaon sa isang pinutol na kahoy. Gamit iyon ay ginupit niya ang mahabang buhok.

Nang makapagligpit ay naglakad na siya patungo sa main road. Pinara niya ang isang truck.

"Sa'n ang punta mo, noy?" tanong ng medyo may edad ng babae na katabi ng driver.

"S-Sa Frontera po," sagot niya, sinadyang palalimin ang boses. May isa siyang kamag-anak na nasa Frontera. Baka doon ay makahingi siya ng tulong.

"Gano'n ba? Doon rin ang punta namin. O s'ya, sumakay ka na," pagpayag nito.

She hopped in the back of the car. Mga basket na puno ng gulay at prutas ang naroon. Pumuwesto na siya. Nakadikit ang likod niya sa salamin na naghihiwalay sa kanya sa may edad na lalaking driver at kasama nitong may edad na babae.

Tahimik lang niyang pinagmasdan ang mga dinadaanan nila. Sa magkabilang banda ay ang walang hanggan na mga palayan. Ang araw ay  nagsisimula pa lang sumilip mula sa mga ulap. Nililipad ng malamig na hangin ang damit niya.

Hapong-hapo na siya. But she didn't want to let her guard down. Takot siyang anumang oras ay mahabol siya ng mga papatay sa kanya.

Ang alam niya ay ilang oras ang layo ng Frontera sa bayan niya. Nahuli ng mga mata niya ang isang sign na may nakalagay kung ilang kilometro pa ang layo ng Los Chavez, Frontera, at Torrevieja.

Napagtanto niyang nasa Puerto Real na pala siya. Iyon ang ikatlong bayan mula sa kanila. Biruin mo, inabot na siya roon sa kakatakbo.

Iba pala talaga kapag nalagay sa panganib ang buhay mo. Magagawa mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya.

Ilang sandali pa ay hindi na niya nakaya ang bigat ng talukap ng mga mata niya. Tuluyan na siyang nakaidlip.

Ever Darkest | ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon