Kasagsagan ng bagyo nun. at katatapos lang kami sermunan ng spiritual mother namin. Habang nagagalit siya. I felt something na ayaw kong maramdaman.
Pag-alis niya, lumabas ako. Bigla akong napasigaw,
“AYOKO NA!” kasabay nun yung pag-iyak ko. Sumbsob ako sa may desk habang nakatakip yung kamay ko sa mata ko. Tapos, lumapit sakin yung adviser ko na may third-eye.
Narinig kong sabi niya,
“PAG-PASOK KO, KINILABUTAN AKO.” Tapos hinagod hagod niya yung likod ko, tas pumasok yung spiritual mother ko.
Lumabas kami tapos tinanong niya ako kung anong nangyari.
“Mam, habang nagagalit po.. yung anino niyo.. lumabas po siya galing sa paa niyo.. tapos, nagreflect sa blackboard.. Mam.. may sungay yung anino niyo..”
Pagkatapos nun, nag-pray kami. Pero habang nagppray kami. May naririnig kaming “PSSSST! HAHAHAHA!”
Sa tingin niyo, sino yung tumawa?