W H I T E

70 0 0
                                    

Nagdadrafting kami nun nung niyaya ako ng kaklase kong samahan siya mag-CR. Then dun kami dumaan sa hagdan ng 4th year. dalawa kasi yung hagdan sa school namin. Isang hagdan papuntang fourth year at isang hagdan naman sa kaliwa na papunta direkta sa CR ng Girls.

Night shift ako nun, so madilim na. Kaya mas pinili naming dumaan sa hagdan ng Fourth Year.

Nung nasa CR na kami ng girls, nagpaalam ako sa kaklase ko na maghuhugas lang ng kamay sa lababo.

Kaso, yung lababo is nasa CR ng Boys. E yung CR ng boys is napaka dilim na. So nilakasan ko nalang loob ko.

Nung nasa sink na ako at kasalukuyang naghuhugas ng kamay, may napansin akong puting damit na pumasok sa loob ng butas sa bandang kaliwa ng sink.

Yung butas na yun is hindi kasya ang isang bata. Tanging pusa lamang ang pwedeng dumaan don. At Wala naman sigurong magtatangkang lumusot don dahil saktong paglusot mo ay ang babagsakan mo is yung Ilog.

Binalewala ko lang yung puting damit na nakita ko non tapos umakyat na ako dun sa hagdan na direkta na sa CR ng girls.

Pero ang malupit dun..

nung paakyat na ako, wala na yung kaklase ko. At ang mas nakakagimbal dun is nasa CR pa din ako ng boys.. Nakatapat ako sa sink.. pero nakikita ko sa left side ng mata ko na may unti-unting lumalabas sa butas na yun.

Tae. hindi ako makagalaw that time. Buti nalang, dumating yung kaklase ko saka sinabi.

"Uy Jha, anong ginagawa mo dyan? Tagal mo ah."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Like-A-Ghost Story LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon