WATCH OUT! Gonna TAG you.

47 4 19
                                    

Omg.Haha. Okay. @sacchariferousdream gotcha. Challenge accepted. Hahahah.

Okay guys. The 20 facts about meeeey.Chaaaar XD

1.Ang password ko sa twitter ko ay ang fullname ng EX ko.Ginawa ko kasi yung twitter ko 3 yrs ago. Many times ko na din in-attempt na baguhin eh lagi akong nakakafeel ng katamaran kaya hanggang ngayon hinayaan ko nalang.

2.Fan na Fan ako ni Miley Cyrus. Ewan ko ba. Yung gusto ko may bad girl image.As in dumating sa point noong highschool ako  na lahat nalang si Miley.Si Miley ang wallpaper ko,sa fb siya na ang profile pic ko siya pa ang cover ko.Ang gamit ko din lahat na may picture siya kung kaya ng allowance  ko binibili ko.Siguro halos lahat na video niya sa youtube nakita ko na at kapag may nababasa ako na mga masasakit against sa kanya nasasaktan ako as in,daig ko pa ata si Miley maapektuhan.Hahahah. Mga 75% percent ng songs ko sa cp sa kanya.Hanggang ngayon baliw na baliw parin ako sa kanya pero nakokontrol ko na. Hahahahaha

3.Nababaliw ako sa shoes.Ngayon mga chipipay palang muna ang nabibili ko kasi di nila ako binibigyan ng pambili kasi la naman daw kwenta. Okay.Hahaha Pero sa akin napakaimportante kaya pinag-iipunan ko.Sa totoo lang nga mas madami shoes ko compare sa pants ko at bra. Hahahahaha.

4.Takot na takot na takot na takot ako sa PATAY at sa lahat na gumagapang.Bakit takot ako sa patay? Kasi once na tumingin ako daig ko pa ang namatayan kasi ang tagal nian mabura sa isip ko at tuwing pipikit ako,yung imahe ng patay ang nakikita ko.Bakit ako takot sa mga gumagapang lalo na sa ahas at bulate? Kasi naman parang  mamamatay ako pag nakakakita ng mga ganyan.Kaya ayaw ko sa gumagapang.Noong grade 5 nga ako tinakot ako ng kapatid ko at ni mama ng bulate halos mamamatay na ako sa takot,grabe ang iyak ko noon tapos nangisay pa ako.Promise 'yan. Sabi nga ng mga highschool friends ko paano daw kung mag asawa na ako tapos gumapang daw,ano daw gagawin ko.Wala ako sinagot sa kanila kasi di ko alam. Hahahahaha Ngayon naiisip ko yan natatawa ako kasi seneryoso ko talaga ang joke nila kasi pinaglaanan ko pa dati ng oras ang tanong nila. Hahahaha. Baliw ako.

5.Masayahin ako.Kaya tinatawanan nila ang tawa ko kasi nakakahawa daw at nakakatawa.

6.Noong grade 1-6 ako ang talino ko sa Math,lagi pa nga ako contestant dati sa MTOP.Pero noong nag HS ako at ngayong college ako,sinumpa ko na ang bumuo ng mga formulas o mga equations chuhu chuchu ng math.

7.Ang hilig ko sa cap. Meron ata akong 9 or 10. May paborito akong isa or siguro mas mahal ko kasi noong 4th year ako.Surprise gift ng boys sa akin ang Batman na cap tapos may burda ng Section namin. Kaya mahal na mahal ko yun. Hahaha

8.Mahilig ako kumain.Lahat ng pwede makain,kakainin ko yan. Kaya chubby ako.Hahaha lels.

9.I am frustrated singer,dancer at biker.

10.May takot ako pag nakarinig ako ng tunog ng napakabilis ng takbo ng motor.Kaya pag may nagaalok sa akin na sumakay ako sa motor nagagalit ako pwera sa dalawa kong kuya. Kahit friend pa kita di talaga ako papayag na sasakay ako.

11.Namatayan ako ng crush.Feeling ko nga noon nababaliw na ako,kasi siya nalang lagi ang naiisip ko.Mga 1 wk din ako nun umiyak.Nakakatawa ngayong college lang yan nangyare sa akin.Sabi ko nga takot ako sa patay kaya ngayon takot na ako sa kanya at never ko yun sinilip sa kabaong niya.Hahaha. Ang weird ko no.

12.Isa pa lang naging boyfriend ko.Noong 3rd year ako.3 months lang kami nun,ako yung nakipagbreak may experience na kasi siya sa S**. Hahahah sorry naman natakot kasi ako baka ako ang isunod niya. Hahahaha.Heto pa,noong pinakilala niya ako sa mama niya,tumakbo ako.Kamukha ng Mama niya ang Mama ko at nahiya at natakot din ako. Hahahah natatawa nalang ako sa sarili ko ka  pag naiisip ko ang mga nagawa ko dati.

13.Mahilig din pala ako magsuot ng anklet at rosary bracelet.

14.Grade 6 ako ang mga naging payong kung mahaba.Haha di ko kasi alam kung ano tawag.Yung 3 naiwan sa tricycle,yung 2 naiwan sa classroom tapos yung 1 na colorwheel pa nga design nun nawala nalang. So,6 pala nawala ko dati.Kaya lagi akong may premyong sermon.

15.May kaaway ako ng grade 6 ako. Kabarkada ng mga kuya ko hanggang ngayon di kami bati.

16.Gusto ko na inaamoy ko ang kili kili ko lalo na kung pawisan ako.Hahahaha

17.May medyo sungki akong ngipin sa taas na part kaya sa buong buhay ko 3 lang  ata ang pic ko na nakangiti ako.Hahaha

18.Sa buong buhay ko,12 times palang ako na make-up-an. Lahat lang yan big event ng buhay ko kaya napipilitan ako magpaayos.

19.Adik ako sa Vicks. Sa isang taon naka 3-5 ako.Napapagalitan nga ako kasi nakatuyo daw sa utak.Eh patuloy parin ako.

20.Gustong gustong gusto ko ang color RED. Hindi ako magpapaha kung di pula,pati mga tali ko dapat red yan.Nagmumukha na akong dugo.Hahahah

Ayan na. Hahahah napaisip ako kung sino ako. hahahaha

Ahm. Sa lahat ng itatag ko sa baba. I dare you guys, to do the same.

-Maldzalltheway

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WATCH OUT! Gonna TAG you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon