Chapter Three

5.2K 197 191
                                    

This chapter is dedicated to staana_esmie . Thank you for being active on comment section! Palagi ko na tuloy inaabangan mga comments mo every chapter. :")

__


#CYECChapter3


DON'T fall asleep, Ciem.

I kept saying that to myself every time. I kept thinking about all the things that can make me stay up.

"You should sleep," Hope said.

I glanced at him. He's sitting on a couch on the side of my bed with his legs crossed.

"I should not," I replied.

"Why? I love sleeping. It's all I need. Lahat naman tayo 'yon ang kailangan."

"But not me."

"Bakit nga?" tanong niya ulit.

Hindi ko siya sinagot at ibinalik ko lang sa kisame ang paningin ko. Hindi ko pinapatay 'yong ilaw sa kuwarto ko para hindi ako antukin.

Ramdam ko pa ang alak sa sistema ko, pero hindi sapat para patulugin ako. Marami akong nainom kanina pero mas nangingibabaw pa rin 'yong nakatanim sa isip ko na ayaw kong matulog.

"Tell me a story, Ciem. Para 'di ka makatulog," he suggested.

Tumagilid ako ng higa para humarap sa kanya. "Where do I start?"

"Ikaw bahala," sagot niya.

Nag-isip ako ng puwede kong ikuwento sa kanya pero wala talagang pumapasok sa isip ko. "Magtanong ka na lang. Sasagutin ko."

"Okay," sambit niya at saka nag-isip ng puwedeng itanong sa 'kin.

"Why do you trust me? I mean . . . I'm a guy, and you don't really know me. Bakit sinama mo 'ko dito sa bahay mo? Hindi ka naman nakasisigurado kung mabuti akong tao," tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napaangat ang kilay ko. "Why? Are you a bad guy?"

He laughed. "Don't answer me with another question."

I shrugged nonchalantly. "I was too desperate, and nagkataon na nando'n ka no'ng mga oras na 'yon. If you think you're special? You're absolutely not."

"Why are you so scared to fall asleep?"

Natahimik ako dahil sa tanong niya at napayukom ang kamao ko sa 'di malamang dahilan.

Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko bang sagutin ang tanong niya, pero dahil hindi naman kami talagang magkakilala, baka mas okay nga na magkuwento ako sa kanya. Wala naman sigurong mawawala sa 'kin.

"Two years ago, after my parents died, I started having nightmares. Those nightmares felt so real. May mga araw na gumigising ako tapos may mga sugat talaga ako sa katawan. Sabi ko sa sarili ko, nanaginip lang naman ako pero bakit gumising akong may mga galos? Saan galing ang mga sugat ko?" panimula ko.

Hindi siya umimik at nanatiling nakikinig lang sa 'kin.

"I was sweating, and having trouble with breathing when I think about sleeping. I could always feel the tightness of my chest every time I think about falling asleep. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa 'kin."

Habang nagkukuwento ako sa kanya ay naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko pati ang pagtulo ng pawis ko.

Nang mapansin niya iyon ay agad siyang tumayo at lumapit sa 'kin.

He flashed me a worried look. "Hey, you don't have to force yourself to talk about it. I'm sorry," he said, lightly rubbing my shoulder.

I just gave him a half smile and gestured him to sit beside me, so he did.

Close Your Eyes, CiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon