Chapter Six

4.2K 173 79
                                    

#CYECChapter6


NAPATAAS ang kilay ko nang makita ko kung paanong matamis na ngumiti 'yong nanay ni Hope habang nakikipag-usap kay Chas. Nagagawa niya pa talagang ngumiti pagkatapos kong mapatunayan na sinungaling siya?

"Hey . . ."

Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong si Hope pala ang tumawag sa 'kin.

"Yeah?" tinatamad kong sabi.

"I'm really sorry for how she acted earlier. I promise you, she'd never do that again," mahinahon niyang sabi sa 'kin.

Napabuntonghininga ako. Siguro ay may dahilan kung bakit gano'n ang nanay niya, at sa palagay ko ay wala ako sa lugar para husgahan siya. Mabigat man sa loob ko, tumango lang ako bilang tugon. Ayaw ko na rin kasing palakihin pa 'yong issue.

"Hope, ang bait pala ng mom mo." Sabay kaming napalingon ni Hope kay Chas na biglang lumapit sa kanya at binigyan kami pareho ng malapad na ngiti.

Oo, sa 'yo mabait. Sa 'kin hindi.

Mapakla akong napangiti.

Bumaling sa 'kin si Hope. "Thanks, Ciem," huling sabi niya sa 'kin bago niya itinuon kay Chas ang buong atensyon niya.

"Sila na ba?"

Gulat akong napalingon sa likuran ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Sandro.

"Malay ko. Bakit sa 'kin mo tinatanong?" taas kilay kong sabi.

"'Di ba nagkukuwento si Hope sa 'yo?"

Mapakla ko siyang tiningnan. "Hindi. Bakit naman siya magkukuwento sa 'kin?"

"Wala lang. I was expecting him to inform you about them lalo na't ikaw 'yong naging tulay nilang dalawa."

"Tulay talaga? Grabe ha."

"Bakit? Hindi ba?"

I rolled my eyes. "I'm working, Sandro. You're distracting me," madiin kong sabi saka ako lumabas ng counter para asikasuhin 'yong huling mga customer na kadarating lang. Buti umabot pa sila. Malapit na rin kasi kaming magsara dahil anong oras na.

Dahil naging abala ako sa trabaho, hindi ko namalayang nauna na pala si Chas na umalis dahil kakain daw siya kasama sina Hope at 'yong nanay ni Hope sabi ni Sandro.

Mukhang nagkakamabutihan na nga talaga sila.

Nagkibitbalikat na lang ako at sumabay kay Sandro pumunta ng Buono para mag-take out ng hapunan ko.

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay ginawa kong abala ang sarili ko. Nilatag ko sa mesa lahat ng pagkaing binili ko saka ako nanood ng movie. Comedy lahat ng pinanood ko para magising 'yong katawang lupa ko kakatawa. Gano'n lang ang ginawa ko sa loob ng ilang oras, at nang mapatingin ako sa orasan ay napabuntonghininga ako nang mapansin kong 2AM na pala. Unti-unti na akong nakakaramdam ng antok kaya naman nag-play pa ulit ako ng isa pang movie.

Panay lang ang tawa ko habang nanonood, pero habang nasa kalagitnaan ako ng panonood ay naramdaman ko na lang ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

Antok na antok na ako. Pagod na pagod na 'yong katawan ko. Sa sobrang pagod ko ay talagang naluha na lang ako. Gustong-gusto ko nang magpahinga pero ayaw kong matulog. Hindi ako puwedeng makatulog.

Parang bata kong niyakap ang mga tuhod ko habang nanonood ako ng TV. Nakakatawa 'yong pinapanood ko pero heto ako, panay ang hikbi kakaiyak.

Wala sa sarili kong kinuha 'yong phone kong nakalapag sa mesa at akmang tatawagan na sana si Hope pero pinigilan ko ang sarili ko.

Close Your Eyes, CiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon