PROLOGUE

59 5 2
                                    

Di ako mapakali kakahanap ng diary ko.

'Shit! Andito lang yun kanina eh!'

Hinanap ko na loob ng room pero wala parin.

'Asan na ba yun? Pag may nakabasa talaga nun ay tiyak na kahihiyan ko yun!'

"Uy Glaire anong nangyari sayo? Kanina ka pa di mapakali."sabi ni Dea.

"Nawawala yung diary ko! Huhuhu!"sabi ko.

"Naku diary lang yun hayaan mo na bili ka nalang ng bago."sabi nito.

"Bago? Eh paano yun! Boung talambuhay ko na yung nakasulat dun!"sabi ko.

"Tulungan nalang kitang maghanap."sabi nito.

"Paano yun? Punong puno ng kahihiyan yun eh."sabi ko.

Habang nag uusap kami ni Dea ay tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nagtext.

Unknown: 09*********

'Miss hinahanap mo ba yung diary mo?'

Me:09*********

'Asan po? Please!'

Unknown: 09*********

'Nasa loob ng bag mo naka ipit sa libro mo na kulay green.'

Agad agad kong hinalughog ang bag ko at hinanap at nakita ko ang diary ko.

'Whaaaaaa! Buti nalang nakita na kita'

Nag vibrate ulit ang phone ko.

Unknown: 09*********

'Ang cute mo Miss. Nakakatawa rin ang mga nakasulat sa diary mo.'

Agad akong nag blush sa tinext nya pero biglang nagbago ang mood ko.

'Whaaaaat! Binasa nya ang diary ko!?'

Unknown: 09*********

'Napakabipolar mo Miss.'

'Napaka amazona mo rin minsan.'

Me: 09*********

'Sino ka ba? Alam mo ba yung ibig sabihin ng privacy? Wag mong sabihing stalker ka! Kung sino ka man huhuntingin kita.'

Napalinga linga ako sa loob ng room ngunit lahat sila ay may kanya kanyang pinag gagagawa sa buhay nila.

Unknown: 09*********

'Kahit di mo na ako huntingin dahil matagal mo ng nabihag ang aking puso'

'Nababaliw na ba sya? Di ko nga sya kilala eh!'

Me: 09*********

'Pwede ba! Tigilan mo na ako! Di kita kilala kaya wag mo na akong itetext pa!'

Unknown: 09*********

'Then let's make a deal! Titigilan kita at ipagkakalat ang laman ng diary mo o di ko ipagkakalat pero tayo na.'

Me: 09*********

'Wala sa nabanggit! Kung wala kang magawa sa buhay mo eh wag mo kong pagtripan!'

Unknown: 09*********

'Edi ako nalang ang pipili! I think both nalang!'

Me: 09*********

'Punyeta ka! Wag mo kong igaya sayo! Baliw ka na kaya please tigilan mo na ako!'

Messages failed!

'Shit! Ubos na yung load ko! Kainis!'

Binato ko ang cellphone ko kung saan at wala na akong paki kung may natamaan man!

DiaryWhere stories live. Discover now