CHAPTER 4

26 3 0
                                    

  GLAIRE POV 

 Naalimpungatan ako ng may narinig akong isang ringtone. Napansin kong nagvavibrate ang cellphone ni Dea kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

[ "DEATH!? Nasaan ka ba Death! Di kita pinalaking bastos na bata ka! Bakit mo naman sinigawan at iniwan yung fiancee mo? Pag nalaman kong dahil sa malandi at gold digger mong kaibigan yan. Itatakwil na talaga kita! Tutal si Khaizer matino sa inyong dalawa. Naiintindihan mo! Napaka walangkwenta mo talaga bata ka! Yan na nga lang pinapagawa ko di mo pa magawa! Pinag-aaral pa naman kita Death para di lumaking stupido!" ]

'Sinong Khaizer?'

Pinatay na nito ang tawag. Napa-iyak nalang ako sa aking narinig at di na nakapagsalita pa. Di ko alam na nahihirapan na sya dahil saken. Idenelete ko nalang ang tawag sa cellphone ni Dea at ibinalik ito sa kanyang bulsa. Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa salamin kung halatang umiyak ba ako.

"Dea! Uyyyy!"sabi ko at pinagtatapik ko.

"Hhmmmm."tanging tugon nya.

"Tara na Dea malalate na tayo sa iba nating subject."sabi ko. 

"Late lang walang tayo. ARAY! Ano ba. Bakit ka ba nambabatok?"sabi nya.

"Bagay lang yan sayo! Puro ka kalokohan. Tara na!"sabi ko.

"Oo na wait lang."sabi nya.

"Kahit kelan ang bagal mo talaga!"inis kong sabi.

"At least gwapo."komento nya.

'Ang taas ng self confidence. Grabe! Mas mataas pa sa building ah.'

"Dalian mo na nga lang! Dumadaldal ka nanaman."sabi ko.

"Kung di kita dinaldal edi wala kang kaibigang gwapo ngayon."sabi nya at inakbayan ako. 

'Psssh! Ang hangin grabe.' 

"Tatanggalin mo yang pagkaka-akbay mo o babaliin ko yang braso mo!"inis kong sabi at tinitigan sya ng masama.

"Easy. Chill. Magaling ka na nga."sabi nya at tinanggal ang pagkaka-akbay at napakamot sa ulo.

"Sus! Sabihin mo crush mo lang ako ei!"pang-aasar ko.

Namula naman sya ngunit sumeryoso ang mukha nya.

"Mahiya ka nga Glaire! Grabe ang hangin mo. Ako? Magkakagusto sayo? No! No! No! No! Ang panget mo kaya para namang mababa standard ko sa mga babae. Amazona kapa, isip-bata, matakaw at higit sa lahat sinauna. Anong magugustuhan ko sayo? Kapatid na kita Glaire kaya di ko hahayaang may mangyaring masama sayo."sabi nya.

'Natahimik na lang ako sa sinabi nya. Siguro nga tama sya. Sino bang magkakagusto sa tulad ko? Isa lang naman akong Villafuerte ei. Amazona, isip-bata, panget, matakaw, emo at sinauna. Kailan ba ko nagkaroon ng pake? Naku Thyra Glaire hibang ka na talaga.'

Tahimik lamang akong sumakay sa passenger seat ng kotse nya. Habang bumabiyahe napansin kong ibang daan ang dinadaan namin ni Dea.

"Hoy Dea! Saan tayo pupunta? May klase pa tayo. Lagot ka talaga saken."sabi ko.

"Don't worry alam ni Tito na di ka papasok tsaka di naman masungit yung si Mrs. Villafuerte. Akala ko nga kamag-anak mo ei."sabi nya.

'Pasalamat talaga at mabait si Tita at okay lang sa kanya yung ganito kung hindi. Naku! Mabubugbog ko talaga toh! Buti nalang at mabait ako minsan.'

"Abusado ka rin naman! Naku pag tayo pinagalitan ng Dean ng school patay talaga tayo neto."sabi ko."Don't worry. Sigurado akong malakas ang kapit ko dun sa Dean. Stock holder kaya si Dad."pagmamayabang nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DiaryWhere stories live. Discover now