CHAPTER 1

34 3 0
                                    


RYLE POV

Nabigla naman si Ryle ng makitang nahimatay si Glaire sa harapan nya. Di nya alam ang gagawin pati sya ay nagpapanic na rin.

'Anong gagawin ko?'

"Anong nangyari kay Glaire?"tanong ni Dea.

'Malay ko ba!'

"Di ko nga rin alam bigla nalang syang nahimatay sa harap ko."sabi ko.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Baka may masamang mangyayari kay Glaire."sigaw ni Dea.

'Anong pinagsasabi nya?'

"What do you mean? Bat pa ambulansya eii may clinic naman."tanong ko.

"Aba'y gag* ka pala eh! Nahimatay diba! San dadalhin yan eh sarado yung clinic!"galit nyang sabi.

"Andito na po yung ambulansya."sabi ng estudyante.

"Ano pang tinutungatunganga mo dyan? Dalhin mo yung bestfriend ko doon sa ambulansya! Ang bagal!"sabi nya.

'As in wow! Ano tingin nya saken utusan?'

"Ano pang tinitingin tingin mo?"dagdag nya pa.

Binuhat ko si Glaire papunta ng ambulansya at sumabay na ako sa ambulansya para may kasama sa hospital si Glaire. Habang nasa biyahe nakita kong may naka sunod na kotse sa amin at sa pagkaka alam ko kotse yun ni Dea. Agad naman syang sinugod sa Emergency Room.

"Pwede ka ng umalis Ryle! Tapos na ang pagpapakabayani mo!"cold nyang sabi.

"Sino ka naman para utusan ako?"inis kong sabi.

"Ako? I'm Glaire bestfriend at wag na wag ka ng lalapit pa sa kanya."cold nyang sabi.

"You're just her bestfriend and I'm her boyfriend. Ikaw dapat ang umalis!"sabi ko rito.

"You're just a boy I'm the best! So anong palag mo?"sabi nya.

'The heck!'

"Shut up! You're just a friend so better back off!"sabi ko.

"Pano kung ayaw ko? As I know hospital ko ang tinatapakan mo at pwede kitang ipa ban kahit kelan ko gusto."nakangisi nyang sabi.

'He's getting in to my nerves!'

Wala na kong nagawa kundi ang umalis nalang ng hospital ng hindi nalalaman ang lagay ni Glaire.

DEATH POV

Buti naman at lumayas na yung walang kwentang lalaking yun! At dahil sa dakila syang assumero ng taon eh prinoklama nya na sya daw yung Ryle na nakasulat sa diary ni Glaire! Alam ng lahat na may pagtingin si Ryle kay Glaire pero dahil sa pagiging childish na amazona nun wala syang pake sa paligid nya.

"Doc kamusta na po yung kaibigan ko?"tanong ko sa doktor.

"Hijo sa susunod naman ay mag ingat kayo! Mamaya nyan eh imbis na sinusunod mo yung payo ko eh binabalewa mo lang! Naku hijo kung ako sayo wag mong ipagsa walang bahala yung paalala ko sayo."sabi ng doktor.

Tama kayo ng pagkakabasa lalaki ako. Dea is just a nickname na bigay nya saken. My whole name is Death Ryle Grey or Dea for short pero si Glaire lang ang may karapatang tumawag saken ng ganun! How dare them! Wag nilang subukan na landiin ako kung ayaw nilang makilala kung sino ang nilalandi nila.

Pumunta ako sa kwarto ni Glaire. Ngayon ay mahimbing ang tulog nito. Napaka amo ng mukha nya di mo aakalaing amazona sya.

"Uy Glaire gumising ka na! Kainis ka! Namiss agad kita! Lalo na yung pagiging amazona mo."sabi ko.

DiaryWhere stories live. Discover now