Chapter 15. A date...

1.6K 46 0
                                    

"Well...? Naiwan mo yata ang kaluluwa mo kay Enzo."

Bigla akong natauhan pagkarinig sa pangalan niya.

"Ha?" wala pa rin sa kasalukuyan ang isip ko.

"Ano, NGA-NGA? Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito, nasa VLV Aviation ka pa ba?" pinanlakihan ako ng mata ni Dove

Damn it!

Why did I ever let him do this to me?

"Anong pinagsasabi mo?" tanggi ko at saka inabala ang sarili ko sa mga folders sa harap ko.

Dove looked straight at me. He crossed his arms at nagde-kuwatro.

"Umamin ka ngang babae ka... Anong nangyari kaninang pinuntahan mo siya?" naniningkit ang mga mata niya.

"Nothing! I just gave him what he wanted para tigilan na niya ako at para matahimik na rin ang buhay ko." sagot ko

Dove didn't answer for a while.

"How do you even know what he wants?"

"It's a date, Enrico. He wants to have a date with me. Tapos! I gave him what he wanted so hopefully, after tomorrow, makakapamuhay na ako nang payapa."

"A date? Really?"

"Yes, Dove. A date."

"Ah... Kaya pala alas-singko na ng hapon, mula pa kaninang umaga yang mga folders sa ibabaw ng lamesa mo. Binuklat mo nga pero sa first page ka pa din hanggang ngayon...yung laway ko nagtalsikan na't lahat, nasa ere pa rin ang isip mo. Next week na ang release natin, alas-singko na, Maria Cristina, time-out na. So date lang pala yan eh bakit walang-wala ka sa wastong huwisyo? Ha?"

Shit! Halata ba?

"Oo, Cheese, halata! Halatang-halata na mula pa kaninang galing ka dun kay Enzo, para ka nang bukid na tuyot."

"Can you please stop saying his name? I'm just so stressed out, okay? Huwag mo ngang gawing issue yang Enzo na yan."

"Stop saying his name kamo eh sinabi mo din pangalan niya. Luh... Stressed out daw eh wala ka namang ginawang iba kundi umupo diyan at tumunganga sa kawalan."

Lord God, just kill me now!

"Uwi na nga tayo!"

"Uwing-uwi ka na rin sa lagay na yan? Or gusto mo lang paghandaan yang date niyo bukas?"

"Dove! Just shut up! Okay? You're killing me!"

"Fine! Sa isang kundisyon..."

"Oh please, Dove, no... For God's sake! I will not let you take charge of my dress."

"Make-up?"

"No.

"Hair?"

"Nope."

"How selfish of you..."

"Stop making this a very big deal, okay? I can handle this. It's just a date."

"Just a date? Kung hindi ka naging si Maria Cristina Andres at naging isa kang modern Cinderella lang, hindi mo masasabing date lang yan, gaga! Enzo is not just any man you can easily have a date with. He's an Elite Man, my goodness!"

"So? I'm not just any woman that Enzo, an Elite Man, can easily have a date with."

"Ugh!"

The Elite Men Empire Series: Enzo's Perfect MatchWhere stories live. Discover now