Ito ay pakinggan habang nagbabasa. :)
Pilak na papel, bote ng alak , candelaria, fuego na posporo, tahimik na kwarto, at mahiwagang alikabok. Para kay Juana, ito ang kompletong sankap tungo sa kaligayahan. Pagkatapos uminom ng alak ay pinailawan ang candelaria gamit ang fuego na posporo. Pumalibot sa kanya ang mahiwagang usok na galing sa sunog na palito, hudyat na magsisimula na sya sa nakagawiang ritwal.
Unti unting nawala ang makapal na hamog na pumapalibot sa paligid at kumislot sa mga mata ni Juana ang dapit hapong liwanag ng araw. Sa di kalayuan nakita ni Juana ang isang konehong may itim at mataas na sombrero na may suot suot na orasang kwintas, wari'y nagmamadali.
"Sandali, Hintay!" sigaw ni Juana.
Dahil sa kyuryosidad, pumasok si Juana sa lupang butas sa ilalim ng puno kung saan pumasok ang koneho nang sa di inaasahan, siya ay nahulog, nabagok sa kung saan, at nawalan ng malay.
Naalimpungatan sa di malamang ingay si Juana at na gulat ng konti dahil nasa harap nya ang koneho.
"Maligayang pagdating sa mundo ng hiwaga!" turan ng koneho habang nakangiti at labas ang dalawang ipin nito sa harap.
Inikot ni Juana ang paningin at siya'y namangha sa kanyang nakita. Mga kumakanta at sumasayaw habang pinipinturahan ng pula ang mga puting rosas, mga puno ng mansanas na hitik sa bunga, lumilipad na mga bagay, nagkikislapang paru paru at mga ibon, nagsasalitang mga hayop at bagay, at magagandang halaman na di pamilyar sa kanyang mata.
"Tayo na, Juana! Mahuhuli na tayo sa kasiyahan!" Turan ng koneho.
Pinaupo ng koneho si Juana sa isang pahabang upuan kasama ng iba pang nagsasalitang nilalang at pinagmasdan ang mga nakahain sa harap ng pahababg lamesa. Puno ito ng mga pagkaing minatamis, kakanin at inuming nakakalasing. Sadyang lahat ay nagkakasiyahan nang dumating ang Amang Hari at ang Inang Reyna ng mga Puso.
Natigil ang lahat at nag bigay pugay nang may bahid ng takot sa kanilang mga mukha. Galit na galit ang Amang Hari at di mawari kung bakit. Habang ang Reyna ay todo pigil sa Haring naghihimutok. Nagsitakbuhan ang lahat, maliban kay Juana habang binubugbog ng Amang Hari ang Inang Reyna.
"Tulungan mo ang Inang Reyna! Patayin ang Hari" Bulong ng Nakangising Pusa.
Nagdilim ang paningin ni Juana, agad syang kumuha ng bote binasag ito, nang maka tyempo ay tumakbo palapit sa Hari at pinag sasaksak ang hari nang labing apat na beses at pagkatapos ay pinuntahan ang Inang Reyna para ito ay tulungan.
"Walang hiya ka! bakit mo sya pinatay!" Bulyaw ng Reyna habang hinahampas sya ng kanyang baston.
"Walang utang na loob ang Reyna! Patayin sya!" Bulong ng Nakangising Pusa.
Kinuha ni Juana ang basag na boteng ginamit sa pagpatay sa Hari at sinaksak nang Labing apat nabeses ang Inang Reyna.
Sandaling naghari ang katahimikan at ilang sandali pa ay nagsilabasan lahat ng mga nilalang upang ipagbunyi ang kabayanihan ni Juana. Siya ay umupong muli sa mahabang upuan at napansing may dalawang tasa ng kape sa kanyang harap.
"Magkape ka muna Juana" sabi ng koneho at masaya niya itong ininom.
Dahil sa pait at init na dulot ng kape ay biglang umikot ang paligid ni Juana at sya ay nawalan ng malay.
Nahimasmasan si Juana at nagising sa pagkaka upo sa lamesa. Tahimik ang paligid. Nakita nya sa lamesa ang dalawang tasang kape na ang isa ay may laman pa. Nagtaka sya kung bakit nasa kusina sya ng kailang bahay. May nasagi ang kanyang mga paa. Nang kanya itong tingnan, labis na nagimbal ang kanyang sistema, nakita nyang walang buhay at tadtad ng saksak ag kanyang ina habang may hawak itong sandok ng sopas sa kaliwa nitong kamay. Agrisibong nilibot nya ang paligid at sa di kalayuan ay naka bulagtang katawan ng kanyang ama ang kanyang nakita na naliligo sa sarili nitong dugo. Dahil sa karimarimarim na imahe, nanumbalik ang lahat ng nangyari sa lupain ng mga hiwaga at siya ay nagising sa kanyang pantasya at ilusyon! Hindi na pinansin ni Juana ang mga natuyong matsa ng dugo sa kanyang punit-punit na damit na siguro'y dulot ng panlalaban ng kanyang mga magulang at dali-dali na syang tumawag ng mga pulis .
Makalipas ang mahigit isang oras, dumating ang mga kapulisan at ikinuwento ni Juana ang lahat ng mga nangyari na ikinagulat ng mga awtoridad. Naaawang pinanuod ng mga kapulisan ang pag iyak ng Juana.
"Laging nasa huli ang pagsisisi, iha" turan ng isang pulis tsaka pinusasan at dinala sa mobile car.
Sa huling sandali ay sinulyapan ni Juana sa malayo ang bankay ng magulang habang ito ay nililigpit ng mga taga S.O.C.O.
"Patawad po." turan ni Juana.
Labis labis ang kanyang pagsisisi dahil sa edad na katorse, si Juana ay nalulong sa ipinagbabawal na DROGA.
BINABASA MO ANG
Ang Paglalakbay ni Juana
Short StoryTuklasin ang kakaibang imahinasyon ni Juana at siya'y samahan sa kanyang paglalakbay tungo sa kanyang kaligayahan Highest Rank Achieved: #1 - Juana #19 - Reyna #19 - wonderland - 3/13/23 #5 - krimen - 6/18/23