Liezel's POV
Sino kaya yung sinasabi nyang dahilan kung bakit umuwi sya dito sa Pilipinas? Hindi kaya may Girlfriend siya dito sa Pilipinas? Di na malabo yun kasi kahit almost 4-years ko siyang di nakita hindi nagbago ang itsura nya, sobrang gwapo pa din nya... kaya sigurado ko masama pa din ang ugali nya tulad ng dati!
"Uy Liezel?'
"H-ha?!" nagulat na naman ako, tss ang dami kasing tanong na nabubuo sa utak ko eh.
"Anong ginagawa mo sa pagkain mo? nilusak mo na oh? pano mo pa makakin yan?" nagtatakang tanong sakin ni Yumi. Nang dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nalulusak na pala ang pagkain ko at naging parang giniling na, giniling pa ulit ito.
"Ah E' kasi Yumi a-ano... busog pa ko." natatarantang sabi ko. "Anong busog ka dyan? kanina lang nagmamadali ka pumunta dito sa Canteen dahil sabi mo gutom ka, wala ka pa naman nakakain ah?"
"Miss are you okay? medyo namumutla ka gusto mo dalin kita sa clinic?" tanong ni lance na kala mo concern. -______- tss..
"Ah di na kailangan.. sige mauna na ko sa inyo." kinuha ko na yung bag ko at nauna na kong umalis sa kanila.
"Oh? nangyare dun?" -- Jasmin
Lance's POV
Okay lang kaya siya? Grabe ang laki na talaga ng pinagbago niya.
RIIIIIIIINGGGGG!!
tumunog na ang bell para sa simula ng klase.
"Time na pala.. nako! tara na Yumi baka ma-late na tayo."
"Sige! Oh Lance mauna na kami ha? see you around."
"O'sige ingat kayo." kinuha na nila ang mga gamit nila at tumakbo na sila palabas ng canteen para pumunta sa kanilang classroom. umalis na rin ako at pumunta na rin ako sa classroom ko.
-------------------------------
Nagsimula na ang klase, malalim pa din ang iniisip ni Liezel halos hindi na nga sya nakikinig sa mga teacher nila. Hanggang sa mag-uwian malalim pa din ang iniisip nya, marami kasing tanong ang bumabagabag sa kanya at hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang nagkita ulit sila ni Lance pagkatapos ng apat na taon.
Liezel's POV
Tsss, 1am na di pa rin ako makatulog!! Kasalanan 'to lahat ni Lance. Kung bakit kasi nagpakita pa siya! Sana hindi na lang siya bumalik!! >________<
Halos wala pa kong tulog pero kailangan ko pumasok..
Nandito na ko sa School namin papasok na ko ng classroom namin, napansin kong kakaiba mga ikinikilos ng mga classmate ko ngayon. ano bang meron?
"Oh! Friend nandito ko na pala ba't ganyan mata mo nakadrugs ka ba?" salubong sakin ni Yumi
"Ay hindi Yumi picture ko lang to, Teka ano bang meron dito? Ang aga aga puro make-up at suklay ang hawak nyo tsaka Yumi nag-effort ka pa talagang mag-kulot? ano to JS?"
"Syempre dapat kailangan talaga maganda ko ngayon noh!"
"Eh bakit nga??" ?______?
"Di mo pa ba alam? Si L---" nahinto ang pagsasalita ni Yumi ng biglang dumating yung teacher namin.
"Okay Class Sit Down." agad naman nagsiupo ang lahat.
Ano kaya nangyayari sa kanila at parang sobrang excited nilang lahat lalo na 'tong mga babaeng to' na parang kinukuryente sa kanauupuan nila. Hay! Ang Weird!!
"Okay class, meet your new classmate, He is Lance Fernandez from US."
O____________________O
"ANOOO?? new classmate pero pano nangyari yon? ang alam ko sa ibang section sya nagtransfer, bakit andito sya?
"Sige Lance maupo ka na, ikaw na bahalang mamili ng uupuan mo."
"Thank You Ma'am." habang naglalakad at naghahanap ng kanyang mauupuan itong dalawang babae sa tabi ko ay kanina pa galawan ng galawan na parang mga kinukuryente at mga abot tenga ang mga ngiti, nagpalinga-linga si Lance na parang may hinahanap at saka ito naupo. hmmm?
"Uy Liezel.. alam mo ba nalaman ko na kaya pala andito ngayon si Lance sa section natin dahil nag-request sya sa Principal para lang malipat dito? Grabe! Sigurado ko kaya nya ginawa yun dahil sakin." pabulong na sabi ni Yumi ^_________^
"Hoy! Yumi mag-tigil ka nga! di mo ba napapansin yung mga tingin ni Lance sakin kahapon? Sigurado may gusto siya sakin, kaya siya nagpalipat dito." sabat ni Jasmin grabe lang ang hahangin ng mga kaibigan ko. Pero ano nga kaya dahilan ni Lance at nagpalipat siya dito? Siguro nagkataon lang... pero bakit kailangan pa nya makipag-usap sa Principal? Tsss! Liezel ano ba nangyayari sayo? Wag ka na nga mag-isip na kahit anong tungkol sa kanya.
Ilang oras lang ay tumunog na ang bell dahil break time na ..
RIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGGG
nagmadaling tumayo si Jasmin at si Yumi sa kanilang mga upuan.
"Oh! san kayo pupunta?" pagpigil ko sa kanila."Yayayain namin si Lance mag-meryenda."
"Ano?! nababaliw na ba kayo? at kailan pa nauso na ang mga babae pa ang nagaaya sa lalaki mag-meryenda?" nakapamewang ako at tinaasan ko sila ng kilay.
"Ngayon lang!?, pwede ba Liezel kung ayaw mo sumama, edi wag! tara na nga Jasmin." umalis na sila at lumapit sila kay Lance. Ano ba nangyayari sa kanila? kasalanan 'to ng Lance na yan, dahil sa kanya lumalayo na sakin ang mga kaibigan ko! kahit kailan talaga wala ng nagawang tama yung Lance na yan!! Lahat na nga ng attensyon ng mga classmate namin nasa kanya na pati ba naman si Jasmin at Yumi? umupo ulit ako sa upuan ko Psh! ayokong sumama sa kanila NAKAKAASAR!! >_________<
"Oh Liezel bakit di ka yata sumama kila Yumi at Jasmin? Kasama nila si Lance ah?" tanong ng isang lalaki sa may gilid ko.
"Troy ikaw pala , Ah K-kasi ano.. busog pa ko kaya di muna ko sumama sa kanila." pagsisinungaling ko. "Ah ganon ba? oh.. sige samahan na lang kita dito." upo sya sa tabi ko. Buti pa 'tong si Troy sobrang bait, gwapo, at matalino.. di tulad ng Lance na yon!!
Lance's POV
Naglalakad kami ngayon nila Yumi at Jasmin papuntang Canteen inaya kasi nila ko na sumabay sa kanilang magmeryende, sumama na ko kasi wala pa naman akong masyadong kilala dito sa school sila pa lang. Napansin ko na parang may kulang, hindi nila kasama si Liezel?.
"Di nyo yata kasama yung isang friend nyo?"
"Sino si Liezel?" -Jasmin
"Ah Oo yun nga."
"Ewan namin dun, ayaw nga sumama samin eh, di ba Gail?"
"Oo , KJ kasi yun eh! hayaan mo na lang sya"
"Ah ok" nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng Canteen. Feeling ko umiiwas lang talaga siya sakin, di bale madami pa namang araw... madami pang pwedeng mangyari...
After 30 minutes ay bumalik na kami sa room, at dun namin naabutan sila Liezel at isang lalaki na nagtatawanan.
"Mukhang masaya pinag-uusapan nyo ha?" pag-eksena ni Yumi na nakapagpahinto sa tawanan nila nung lalaki. "Andyan na pala kayo... nagkukwentuhan lang kami ni Liezel." paliwanag nung lalaki. "Kaya pala ayaw sumama ni Liezel samin.. Now I Know." nangaasar na sabi ni Jasmin.
"Tumigil nga kayong dalawa! kayo nga 'tong nang-iwan dahil--" nahinto ang pagsasalita nya ng makita nya akong nakatayo sa likod ng dalawa nyang kaibigan, tinignan ko sya at nginitian. tas inirapan nya ko.. Problema nya? (______.______)
Itutuloy..
____________________________
