Chapter 17

903 19 0
                                    

©pinaykimchii

Sa mga sumunod na araw naging abala ako sa pag-eensayo kasama ang mga ibang atleta. Madalas akong nasa San Carlos University, doon kasi isinasagawa ang traning ng mga member ng CCAT. All members are so good in swimming, madalas akong pang-hinaan ng loob dahil ako lang yata ang kulang sa training. All their body are firm, iyong akin lang ang hindi. Mabuti nalang nandyan si Coach Louis to cheer me up, palagi siyang nakafocus sakin at palagi niya akong tinuturuan na talaga namang gustong-gusto ko. Ayokong mapag-iwanan ng mga ka-teammates ko. Sampu kaming members ng Cebu Team, iyong pito ay talagang hasa na sa larangang ito at nagkamit na ng ilang parangal. Tatlo kaming bago, iyong dalawa ay talagang may ensayo samantalang ako ay noon pang high school ang huling ensayo. Kaya saming sampu ako ang pinaka-walang laban sakanila, ako iyong mahina at hindi pa hinog. Kaya focus ako kapag pinagtutuunan ako ng pansin ni Coach, dahil gusto kong maging magaling na manlalangoy.

"Tink, uso magpahinga. Baka magka-sprain kana niyan sa balikat, sige ka." Pananakot sakin ni Marvilyn. Iyong isa sa mga bagong members katulad ko.

Natulala ako sa sinabi niya at maya-maya rin ay umahon na ako mula sa pool.

"Nakakahabol kana sa bilis nila Yana, hindi muna kailangan mag-ensayo ng mabuti." Ngiting sabi naman ni Hazel sabay abot sakin ng towel ko.

"Hindi pa sapat 'yon. Gusto kong bumalik 'yung dati kong langoy, masyado pa akong mabagal kumpara sainyo." Sabi ko at naupo sa bench.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o maooffend sa sinabi mo." Sabi ni Marvilyn sabay tawa.

"Humble lang talaga siya, Len." Natatawang sabi ni Hazel.

Napangiti nalang ako. Marvilyn and Hazel are both from Ateneo De Cebu. Parehas silang nirecruit ni Coach Louis at pinuntahan sa school nila para maging bahagi ng team na ito. Mabilis ko rin silang naka-close, they are both nice and friendly. Hindi sila katulad noong mga lumang miyembro na ang tataas ng tingin sakanilang mga sarili, hindi kasi nila kami kinakausap dahil threat ang tingin nila samin. Hindi ko nga alam kung bakit nila iniisip iyon, eh nasa iisang team lang naman kami. Kaya hindi nalang namin sila pinapansin na tatlo, basta kami ay nag eensayo ng mabuti para sa araw ng kompetisyon ay maipanalo namin ito.

Lumapit si Coach Louis samin at sakin agad siya bumaling. May hawak siyang card board, doon niya isinusulat iyong mga time, speed etc namin sa paglangoy.

"Tink, kaunting bilis pa." Bungad niya sakin sabay tingin sa kanyang timer.

"Ilan po, coach?" Tanong ko.

"Eight minutes and five seconds. Five lapse." Aniya.

Nadissapoint ako sa nadinig ko, kulang pa lahat ng ineensayo ko. Masyadong matagal ang paglangoy ko, hindi panlaban! Baka ako pa ang magcause ng pagkatalo ng Team Cebu.

"Well coach, that's not bad for a beginner like her." Sabat ng nakangiting si Hazel.

"True! Two weeks pa lang naman nang magsimula tayong mag-training pero namiminimize niya na ang dapat na oras niya." Segunda pa ni Marvilyn.

Umagree naman si Coach. "Yeah. But you need to put more effort, Tinkerbell." Tumango ako sa sinabi niya.

"Yes, coach." Saad ko.

"Alright. Puwede na kayong umuwi." Anunsyo niya kaya napasigaw sa tuwa ang dalawa.

"Kain tayo sa labas?" Tanong ni Marvilyn.

Umiling ako. "Pass ako. Kailangan kong pumuntang school." Sabi ko.

"Na naman? Ilang beses mo na kaming tinatanggihan." Nagtatampong sabi ni Marvilyn.

I'm only just your TinkerbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon