Chapter 19

885 19 1
                                    

©pinaykimchii

Dumating ang umaga na kailangan na ni Tita Ara na umuwi sa Panay, nalulungkot ako dahil saglit na araw lang ang kanyang pagbisita niya dito samin. Hindi ko alam kung kailan ulit siya babalik. Feeling ko tuloy, bukod sa kay mommy at kina Peter ay mawawalan ako ng isa pang kakampi against daddy.

Ang daddy kasi ang maghahatid sakanya papuntang terminal. Ang alam ko ay hindi na siya maihahatid hanggang Panay dahil mahigit anim na oras ang biyahe kaya magcocommute nalang siya. Hindi na kasi siya nakapagpa-book sa grab dahil tinamad daw siya, she wants to try commuting with bus.

"I will be back soon, Tink. Kuya Allan loves you so much. Please, understand him. Pumasyal kayo sa Panay, ok? Aalis na ako!" Aniya sabay halik at yakap sakin bago siya sumakay sa sasakyan ni daddy.

Hindi ko alam kung bakit ayun ang sinabi niya sakin. Parang kagabi lang ay hindi niya maintindihan ang desisyon ng daddy para sakin, pero ngayon she want me to understand my dad. Pero makakaasa siya, iintindihin ko si daddy pero ipagpapatuloy ko ito dahil nasimulan ko na.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagte-training. Si Coach Louis ay nakatuon sakin, dahil pabago-bago ang speed ko sa paglangoy at hindi consistent kaya pati weekends ay nagte-training ako. Kinain na ng pagte-training ko ang oras ko sa school, hindi na ako masyadong nakakapasok sa mga klase dahil dito. Sinigurado naman ni Coach Louis na sila na ang bahala sa study ko kaya naman ay hindi ko na masyado iyon inisip.

"Go, go, go! Tink. Make it faster! Habol pa.." Si coach habang nakikipag karera ako kay Yana at Ella sa pag langoy.

Hingal na hingal akong nag tanggal ng goggles para makita kung nakahabol ba ako o hindi pero mukhang hindi na naman. Nakita ko ang disappointed look ni coach sakin. Umiling siya habang nakatingin sa kanyang timer.

"Okay lang 'yan, Tinkerbell! Ensayo ulit tayo, tatlong lapse kaya pa ba?" Aniya.

Tumango ako at isinuot muli ang goggles sa mata. Paulit-ulit na routine lang ang ginagawa ko sa mga sumunod na araw. Mabuti nalang at namiminimize ko na ang bilis ko pero hindi parin ganoon kabilis katulad nang kina Yana.

"Coach! Give her a break." Sabi ni Hazel matapos akong abutan ng towel.

Tinignan ako ni coach at tinanguan.

"Sige. Nice one, Tink. Mukhang bumabalik na ang dati mong langoy. Kaunti pa, mahahabol mo na ang bilis ng mga luma." Aniya ng nakangisi isang araw ng mapansin niya ang improvement ko.

Ngumiti ako. "Salamat, coach. Magaling ka magturo."

Tumawa siya. "Masipag ka kasing turuan." Binalingan niya rin sina Marvilyn at Hazel. "Good job din sainyong dalawa, ipagpatuloy niyo lang 'yan at siguradong mananalo tayo sa kompetisyon."

"Sigurado na 'yun!" Kumpyansang sabi ni Marvilyn.

"Tink! May tumawag sayo kanina." Nilingon ko si Terrence.

"Sino?" Tanong ko habang kinakalkal ko ang cellphone sa loob ng aking bag.

"Si Peter. Nasa pool ka kaya sinagot ko na, tawag ng tawag eh." Aniya.

Bumaling muna ako kay Terrence bago sa aking cellphone. Naka limang missed calls siya sakin bago sinagot ni Terrence ang pang anim na tawag.

"A-no daw sabi?" Medyo kinakabahan kong tanong habang nagta-type ng kung anong pwedeng idahilan kay Peter.

"Hindi naman siya sumagot eh. Pinatayan lang ako! Galit pa rin ba sakin 'yang best friend mo?" Tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Nagtype ako ng message for Peter.

I'm only just your TinkerbellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon