Persistence of Memory Prologue

16 1 0
                                    

Sa may gate ng school, sa isang sulok ng classroom, sa may park at sa may waiting shed… Ang totoo, matagal ko nang sinusubukang kalimutan, pero hindi ko talaga magawa.

7:45. Late na naman, o baka hindi rin. Depende sa takbo na masasakyang jeep. Araw-araw pare-pareho. Tumira na lang kaya ako sa ibang lugar? Pero, kahit kailan ba hindi magiging routine ang buhay ro’n? Ewan ko. Hindi ako sigurado. O, may waiting shed pala dito. Dito na lang muna ako. Dito na lang ako maghihintay.

-          O, tumakbo ka na naman ba pataas? Mag-request ka nalang kayang ilipat ang office sa 2nd floor?

Ngiti lang. Habol muna ng hininga. Aagahan ko na talaga bukas. Pero hindi. Baka makita ko siya.

Break time. 15 minutes. Yosi muna. Shit! Naiwan ko pala lighter ko sa bahay.

Lunch time. 1 hour. Matutulog ba o gagawa ng report? Siyempre yung una.

Break time. 15 minutes. Kape na lang. Sayang walang nagtitinda ng biscuit sa office.Biscuit? Nababaliw na talaga ako.

5pm. Salamat.

Naulan pala. May payong ba ‘ko? Di bale, titigil din yan. Mukha yatang lumalakas. Pati hangin sumasabay. Ganito yon,e. Ganito nga yung araw na ‘yon. Naalala ko na naman.

Kuwartong may glass wall na pinalalamig ng wall type aircon. Dumadaloy, gumagawa ng makikipot na ilog ang buhos ng ulan sa labas. Mabibigat at sabay-sabay na patak. Walang-tigil. Napakalas. Katulad ng mga sinasabi niya. Hindi ko na maintindihan. Aalis na lang ako. Lalabas.

-          Ganyan ka naman! Sige, umalis ka. Sige, umalis ka. Nahihirapan na ‘ko. Nahihirapan na ‘ko. Ayoko na.

Dahil tanga ko, umalis nga ako. Umalis ako. Dahil nakakapagod na. Nakakapagod nang makinig sa sigawan, sa sisihan, sa sumbatan. Pagod na ‘ko na subukang unawain lahat. Tang ina.Mali. Mali ako.

-          Dok, malalim ba? Wala siyang malay. Wala siyang malay. Iba na ang kulay niya… Dok, Dok…Dok, nakikinig ka ba? Hindi ko naman talaga gustong umalis, kaso lang… kaso lang… Dok, Dok, bakit ayaw niyang gumising?

Isang taon, dalawang taon, kahit limang taon pa. Hindi ko kaya.Hindi ko kayang lumimot. Boarding house sa Paco, town house sa Batangas, boarding house ulit sa Laguna, o kahit sa QC pa. Napakalayo ko na do’n. Napakalayo ko na do’n. Pero bakit gano’n? Bakit gano’n pa rin? Sana… Sana… Puta, ang tagal naman kasi ng ulan na ‘to!

-          Boss Chief, may lighter ka ba d’yan? Salamat.

-          May bagyo raw,e.

-          Talaga? Sa bagay, wala naman bago ro’n.

Lagi rin naman bumabagyo sa isip ko.

Persistence of MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon