Pagkikita - Eric Part 1

4 1 1
                                    

Siya yung batang mahilig ngumiti. Kahit ano, kahit sino binabati, nginingitian. Hindi ko talaga siya maintindihan no’n. Kaso pareho ang daan namen pauwi galing eskwela.

-          Gawa tayo ng assignment sa bahay niyo.

Deretso lakad lang, parang walang narinig. Ayoko sa kanya. Hindi ko talaga siya gusto. Wirdo kasi. Ano kayang makakain pag uwi?

7pm.

-          Magandang gabi po, gagawa lang po kami ng assignment.

Hingang malalim. Timpi lang. Ngiti na naman. Hay…

9pm.

-          Hindi ka pa ba uuwi?

Katahimikan. Inulit ko.

-          Hindi ka pa ba uuwi?

Mas mahina pa sa bulong na tugon.

-          Ayoko.

Tapos  biglang lakas ng tinig.

-          Ah, tama. Tama. Gabi na. Kaya, kaya dapat… Sandali, kahit 30 minuto pa. Please.

Matang bilugan,  maitim at matiim kung tumingin. Matang parang pilit inaalam ang nasa isip ng iba. Mga matang kayang tumagos sa kaluluwa. Napakaganda. Maganda talaga ang mga mata niya. Pero hindi, gabi na.

-          Hindi puwede. Umuwi ka na.

Ang tagal bago niya naayos ang lahat ng gamit. Tila ang oras ay isang mumurahing bagay lamang na kayang-kaya niyang bilhin --- at sayangin.  

-          O, tapos na assignment niyo? Ihatid mo nga itong si ---

-          Melanie, Mel na lang po.

-          Si Mel. San ka nga pala nakatira Mel?

-          Sa tabi nina Ate Iska. Kami po yung bagong lipat.

-          Ah, ulila ka na raw sa ina?

Tang ina.Ngiti na naman. Wala ka bang ibang alam na gawen? O sabihin?

-          Tara. Hatid na kita.

Sa labas, madilim, malamig. May mangilan-ngilang puno pa rin. Hay salamat.

-          Ano nga pangalan mo?

Lakad lang. Konti na lang bahay na nila. Mga kahon sa labas at karton sa loob, bagong lipat nga.

-          Ayoko nang gumawa ng assignment. Kaya wag ka nang pumunta sa bahay, okay?

-          Ako si Melanie. Ikaw anong pangalan mo?

Titigan. Matagal. Ako rin ang hindi nakatiis. Tumalikod na ako. Lumakad pauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Persistence of MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon