o1 ♥

45 1 0
                                    

o1  ♥

-WorthLess-

 malakas nanaman ang ulan, mga patak na sa tingin ko ang tanging nagpapasaya sa akin. Ulan na naglalabas ng akin saloobin sa buhay.

"umuulan nanaman pala ?" kailangan ko ng tumayo at maghahanap pa ako ng pagkakakitaan,"

"o josh ? gising kana pala. ahm, anak ? baka may naitago ka dyan na pera ? mapuputulan na kasi tayo mamaya eh. hindi naka bale yung papa mo sa boss niya." -Si MAMA

 buwan buwan yan ang problema ni mama, nakakalungkot makita yung mukha niyang nagmamakaawa. iniisip ko kung bakit nangyayare to, naging mabait naman si mama, hindi ko mapigilan ang sarili ko. gusto kung magwala at umiyak ng umiyak pero kailangan kung magpakatatag,Tumalikod na lang ako.

 "Sige Ma, ako na pong bahala (Ngiting Plastik)"sabi ko.

 Inumpisahan ko nang Mag-ayos, mabilis lang akung naligo at kumain nalang ng tinapay, kinuha ko ang black kung jacket at nagmadaling lumabas ng bahay. mabuti nalang at ambon ambon nalang ang patak ng ulan.

 "Alis na po ako ma ! " sabi ko.

 naglalakad lakad ako para maghanap ng mapapasukan.

tanung dito, tanung dun, pasa dito , pasa dun. nakakainis wala paring natanggap sa akin. 

 habang naglalakad may nakasalubong akung isang lalaki, 

 "Kanina pa kita nakikita ah ? naghahanap ka ba ng trabaho ?" sabi ng lalaki

  ow, gay pala sya . kala ko lalaki. :3 sinagot ko nalang yung tanung ni kuya.

 "opo eh, may alam ba kayung trabaho diyan ? kahit ano basta malaki po ang kita. kailangan lang po, basta wag illegal ah . hehe" sabi ko.

 "meron," ano bang name mo ?" sabi ni kuya

 "Joshua po ang name ko, josh for short. 18 na po ako ! "sabi ko.tapos NGITI para maakit :)

 "Mamayang 10pm, pumunta ka dito sa lugar na to" sabay abot ng maliit ng card.

 "sige po, salamat. ano nga pong name nyo ?" sabi ko.

 "Harold. hanapin mo lang ako pag nakapunta kana dyan." sabi niya

 "salamat kuya Harold, sige po uwi na ako ng makapaghanda po ako :)"sabi ko.

 "welcome, sige aalis nadin ako " sabi niya

 nagmamadali na akung umuwi , nakakatuwa kasi may pagkakakitaan ng ako. hindi na masyadong mahihirapan sina mama at papa .

  pag uwi ko ng bahay. naabutan ko sina jhess at jazz sa may sala .

 "Kuya ! buti andyan kana ! "sabi ni jazz

 "o ? bakit parang ang laki ng problema mo ? haha . sina mama at papa ? "sabi ko.

 "sabihin muna kasi ate ! ang dami mo pang kaekekan eh, pa humble ka pa ndi ka naman maganda, mamatay nalang lahat lahat si daddy dun, pabebe ka paren dyan !" sabi ni jhess

 "Manahimik ka nga dyan KUTONG LUPA ! wag kang pabigla bigla para INTENSE ! " sabi ni jazz

 "what ? a-anung sabi mo ? paki ulit nga ?" sabi ko.

 "Ano bayan kuya ? ilang taon kana ba hindi nag lilinis ng tenga ? " sabi ni jhess

 " si daddy sinugod sa hospital, inatake nanaman ng sakit nya. " sabi ni jazz

 nagloloading sa isip ko yung sinabi nung dalawa kung kapatid, hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. kung anung gagawin ko ?

 " Ano kuya ? TANGA TANGAHAN tayo ? bilisan muna kaya !. " sabi ni jhess

WorthLessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon