Chapter 19: Impostor

340 6 2
                                    

Sorry. Putol yung chapter kanina kaya, ito inedit ko.

__________

Yssa's POV

It's been two weeks since the Bad Wizards attacked us.

Sa loob ng dalawang linggo, maraming nagbago. Isa na dun ang ugali ni Zac.

Ewan ko pero simula nung nandun kami sa Legend Academy, parang hindi na sya si Zac pero impossible naman.

Palagi silang magkasama nung bitch na si Princess.

Nandito nga pala ako sa office ni Tito Floyd.

"Uhh, tito Floyd, paano pag naunahan at matalo tayo ng Dark Wizards?" tanong ko sakanya

"Ikaw talaga. Akala ko ba handang handa ka na?"

"Yun nga po pero-"

"Kapag desidido ka talagang iligtas ang lahi natin, magagawa mo iyon"

"Sabi ko nga. Bakit di po natin umpisahan ng mag training ang mga students para ma ready na sila. Malapit na rin ang digmaan" sabi ko pa.

"Marami nang nagbago. Marami ng mahuhusay at magagaling dito pero ang problema, kapag ikaw ay nakuha ng Dark Wizard ay magiging delikado ang buhay naming lahat"

"As if naman na magpapakuha ako sakanila no"

"Pero.... Paano kung ang pinakamamahal mo ang magiging kalaban mo?"

Natigilan ako sa sinabi nya.

"Syempre mahihirapan ako"

"Dapat masanay kana Yssa dahil may impostor na nakakapalibot sayo. Isa rin ito sa malalapit mong kaibigan at napaka importante nya sayo"

"Eh?"

"Haha. Ang slow mo talaga"

Ako - =_________=

"Okay. Sa madaling salita, may impostor at traydor na malapit sa iyo"

"Ha? Paano ? I mean, sino?'

"Ikaw mismo ang dapat tumuklas Yssa. Alamanin mo..."

*Kinagabihan

Di parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Tito Floyd. Sino naman kaya yun?

*Knock* ....... *Knock*

Malakas ang pagkatok nito pero mabagal.

"Sino yan?" tanong ko.

Walang sumagot. Footsteps lang ang narinig ko.

Binuksan ko yung pinto.... Malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Creepy.

May naanig akong anino kaya sinundan ko ito.

Di ko na namalayan na nakarating na pala ako dito sa likod ng building.

"Haaay! Ano ka ba naman Yssa" sabi ko sa sarili ko. Aalis na sana ako pero may bigla akong naanig na mukha.

"Z-ZAC?!" gulat na gulat na sigaw ko.

"Huy! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pero blanko lang ang expression nito.

"HUY! Gabing gabi na ah"

"..........." hindi na naman sya sumagot. Pinagloloko ba ako nito?

"Hay nako Zac. Aalis nalang ako kung titignan mo lang ako hanggang bukas" aakmang aalis na sana ako kaso tinawag nya ako.

"Wag ka munang aalis"

"At bakit?" nakapa mewang kong tanong sa kanya. Medyo nagsusungit narin kase ako sakanya dahil sa ugali nya na hindi ko na maintindihan,

"Samahan mo muna ako" napakacold naman ng boses nya.

"Saan ?"

"Basta. Sundan mo lang ako" nakangiti nyang sabi. Buti naman at marunong parin itong ngumiti =3=

"Goraaaa"

Mga ilang minuto na kaming lakad ng lakad.

"Uy Zac. San ba talaga kase tayo pupunta? Ang layo layo na natin oh" reklamo ko. Ang dilim kaya. Hindi ako sinagot nito.

"Huy Zac, ano ba. Hindi mo na naman ako sasagutin?" huminto na ako at hinarap siya.

Huminto narin sya.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ko rito.

Nagulat ako ng biglang nag-iba ang kulay ng mata nya.

Bigla nya akong hinawakan ng napakahigpit at kinaladkad.

"A-aray Z-zaac. N-nasasa-k-ktan a-ko" napapaiyak na ako rito.

Naramdaman ko nalang na may biglang dumapo na matulis na bagay sa braso ko.

"Ahhhhhh!" napasigaw ko yan dahil isinaksak ni Zac yun sa braso ko.

then.....

*All went black*

Facing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon