Chapter 29: Goodbye Selene

217 4 0
                                    

Hello sa mga nagbabasa mung meron man. Hahaha!

Hmm, malapit nang matapos to'ng story nato.
Pag-iisipan ko kung gagawan ko ba ng book 2 o hindi.

Didipende nalang po pag may sumuporta. Haha para di sayang yung effort.

Thanks :* VOTE ANYTIME.

----

THIRD PERSON'S POV

Malapit nang marating nila Yssa ang teritoryo ng mga Dark Wizards.

Mga madudungis ang mga mukha nito dahil galing pa sila sa digmaan.

Duguan ang kanilang mga damit at may ilan-ilan na sugat na natamo sa katawan.

Dahil sa matalino si Lirro, nalaman na niya na naalala na ni Yssa lahat.

Ngayon, nag-iisip na naman siya ng panibagong plano para mapatay ang dalaga.

Gayundin naman ang dalaga, nag-iisip ng plano kung paano niya maiiligtas ang kanyang pamilya.

Kahit hindi pa man niya nakikita at nakikilala ang taong may hawak ng buhay sa pamilya niya, alam na niyang makapangyarihan ito.

***

Papatayin na sana ni Lirro ang mag-asawa pati narin si Manang Erly nang biglang dumating ang grupo nila Yssa.

Napatay na rin nila ang humaharang sakanila na Dark Wizards kanina.

"Oh Nandito na pala ang pinakamamahal nyong anak" nakangiting sabi ni Lirro. Ngiting nakakatakot.

Nagulat naman si Yssa sa nakita niya.

Kamukhang kamukha ito ng kanyang ama.

"Pakawalan mo sila" seryosong sambit naman ni Yssa.

Pinalilibutan na sila ng maraming Dark Wizards ngayon.

"At bakit ko naman gagawin yun?" sabi naman ni Lirro na nakangiting malademonyo.

"Dahil wala silang kasalanan" -Yssa

"Talaga ? Hmm, siguro nga." -Lirro

Parang baliw na nagsasalita mag-isa si Lirro.

Sinubukan naman controlin ni Yssa ang utak ni Lirro. Minsan lang niya itong ginagamit na ability.

Napansin naman ni Lirro ang pagkunot ng mga mukha ni Yssa dahil sa hindi gumana ang kapangyarihan nito kaya tumawa na naman itong parang baliw.

"Hahahahaha! Baka nakakalimutan nyong nasa teritoryo ko kayo o Palasyo ko kaya hinding hindi nyo magagamit ang kapangyarihan nyo Hahahaha" parang baliw na sigaw ni Lirro.

Naguguluhan naman ang mga Class A dahil kani-kanina lang ay nakagamit pa sila ng kapangyarihan sa labas nung pinatay ang ibang kawal ng Dark Wizards na humaharang sakanila.

"Hahahaha. Papatayin ko kayong lahat" -Lirro

"NAPAKASAMA MO!" sigaw ni Zac. Ngayon lang ito umimik.

Ang iba niyang kasama ay tahimik lamang ang gulat na gulat sa mga nangyayari.

"HAHAHAHAHAHA" tawa parin ni Lirro at nag-eecho sa buong palasyo ang malademonyong tawa nito.

Bigla namang nawala si Lirro at tanging boses nalang ang narinig nila.

"KATAPOSAN NYO NA HAHAHAHA" yun na ang huling sambit nito.

Pagkatapos niyang sabihin yun, biglang yumanig ang palasyo.

Kinakabahan na sila sa maaaring mangyari.

"Ama, Ina!" tawag ng dalaga sa magulang niya. "Manang" tawag naman niya sa kinilala niyang pangalawang ina.

"Umalis na kayo dito anak!" Naluluhang sambit ng ina ni Yssa.

"Hindi. H-hindi ko kayo i-iwan ma!" naiiyak na rin ito.

Pilit nitong tinanggal ang nakagapos sa mga kamay ng kanyang magulang pero hindi ito natanggal.

"YSSA, TAYO NA! GUGUHO NA ITONG PALASYO" Sigaw ni Zac.

"MAUNA NA KAYO" -Yssa

Wala ng nagawa ang iba dahil gumuho na ang kisame sa harapan na na naging hadlang para makapasok sila sa kwarto na kinaroroonan nila Yssa.

"SH*T!" tanging sambit ni Zac.

"Zac tayo na! Delikado na dito" sambit ni Sam kay Zac

Pilit parin na pumasok ni Zac sa kwarto kung nasaan sila Yssa pero hindi na niya ito mapasukan dahil sa may mga apoy narin na namumuo.

Wala na siyang nagawa kundi nagpahila sa kasamahan niya.

Hindi parin nila nagagamit ang kanilang kapangyarihan.

***

"Ma *cough* m-mahal n-n-na ma-m-mahal k-ko p-po k-kayo *cough*" nahihirapan na sabi ni Yssa sa kanyang magulang kasama na rito ang kang Manang.

"M-mahal *cough* n-na m-mahal *couhh* k-k-ka r-rin nam-min a-nak!*cough*" sambit ng ama bi Yssa.

Hindi na nagsalita si Yssa dahil sa nahihirapan na itong huminga dahil sa usok. Pagod na pagod narin ito. Gayundin ang kanyang pamilya.

Akala nila, kataposan na nila.

Pero may biglang tumulong sakanila......

Si Selene.

Nakakagamit ito ng kapangyarihan dahil isa ito sa mga Dark Wizards.

Natanggal nya ang ginamit na tali sa mga magulang ni Yssa.

Sinabihan din ni Selene sina Yssa kung saan makakadaan tungo sa labas.

May shortcut ito.

Sinamahan na sila ni Selene tungo sa daan papuntang labas.

Gumuguho narin ang ilang kisame sa daan ng shortcut.

Sa di inaasahang pangyayari, guguho na ang kisame na nasa ibabaw ni Yssa. Nag-aapoy ito.

Dalidaling tinakbo ni Selene ang kinaroroonan ni Yssa at itinulak ang dalaga kaya si Selene ang nabagsakan na gumuhong kisame.

Napasigaw si Yssa sa nangyari.

"SELENEEEE!" Mangiyak ngiyak na sigaw ng dalaga.

Napahinto naman ang mga magulang ni Yssa.

Ngumiti lamang si Selene kay Yssa at may sinabi.

"P-patawarin m-mo a-ko Yssa. *cough*" umubo ito ng dugo. "T-tsaka t-t-tumakas nak-kayo" sabi nito sa dalaga.

"Hindi. *sniff* kasama ka" umiiyak na sambit ng dalaga.

"G-gaga k-ka t-talaga! *cough* B-basta u-umalis na k----kayo! P-akis-sabi k-kay U-lly h-a na *cough* m-mahal k-ko p-parin s-sya a-t di n-ag ba-bago y-yun. P-paalam Yssa" nahihirapan na si Selene sa pagsalita kaya tinapos na niya. Pumikit na ito.

"HINDI! SELENEEEEE. S-SELENE. GUMISING KAAA!" Umiiyak na sigaw ni Yssa

"ANAK TARA NA!" sabi ng kanyang ama at hinila na ito.

Habang hinihila si Yssa ng kanyang ama, nakatingin lang ito sa bangkay ni Selene. Hindi parin ito tumigil sa pag-iyak.

May mga natatamong sugat narin ang mag-asawa dahil sa mga nadadaanan nila. Gayundin si Manang at Yssa.

Malapit na silang makalabas at masayang tumakbo ito papunta sa pinto.

Pero.....

Biglang nawalan ng malay ang kanilang anak na si Yssa at umiinit ito.

Kapag hahawakan mo ang dalaga ay para kang mapapaso.

Kinarga naman ng ama ni Yssa ang kanyang anak at nagtungo sa pinto para makalabas na.

Kinakabahan ang mag-asawa sa nangyari sa kanilang anak....

----

Sorry. Ang lame :3 Hahaha!

Matutulog na ako, bukas ulit.

VOTE WISELY XD joke lang. Hahaha! VOTE ANYTIME guys :)

Facing DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon