Chapter 4 FRIENDS

61 4 3
                                    

Mukhang naman silang mabait at friendly kaya madali lang silang pakisamahan. Nagpakilala na sila sa harapan namin. Twins pala sila kaya magkamuka sila pero mas matanda si Maxine ng 3 minutes. Matangkad siya tsaka medyo chubby pero cute, yung isa naman si Jessica sakto lang yung height niya tsaka maganda kaya maraming boys ang naguusap dahil sa kanila.

Hindi kasi sila yung tipo na mahiyain kaya marami agad silang naging kaibigan at kasama na ako dun, tinabi kasi sila ni Sir Christian sa tabi namin ni Athena kaya nakakwentuhan ko sila.

May big company pala sila dito sa philippines kaya napilitan silang lumipat ng school para mas madali silang makapag adjust kapag nag college sila. Niyayaya nga nila agad kami dun sa condo nila para naman daw may new friends na sila at hindi na sila maboring.

"Ngumiti na lang ako sabay sabing sige."

Lumabas na si Sir Christian at pumasok na yung next subject teacher namin. Mukang nasa 20s kaya siguro mabait sya tsaka bago lang sya dito, PE teacher sya pero parang hindi naman kasi payat at hindi mukang energetic.

"Bakit kaya lahat ng new teachers, may negative comments ako?"

"Baka ganun lang talaga kasi new sila kaya may mga negative comments pa tayo." sumbat ni Maxine.

"Sa bagay, tama ka dyan." sabi naman ni Jessica.

Nagpakilala na yung PE teacher namin na si Ms. Debbs, first time daw niya magturo kaya hindi pa niya masyadong alam yung mga gusto at ayaw namin kaya humingi siya ng first expression namin sa kanya. Syempre nauna muna yung nasa first row then kami na(2nd row)

"Mabait" sabi ko sabay ngiti.

"Mataas magbigay ng grades" sabi naman ni Athena.

Tapos sumunod na sina Maxine at Jessica.

Pagkatapos magbigay ng first expression sa kanya, sinabi din niya samin na nakakatuwa daw kami kasi winelcome namin sya. Then nagdismiss na siya.

*Bell rings*

Lumabas na si Athena at kinuha ko na agad yung box at hinila sina Maxine at Jessica para samahan ako kay Athena. Hinarangan ko si Athena at sabay abot ng box, tumawa lang siya at niyakap ako.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis ee." sabi ni Athena

"Syempre! Ikaw pa ba, love na love kaya kita. Yieee *hug* "

"So ano, bati na tayo? *wink* " sabi ni Athena

"Ayaw mo ba? :( "

Ngumiti siya at niyakap ako na parang namiss niya ako ng sobra.

Pagkatapos namin magdramahan, pinakilala ko kay Athena yung twins. Nag shake hands sila and ngumiti sa isa't isa.

Niyaya ko sila sa cafeteria para maglunch at sinabi ko na treat ko kasi bati na kami ni bestie, yayy.

Pagdating namin sa cafeteria...

Umupo na kami sa vacant seat para makaorder na rin ng food. Si Jessica, di ko alam kung nahihiya ba talaga or diet siya kasi wala daw siya gusto kahit drinks.

Habang nasa pila kami, iniisip ko pa kung ano ang bibilin ko kasi sa dami ng pagpipilian, ang hirap pumili kung ano ba ang masarap, hayyy. Then naisip ko na mag oreo cheesecake na lang muna kasi hindi pa rin naman ako masyadong gutom.

Crush ko si SirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon