Chapter 2 - Pamasahe.

106 2 1
                                    

Rosenda's POV.

Umuwi nako ng bagsak ang balikat. Dahil hindi ako nakabili ng siomai. Pesteng piso yan! -__-. Tapos mamaya may practice. Shutang inames! Mag - aayos na nga lang ako ng bag ko.

Habang nag - aayos ako ng bag may sumisilaw sakin na bagay sa bag ko. Pagkatinghn ko... SHUTANG INA BERIBELLS! YUNG PISO KO!!

"SHUTANG INA! YUNG PISO KO!"

"Hoy INDAY! Ang ingay mong punyeta ka!! Hinahanap ka ni Buknoy!" - Sigaw ni Inay saken.

Kuminang naman bigla yung mata ko. Hooomaygaad! Si Buknoy? Nandito? Shutang ina. Kailangan kong magpaganda sa harap ng boyfriend ko! Ay maganda na pala ako. Kumuha ako ng 20 pesos sa wallet ko. Iniwanan ko na din yung piso ko sa bag. Wala namang maitutulong yang pesteng piso na yan. Pahamak e!

Lumabas nako ng bahay at hinahanap ang boyfriend ko.

Ang gwapo niya talaga. Kinikilig ako sakanya~ Hearthrob ata yan!

"Buknooooy!" - Tawag ko sakanya.

Lumingon naman ang gwapo kong boyfriend at ngumiti sakin. My god! Ang landi ko. Geez!

"Hi inday. *smile*" - Sabi niya saken.

Omaygaad! Sinasabi pa lang pangalan ko kinikilig na pempe-- este puso ko! XD

"Hi Buknoy~ *tuck hair* Bat ka nandito?" - Sabi ko sakanya.

"Bakit? Masamang sunduin ang maganda kong girlfriend?" - Sabi niya sakin.

Shutang ina naman author. Bat ang gwapo niya?!

Maganda na sana ang atmosphere ng biglang sumingit na rabbit. --,

"Hi buknoy my lover~" - Malanding sabi ni Buday sa boyfriend ko.

At may pa kapit kapit pa ang bruha sa braso ni buknoy. Tang ina netong rabbit nato dipa bumalik sa lungga niya. Laki laki ng ngipin sa harapan e. Ipangkadkad ko ngipin niya sa niyog e. Pwe.

"Buday wag mo nga akong landiin. Magagalit girlfriend ko sakin." - Masungit na sabi ni Buknoy kay Buday sabay hawi sa may na nakakapit sa braso niya.

That's my Buknoy!♥__♥

"Better luck next time kuneho. Ipangkadkad mo nalang ng niyog yang ngipin mo. Magkakapera ka pa. Pwe." - Sabi ko sakanya.

At ang gaga inis na inis at nag walk - out pa.

"Tara na Inday. Hatid kita sa sakayan" - Nakangiti at naka akbay sa akin.

Ako naman si Malandi kinikilig.

Pagkasakay ko sa Jeep nagpaalamanan muna kami.

"Bye Buknoy. Ma-mimiss kita." - Ako.

"Ikaw din. Pagkabait ka ha? Iloveyou." - Buknoy.

"Iloveyou too. Promire di ako magpapagutom at sak---" - Ako.

"HOOOOY! MGA PUNYETA! Wala kayo sa teleserye kaya wag kayong magdrama diyan! Mga kireng bata! Ke lalandi!" - Babaeng barker.

(Barker - tagatawag ng pasahero at nagsasabi/sigaw ng ruta.)

Tch. Kainis naman to! Pa-epal letche!

"Sige. Babye na nga"

Ki-kiss dapat sakin si Buknoy kaso!! @#**#. Punyemas Hudas Balasubas.

"Oh punyeta talaga. Maghahalikan pa!" - Barker.

Inis akong napatingin dun sa barker sabay irap. Pa epal.

Nahiya natuloy si Buknoy hindi na ko ki-nissan.

Pagkasakay ko. Napatingin pa ako sa barker aba't bakit nagpapa cute?! Punyemas. Kadiri. May tartar pa sa ngipin kung makangiti wagas dina nahiya! Nanay ata to ni Buday!

Kaya naman pala nagpapa-cute kasi may gwapong sasakay! Sheez.

"Sakayan po ba to ng Baranggay Saksakan?" - Tanong nung gwapo.

Sa bawat salita nito lumalabas ang dimples nito.

"Ah eh. Oo gwapo. Sakay kana. Libre kana." - Barker na malandi.

Punyetang balyena to! Ang landi landi! Kung makasuway samin ni Buknoy wagas. Eh mas malaswa pa nga siya

"Salamat po." - Sabi nung gwapo at tumingin sakin.

Aba't nginitian pako?! Inirapan ko nga. Loyal ako kay Buknoy no!

Maya maya nagsalita yung gwapo. Napatingin ako sa ID niya. Alwin ha? Inaamin ko mas gwapo siya kesa kay Buknoy pero mahal ko si Buknoy.

"Kanino po itong Piso?" - Sabi niya habang tinataas yung piso.

Ang bango niya. No. Erase. TCH. Piso lang pupulutin pa.

"Wala po? Sige po akin nalang sayang naman e." - Sabi niya.

Yuck. Ang poor. Pulubi.

"Tama yan iho. Kahit piso lang yan pera parin yan. Ipagpatuloy mo ang pagpapahalaga ng pera. Ngayon ilibre moko ng piso. Kulang kasi pamasahe ko ire" Sabi ni Lola.

Aba'y laughtrip si Lola.

"Uhh~ Sige po lola" - Awkward na sagot ni Alwin.

Di ko na lang pinansin yung nangyari. Tsk. Kunwari peymus ako, snob!!! maya maya pa nasa brgy. saksakan na ako. pumara ako at ganun din si pogi. dumiretso na ako sa letcheng practice.

Pagkapunta ko dun, may mga bayarin ma naman. Shutang inerns talaga.

Binigay ko na yung lima. Tapos sabi wala na daw practice. Kaya naman umuwi nako. Nung pasakay nako. Bgla kng narealize 7 pesos nalang pera ko!!! SHUTANG INAMES! KULANG NANAMAN AKO NG PISO!! No choice. Maglalakad nako. Pahamak talaga ang piso.

Madadagdagan nanaman kalyo ko sa paa dahil sa paglalakad. Habang naglalakad ako sa street namin.

May mga chismosa.

"Uy alam mo ba may nag - away ng dahil sa piso sila Kalbo at Panot!"

"Oo nga! Bibili kasi sila ng shampoong pantubo ng buhok e kulang sila ng piso. Nakapulot nun si panot kaso kay Kalbo daw yun. Shutang inames diba?"

Ano bayan puro piso usapan dito!! Dapat pala di ko iniwan yung piso  sa bag ko. Dumating nako sa bahay at tinalakan ng aking ina.

"Punyeta kang bata ka!  Anong oras naba sa tingin mo?! Bat ngayon ka lang?!" - Inay.

"Nagkulang kasi ako sa piso sa pamasahe. Tsh " - Sabi ko sakanya.

PESTENG PISO TALAGA NAMAN O!

------

Quote / Pangaral - Pahalagahan lagi ang piso dahil kasama pa din siya sa mga pera. Kung walang piso walang one million. Magiging 999,999 na lang yun.

Char.

UD. BUKAS~

Ang Kahalagahan Ng Piso. (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon